(ABBY MENDOZA) MAY apat na beses tumama sa lupa ang bagyong Tisoy na naging dahilan ng tuluyang paghina nito. Bagama’t bahagya na itong humina habang tinatahak ang direksyon patungo sa West Philippine Sea ay nanatiling nakataas ang Storm Signal No 3 sa tatlong lugar habang malaking bahagi pa rin ng Luzon ang nasa ilalim ng Storm Signal No 2 batay sa 5:00 weather update na ipinalabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa). Unang naglandfall ang bagyong Tisoy alas 11:00 ng gabi noong Disyembre 2 sa Gubat, Sorsogon; ikalawa…
Read MoreTag: landfall
HANNA LALAKAS PA KAHIT WALANG LANDFALL — PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) ISA nang Severe Tropical Storm ang bagyong Hanna na inaasahang lalakas pa sa loob ng 48-oras subalit hindi pa rin ito inaasahang magla-landfall dahil malayo sa kalupaan. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) halos hindi gumagalaw ang bagyong Hanna na pinalalakas ng hanging habagat kaya nakararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag uulan. Sa monitoring ng Pagasa, hindi magla-landfall ang bagyo kaya walang ibinababang tropical cyclone signals. Ang bagyo ay huling namataan 795 km sa Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na 95 kph…
Read More