MAGKAKAROON ng kalat-kalat na pag-ulan dulot ng southwest monsoon o habagat sa northern at central part ng Luzon, ayon sa Pagasa. Ang Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, at Bataan ay makararanas ng maulap na papawirin at pag-ulan. Ang iba pang lugar sa Luzon ay makararanas ng mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorms. Minomonitor din ng Pagasa ang low pressure area sa 2,195 kilometers east ng Visayas area. Habang nasa labas pa ng bansa ang low pressure area, makararanas na ng mga pag-ulan sa ilang…
Read MoreTag: LPA
BAGYONG HANNA LUMAKAS PA, 1 LPA MATUTUNAW
(NI ABBY MENDOZA) NAPANATILI ng bagyong Hanna ang lakas nito habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa tinatahak na ng bagyo ang direksyong patungong Japan subalit bago ito lumabas ng PAR ay magdadala pa ito ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan kaya pinapayuhan ang publiko na mag-ingat laban sa baha at landslide. Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kph, bugso na 230kph at kumikilos sa bilis na 15kph. Bagamat PAR ang…
Read MoreBAGONG LPA MINOMONITOR NG PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) MINOMONITOR ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang isang Low Pressure Area na nasa loob ng bansa sa posibilidad ma maging bagyo. Ayon sa Pagasa, bagamat may posibilidad na maging bagyo ang LPA ay hindi naman ito tatama sa lupa at inaasahang agad din palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Huling namataan ang LPA sa layong 550km Silangan ng Virac, Catanduanes. Binabantayan din ng Pagasa ang tropical storm na nasa labas ng bansa na may international name na Wipha, ang nasabing bagyo ay…
Read More‘FALCON’ LUMAKAS; BAGONG LPA MAGIGING BAGYO
(NI KIKO CUETO) ASAHAN ang mas matinding buhos ng ulan sa mga susunod na araw dahil hahatakin ng pinagsamang lakas ng Bagyong Falcon at binabantayang sama ng panahon ayon sa PAGASA. Malaki umano ang epekto ng bagyo at LPA sa buong bansa. Ayon kay PAGASA weather forecaster Ezra Bulquerin, bahagyang lumakas ang bagyong Falcon sa dala nitong 75 kilometers per hour na hangin at pagbugsO na papalo sa 90 kph. Huling namataan ang bagyo 385 kilometers north northeast ng Basco, Batanes. Sa taya naman ng Pagasa sa low pressure area…
Read More‘EGAY’ INAASAHANG HIHINA SA LOOB NG 24-0RAS
INAASAHANG hihina ang bagyong ‘Egay at magiging isang low pressure area na lamang ito sa susunod na 24-oras, ayon sa Pagasa. Samantala, ang low pressure area na namataan sa labas ng Philippine area of responsibility ay huling naitala sa 575 kilometers west ng northern Luzon. Sinabi ng Pagasa na ang namumuong bagyo ay hindi papasok sa bansa at sa halip ay tatahak patungong China. Nananatili ang signal no. 1 sa Batanes habang naitaas na rin ito sa Babuyan Group of Islands. Bandang alas-4:00 ng umaga ngayong Lunes, ang bagyong Egay…
Read MoreHABAGAT PATULOY NA MAGPAPAULAN SA MM
(PHOTO BY KIER CRUZ) MAGIGING maulan ang weekend sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng hanging habagat na makaaapekto sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa. Sinabi ng Pagasa Weather specialist Meno Mendoza na ang low-pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ay nakapagpapalakas sa southwest monsoon. Ang LPA na posibleng maging bagyo sa susunod na mga araw ay namataan sa Juban, Sorsogon. Magpapatuloy ang mga pag-ulan sa Metro Manila, Mimaropa, Western Visayas, at lalawigan ng Zambales, Bataan, Batangas at Cavite. Ang nalalabing…
Read MoreMARAMING LUMUBOG SA BAHA; BUONG LINGGO UULAN — PAGASA
(NINA DAHLIA S. ANIN, LILY REYESPHOTO BY JIMMY CARBO) NAGPAALALA ang Pagasa weather bureau sa mga mamamayan na magdala ng payong buong Linggo dahil sa mga pag-ulan sa buong Linggo. Ito ay matapos ang malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Metro Manila madaling araw ng Martes, na nakapagdulot ng pagbaha na ang iba ay umabot pa ng hanggang lagpas -tao. Ayon kay Nikos Peñaranda, weather speacialist ng Pagasa, apektado ng ulan ang ilang Kanlurang bahagi ng Visayas, Southern at Central Luzon, kasama ang Metro Manila, Panay, Negros, Mindoro, Bataan…
Read MoreLPA INAASAHANG MAKADARAGDAG NG TUBIG SA ANGAT DAM
ISANG low pressure area ang inaasahang makatutulong para maragdagan ang mababang antas ng tubig sa Angat dam, pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila, ayon sa Pagasa. Bandang alas-3:00 ng madaling araw, ang namumuong bagyo ay nasa 595 kilometers northeast ng Borongan City, Eastern Samar, ayon kay Pagasa weather forecaster Meno Mendoza. Gayunman, hindi magiging bagyo ang LPA sa susunod na 24-oras ngunit magbibigay ng mga pag-ulan sa Central Luzon, ang lokasyon ng Angat dam. Tutungo ang LPA sa Taiwan bago matapos ang linggo. Apektado ng LPA ang Metro Manila,…
Read MoreLPA BINABANTAYAN NG PAGASA
MINAMANMANAN ng weather bureau ang low pressure area sa labas ng Philippine area of responsibility. Bandang alas-4:00 ng umaga, ang weather disturbance ay nasa 1,265 kilometers east ng Mindanao. Wala pa umano itong direktang epekto sa bansa, ayon kay weather specialist Meno Mendoza. Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at lalawigan ng Aurora ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may pag-ulan dahil sa frontal system na nakaaapekto sa Northern Luzon. Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng magandang panahon na may mga pag-ulan…
Read More