Noong ika-28 ng Agosto, binawi ni Deputy Speaker LRay Villafuerte ang House Bill 4228 o ang 2020 General Appropriations Bill (GAB). Ang withdrawal ng GAB ay tunay na nakababahala para sa lahat ng Filipinong galit sa korapsyon. Ang GAB ay ang panukalang batas na nagdidikta kung saan at paano gagastusin ang taunang badyet ng bansa, na galing sa buwis ng mamamayan o ‘di kaya ay utang na mga Filipino pa rin ang magbabayad. Sa kasalukuyang panukalang badyet na iprinisinta sa Kongreso na nagkakahalaga ng P4.1 trilyon, napansin na ng Bayan…
Read MoreTag: KAKAMPI MO ANG BAYAN
BAKIT PINASASARA ANG MGA PAARALANG LUMAD?
Sa loob ng ilang taon, malaking usapin sa hanay ng mga Lumad ang pagpapasara ng mga Lumad schools sa buong Mindanao. Ito ay mga paaralang tinayo nila dahil sa kanilang malalayong lugar, halos walang mga paaralan ang naitatayo ng pamahalaan. Ngunit, imbes na suportahan ng pamahalaan ang mga paaralang itinayo ng mga Lumad at kilalanin ang kanilang karapatan upang paunlarin ang kanilang mga komunidad ayon sa kanilang sariling sikap at pagpapasya, ay inaatake ang mga ito sa maraming prontera. Ang pinakahuli sa mga atakeng ito ay nang pagpaparatang muli ng…
Read MoreGAANO KALAKI ANG PORK BARREL SA 2020 BUDGET?
Malaking tanong para sa taumbayan kung magkano ang pork barrel sa panukalang budget sa 2020. Ang pork barrel ay natukoy nang pangunahing porma ng korapsyon sa gobyerno, dahil nilalagay nito sa kamay ng mga kongresista at mga opisyal ng gobyerno ang kapangyarihan kung saan at kung sino ang paglalaanan ng pera ng taumbayan. Hindi na tanong sa kasalukuyan kung mayroong pork barrel sa budget, kundi kung gaano na kalaki ito. Maaalala ang galit ng mamamayan sa malakihang pagnanakaw sa kaban ng bansa sa pamamagitang ng Priority Development Assistance Program, na…
Read MorePINASLANG ANG ISANG BABAENG LUMAD AT LIDER NG BAYAN MUNA SA BUKIDNON!
Poot at dalamhati ang nararamdaman ng mga miyembro ng Bayan Muna at ng mga katutubong mamamayan sa pagpaslang kay Bai Leah Tumbalang mula sa San Fernando, Bukidnon. Si Bai Leah ay lider ng kanyang tribo sa San Fernando, at nanindigan laban sa pagkamkam ng kanilang lupang ninuno ng plantasyon at pagmimina, at laban sa pananalasa ng mga grupong paramilitar at militar na lumalabag sa karapatan ng mga Lumad sa probinsya. Si Bai Leah ay aktibo sa organisasyong-Lumad at maliit na magsasaka na Kaugalingong Sistema Igpasindog Tu Lumadnong Ogpaan (KASILO). Binaril…
Read MoreKINUKONDENA NG BAYAN MUNA ANG PAG-ARESTO SA MGA MANGGAGAWA NG PEPMACO
Noong Martes, August 20, ay inaresto ng kapulisan ang mga manggagawa na nagpipiket sa harap ng Canlubang plant ng Peerless Manufacturing Corporation (Pepmaco), ang kompanyang gumagawa ng sikat na sabon na Champion. Nasa dalawampung manggagawa ang naiulat na dinakip ng kapulisan nang walang dahilan. Bukod sa pag-aresto ng mga manggagawa, sinira rin ang mga tent ng mga nagpipiket. Mariing kinukondena ng Bayan Muna ang panibagong karahasang ginawa sa mga nagwewelgang manggagawa ng Pepmaco. Sa halip na tugunan ang kontraktwalisasyon at hindi ligtas na sistema ng paggawa, ay paglalapastangan pa sa…
Read MoreHINDI DAPAT GINAGAMIT NI SEN. BATO ANG MGA AWAY-PAMILYA
Kamakailan ay nagkaroon ng pagdinig sa Senado si Sen. Bato dela Rosa kung saan nagsalita ang mga nanay na dinukot umano ang mga anak ng mga progresibong grupo tulad ng Anakbayan. Galit na galit ang baguhang senador at ex-PNP chief Dela Rosa sa mga aktibista dahil sa “brainwashing” umano ng mga ito sa mga kabataan. Ngunit, nagsalita na rin ang mga kabataan at pinabulaanan ang pagdukot sa kanila. Anila, sila ay sumapi sa mga progresibong organisasyon tulad ng Anakbayan upang ipagtanggol ang karapatang pantao na nilalabag ng pulis at militar.…
Read MorePAGLABAG SA DEMOKRATIKONG KARAPATAN ANG EPEKTO NG PAGPAPANUMBALIK NG ANTI-SUBVERSION LAW
Parang throwback sa diktaduryang Marcos ang pinapanukalang panunumbalik ng Anti-Subversion Law. Ang Anti-Subversion Law ay dating isinabatas upang tugisin ang Hukbalahap o ang Hukbong Laban sa Hapon, na pawang mga komunistang gerilya na lumaban sa mga mananakop. Habang ang layunin ng Hukbalahap ay palayain ang Pilipinas sa dayuhang pananakop at kolonyalismo, tinugis sila ng pamahalaan. Ito ang anti-demokratikong batas na nais ibalik ni DILG Secretary Eduardo Año upang pigilan umano ang pag-anib ng mga kabataan at mamamayan sa Communist Party of the Philippines at sa New People’s Army. Una na…
Read MoreKATUTUBO
Agosto 8 ang International Day of the World’s Indigenous Peoples, kung saan ginugunita ang mga pakikibaka ng mga katutubo sa buong mundo. Para sa lumad leader at Bayan Muna Party-list Rep. Eufemia Cullamat, ang pagtatapos ng Martial Law sa Mindanao, na nagpapahirap sa mga lumad sa buong Mindanao. Ang mga lumad at mamamayang Moro ang mga direktang biktima ng militarisasyon at pang-aagaw sa lupang ninuno, ani Rep. Cullamat. Nakababahala ang napakaraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao, na umabot na sa 800,000. Kabilang na rito ang 93 na ilegal na…
Read MoreMULING NAGHAIN ANG MAKABAYAN NG TUNAY NA ANTI-ENDO BILL
Sa kabila ng pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Endo Bill kamakailan, hindi nagpapagapi ang mga manggagawa at ang kanilang mga kinatawan sa Makabayang Koalisyon ng Mamamayan na maghangad ng tunay na batas na magtitiyak ng kaseguruhan sa paggawa. Sa pangunguna ni Bayan Muna Party-list Representative Ferdie Gaite, inihain ang House Bill 3381 noong Lunes, ika-5 ng Agosto. Aniya, habang pinoprotektahan ni Pangulong Duterte ang kaseguruhan ng kapital, lumalaban ang Bayan Muna at ang Makabayan para sa kaseguruhan ng mga manggagawa sa paggawa. Laman ng panukalang batas ang pagbabawal sa…
Read More