Dumagsa ang libu-libong manggagawa sa mainit na lansangan sa Maynila at sa mga sentrong lungsod sa mga probinsya noong Mayo uno, bitbit ang mga isyu na nagpapahirap sa mga manggagawang Filipino sa kasalukuyan: mababang sahod, mataas na presyo ng bilihin, kontraktwalisasyon, pagbuwag ng mga unyon, hindi ligtas na mga pagawaan at opisina, at iba pa. Hindi sapat—at sa katunayan ay nakaiinsulto—ang baryang panukalang umento sa sahod na ibinabato ng Malacañang at ng mga regional wage boards. Hindi nito pahuhupain ang matinding galit ng mga manggagawang Filipino na isinasadlak sa kaalipinan…
Read MoreTag: KAKAMPI MO ANG BAYAN
P750 NATIONAL MINIMUM WAGE, IPAGLABAN!
Papalapit na ang Mayo Uno o Labor Day, at sa okasyong ito ay pinatitingkad natin ang panawagan na “Itaas ang sahod!” Habang walang tigil ang pagtaas ng presyo at ng mga bayarin, kailangang magkaroon ng malakihan at across-the-board increase sa sahod at sweldo sa buong bansa. Una, kailangan na wakasan na ang deka-dekadang pagpapaubaya sa mga regional wage boards na diktahan ang minimum wage. Katunayan, dapat nang buwagin ang mga regional wage boards! Noong 1989, ipinaubaya ng Kongreso sa mga regional wage boards na diktahan ang minimum wage sa kanilang…
Read MoreHUSTISYA PARA KAY COUNCILOR TOTO PATIGAS SR.!
Abot-langit ang aming poot at pighati sa walang-awang pagpaslang kay Bernardino “Tay Toto” Patigas Sr., incumbent city councilor ng Escalante City, Negros Occidental. Siya ay walang-awang pinagbabaril habang siya ay lulan ng motorsiklo noong Lunes, ika-22 ng Abril. Siya ay 72 taong gulang. Hindi lamang ordinaryong public servant si Tay Toto. Siya ay survivor ng Escalante Massacre noong 1985, ito ang pamamaril sa kilos-protestang isinagawa sa ika-13 taon ng Martial Law. Nasa 20 katao ang namatay sa insidente. Binigay ni Tay Toto ang kanyang buong buhay at lakas sa paglilingkod…
Read MoreIMBESTIGAHAN ANG PANUKALANG PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE DAHIL SA ‘MISSIONARY CHARGES’
Tataas ang singil sa kuryente ng P1.89 per kilowatt hour, sa tulak na rin ng National Power Corporation o Napocor. Dahil umano ito sa pagtaas ng subsidyo para sa ‘missionary charges.’ Kaya naman, pinapanawagan ng Bayan Muna na dinggin na ang inihain nitong House Resolution 2287 sa Kamara, na pinaiimbestigahan ang pagtaas na ito na lubhang kwestiyonable. Ang missionary charges ay idinadagdag sa bayarin ng lahat ng konsumer para umano sa elektripikasyon ng mga liblib na mga lugar. Ngunit, imbes na lumiit ito habang lumilipas ang mga taon at lumalawak…
Read MorePALAYAIN SINA JOHN ARLEGUI AT REYNALDO REMIAS, JR!
MARIING pinapanawagan ng Bayan Muna ang kagyat na pagbabasura sa mga gawa-gawang kaso at pagpapalaya kina John Griefen Arlegui, 20, at Reynaldo Remias Jr., 24, na dinukot ng mga hinihinalang ahente ng estado habang nangangampanya para sa Bayan Muna at kay Neri Colmenares sa Angat, Bulacan. Inilitaw sila sa CIDG-Malolos matapos ang dalawang araw, at kinasuhan sila ng kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Act. Ayon sa mga saksi, ang dalawa ay pilit na ipinasok sa loob ng pulang kotse na walang plaka ng mga…
Read MoreTATAAS NA NAMAN ANG SINGIL SA KURYENTE!
Nagbabadya na naman ang mas mataas na singil sa kuryente ngayong buwan dahil sa tinatawag nilang “Yellow Alert” na anim na ulit nang idineklara sa loob lamang ng buwan ng Abril. Dapat talagang maging listo ang mga consumer tuwing naglalabas ng babalang Yellow Alert ang Meralco dahil sa kadalasan ay hudyat ito na itataas ang singil ng kuryente dahil umano sa pagbaba ng supply. Ang ginagawa ng ibang mga power players ay iuulat na sabay-sabay nasisira ang mga planta ng kuryente para sa pagtataas nila ng presyo. Noong 2013, naghain…
Read MoreHINDI PAPATULAN NG MAKABAYAN ANG PAKANANG DEBATE NI GEN. PARLADE
Matagal nang binabato ng putik ang mga kinatawan sa Kongreso mula sa Makabayan ukol sa pagiging rebeldeng komunista umano ng mga ito, at hindi na bago ang hamon ni General Antonio Parlade ng isang debate. Ilang beses nang napatunayan sa mga korte na hindi totoo at walang batayan ang akusasyon na ang Bayan Muna at iba pang mga progresibong partido sa ilalim ng Makabayan ay mga rebelde na nais pabagsakin ang gobyerno. Kung ating maaalala noong 2006, kinasuhan ng rebelyon ang mga kinatawan ng Makabayan sa Kongreso ngunit ito ay…
Read MorePAGSISANTE SA MGA PULIS NA SANGKOT SA 14 MAGSASAKA, HINDI SAPAT!
Tila mula lamang sa isang iskrip ng telenovela ang pagtatanggal umano sa mga pulis na sangkot sa masaker ng 14 na magsasaka sa Negros Oriental. Para sa Bayan Muna, ito ay pag-ampat lamang ng Philippine National Police sa galit ng mamamayan sa animo’y tokhang sa mga magsasaka sa probinsya. Nito lamang ika-30 ng Marso, pasado hatinggabi, naganap ang masaker ng magsasaka sa magkakanugnog na baryo. Ayon sa pahayag ng PNP, nanlaban daw ang magsasaka at namatay sa isang shootout. Pero ayon sa mga saksi, pinasok ng 10 unipormadong personel ng…
Read MoreITIGIL ANG TOKHANG SA MGA MAGSASAKA!
‘HUSTISYA!’ ang sigaw ng Bayan Muna sa pagpaslang sa labing-apat na magsasaka sa Canlaon, Negros Oriental nito lamang Sabado. Walang kasukat na galit at pighati ang aming nararamdaman sa masaker muli ng mga magsasaka. Mananagot ang mga may gawa ng karumal-dumal na pagpatay na ito! Inilarawan ng mga saksi kung paano pinalibutan ng 40-60 na miyembro ng PNP-SAF at saka pinasok ang bahay ni Edgardo Avelino, tagapangulo ng HUKOM o Hugpong Kusog Mag-uuma sa Canlaon. Pinasok nila ang bahay ni Edgardo bandang alas-12 ng madaling-araw, para diumano’y mag-serve ng search…
Read More