NIYANIG ng magnitude 5.4 na lindol ang southern province ng Davao Oriental, madaling araw ng Lunes kung saan inaasahan ang aftershocks, ayon sa Phivolcs. Bandang alas-3:00 ng madaling araw nang maramdaman ang pagyanig 72 kilometers southeast ng Governor Generoso town, ayon pa sa Phivolcs. May lalim na 50 kilometers, ang lindol ay naramdaman na ‘parang may nagdaan na mga truck’, ayon kay Governor Generoso. Habang inaasahan ang aftershocks, hindi naman ito makalilikha ng pinsala. Noong Disyembre, niyanig ng 6.9 magnitude quake ang katabing Davao del Sur na ikinasawi ng 11 katao…
Read MoreTag: LINDOL
DEPT. OF RESILIENCE ISABATAS NA — SOLON
(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ni Senador Christopher Bong Go na napapanahon nang maisabatas ang panukalang Department of Disaster Resilience. Ito ay kasunod ng serye ng lindol sa Mindanao at ang mapaminsalang bagyo na sumalanta sa Visayas at ilang bahagi ng Luzon noong Disyembre. Sinabi ni Go na dapat maging proactive ang lahat at mayroong departamento na tututok sa disaster preparedness at pagtugon sa mga epekto nito. Idinagdag pa nito na makatutulong aniyang mapabilis ang pagbangon ng mga biktima ng kalamidad kapag mayroon nang nakatutok na iisang ahensiya ang pamahalaan. Dagdag…
Read MoreCAPIZ NIYANIG NG 4.8 LINDOL
NIYANIG ng magnitude-4.8 earthquake ang Capiz, Huwebes ng gabi, ayon sa Phivolcs. Bandang alas-8:19 ng gabi nang maramdaman ang pagyanig sa tinatayang 7 kilometers southwest ng San Enrique town na may lalim na 14 km. Sinabi ni Phivolcs science researcher Benz Rodriguez na dahil mababaw lamang ang epicenter ng lindol kung kaya’t ramdam na ramdam ito ng mga residente. Kabilang sa mga nayanig na lugar ang: Intensity IV – Tapaz, Capiz; Passi City at Dingle, Iloilo Intensity III – Iloilo City; La Carlota City, Negros Occidental; Bacolod City Intensity II…
Read MoreKALAGAYAN NG BIKTIMA NG LINDOL BANTAY-SARADO
(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ni Senador Christopher Bong Go na nagpapatuloy ang monitoring ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalagayan ng mga mamamayan sa mga lugar sa Mindanao na nakakaranas ng paglindol. Ayon sa senador, naka-deploy aniya ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para agad na matugunan ang pangangailangan ng local government units (LGUs). Kabilang umano sa mga ahensya ng gobyerno na umaalalay sa mga residente sa Mindanao ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Department …
Read More2 MALALAKAS NA AFTERSHOCK TUMAMA SA DAVAO DEL SUR
(NI DONDON DINOY) MAGSAYSAY, Davao del Sur — Dalawang malalakas na lindol na naman ang tumama dito sa lalawigan ng Davao del Sur, Miyerkoles ng umaga. Nagulantang ang mga dumalo sa Simbang Gabi matapos biglang maramdaman ang malakas na pagyanig. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), isang magnitude 5.3 aftershock ang tumama sa Davao del Sur at mga karatig lalawigan dakong alas 4:18 ng umaga. Naitala ang episentro ng lindol mga 28-kilometros southeast sa bayan ng Padada, may siyam na kilometrong lalim at tectonic ang origin. Naramdaman…
Read More4 PATAY SA 6.9 MAGNITUDE LINDOL SA DAVAO DEL SUR
(NI ABBY MENDOZA/JEDI PIA REYES) APAT na residente ang iniulat na nasawi sa magnitude 6.9 na lindol sa Matanao, Davao del Sur, Linggo ng hapon. Sinabi ni Bureau of Fire Protection (BFP) Director for Operations Chief Superintendent Samuel Tadeo na may inilunsad nang rescue operation para sa mga naipit pang biktima nang gumuho ang isang supermarket sa Padada, Davao del Sur. “Mayroon po tayong ongoing rescue operations sa three-storey na collapsed structure, yung [Padada] Southern Trade na grocery store. Mayroon na pong tatlong patay,” ani Tadeo. Sinabi naman ni Matanao…
Read MoreP3.3-B HALAGA NG NAPINSALANG ISKUL SA LINDOL — DEPED
(NI KEVIN COLLANTES) INIULAT nitong Martes ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng Department of Education (DepEd) na mahigit 1,000 paaralan na ang iniulat na napinsala ng magkakasunod na malalakas na lindol sa Mindanao noong Oktubre. Batay sa pinakahuling datos ng DepEd-DRRMS, tinatayang aabutin ng P3.3 bilyon ang halaga ng mga may 1,047 na paaralan na napinsala ng lindol. Nabatid na ang Soccsksargen region umano ang nakapagtala ng may pinakamaraming pinsala na umabot sa 670 schools, na sinundan naman ng Davao region na may 274 paaralan, Northern Mindanao na may…
Read MoreISABELA NIYANIG NG 4.4 LINDOL
(NI KIKO CUETO) NIYANIG ng magnitude 4.4 na lindol ang Isabela Lunes ng umaga. Ayon sa Phivolcs, nangyari lindol ng alas-8:28 ng umaga. Nasukat ang sentro nito 33 kilometero southeast ng Palanan town. Ayon pa sa Phivolcs, tectonic ang ang origin ng lindol at may lalim na 14 kilometer. Hindi naman inaasahan na magkakaroon ito ng mga aftershocks. Madalas ang lindol sa Pilipinas dahil nakalinya ito sa tinatawag na Pacific Ring of Fire. Nitong nagdaang buwan, niyanig ang Mindanao ng sunud-sunod na lindol na pumatay sa 23 tao at daan-daan…
Read MoreHIGIT 1K MANGGAGAWA NAWALAN NG TRABAHO SA LINDOL
(NI BONG PAULO) KIDAPAWAN CITY – Nasa 1,012 katao ang nawalan ng trabaho sa Kidapawan City matapos huminto ang operasiyon ng ilang mga establisiemento habang ang iba naman ay tuluyan nang nagsara dahil sa nasirang mga gusali. Ito ang sinabi ni Department of Labor and Employment o DOLE Regional Director Sisinio Cano sa pinakahuling datos na kanilang nakuha mula sa DOLE-North Cotabato. Posible pa umanong madagdagan ito dahil ang nasabing datos ay karamihan mula sa Kidapawan at hindi pa nila nakukuha ang ibang detalye sa iba pang mga bayan na…
Read More