KAHIT MAY LIBRENG SAKAY; PASAHE SA MRT, LRT, PNR ‘DI ITATAAS

freerides321

(NI KEVIN COLLANTES) HINDI magpapatupad ang pamahalaan ng taas-pasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR), sa kabila ng pagbibigay ng mga naturang train lines ng libreng sakay sa mga estudyante, simula sa Lunes, Hulyo 1. Ito ang tiniyak ni Transportation Secretary Arthur Tugade, kasunod ng mga pangambang maaaring tumaas ang pasahe ng mga naturang rail lines upang mabawi ang kitang mawawala dito, sa gagawing pagbibigay ng free train rides sa mga estudyante. Ayon kay Tugade, malabong mangyari na magpatupad sila…

Read More

LRT2 TIGIL-BIYAHE; PROBLEMA SA RILES INAAYOS

lrt2a

(NI KEVIN COLLANTES) NAGPAPATUPAD ang  pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng tigil-biyahe nitong Biyernes umaga, nang makitaan ng problema ang riles ng tren nito sa area ng Quezon City. Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesperson Hernando Cabrera, dakong alas-9:54 ng umaga nang magdeklara ng ‘code red’ ang LRT-2, dahil sa kaunting problema sa riles na malapit sa Cubao Station. Sa ilalim aniya ng ‘code red’ ay pansamantalang ititigil ang operasyon ng mass rail system. Kinakailangan ding mag-unload o magpababa ang mga tren ng kanilang mga…

Read More

RESULTA NG LRT2 COLLISION PROBE ILALABAS NA 

lrt2a

(NI KEVIN COLLANTES) PORMAL nang sinimulan nitong Lunes ng fact-finding committee na binuo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang imbestigasyon hinggil sa insidente ng banggaan ng dalawang tren ng LRT-2, nitong Sabado ng gabi, na nagresulta sa pagkasugat ng 34 na katao. Ayon kay LRTA spokesperson Hernando Cabrera, kabilang sa aalamin ng Komite ay kung paanong nag-disengage ang preno ng ‘dead train’. Tutukuyin din aniya ang bilis ng tren nang maganap ang banggaan, gayundin ang ‘incline’ o pagkakahilig ng riles sa lugar. Sinabi ni Cabrera na inaasahan nilang magtatagal…

Read More

LRT 2 TRAINS NAGSALPUKAN: 29 SUGATAN

train12

NAGBANGGAAN ang dalawang train ng Light Rail Transit 2 (LRT 2) sa pagitan ng Cubao at Anonas stations, Sabado ng gabi, ayon sa Light Rail Transit Association (LRTA). May 29 pasahero ang nasaktan at isinugod sa ospital. Ayon sa ilang pasahero, puno ang train patungong Santolan station nang sumalpok sa isa pang train sa riles. Ilan sa mga nabasag na salamin ay nahulog sa ilalim na kalsada. Hanggang hatinggabi ay patuloy na iniimbestigahan ang dahilan ng banggaan, ayon kay Lyn Janeo, LRTA communications officer. 146

Read More

BETERANO MAY 7-ARAW LIBRENG-SAKAY SA LRT-2

VETERANS

(NI KEVIN COLLANTES) MAY magandang balita ang Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa mga beterano. Ito’y dahil pagkakalooban sila ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng libreng sakay sa loob ng isang linggo. Batay sa inilabas na advisory ng LRTA, nabatid na ang libreng sakay ay bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga beterano at pakikiisa sa paggunita sa Philippine Veterans Week. Unlimited ang libreng sakay dahil maaari itong i-avail ng mga beterano at isang personal companion nito, mula ng 4:30 ng madaling araw o sa pag-uumpisa pa lang ng…

Read More

BYAHENG MANILA-ANTIPOLO 30-MINUTO NA LANG SA 2020

lrt500

(NI KEVIN COLLANTES) MASAYANG ibinalita ng Department of Transportation (DOTr) na malapit nang umigsi sa 30-minuto ang biyahe mula Maynila hanggang Antipolo City. Ito’y dahil malapit nang matapos ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) Masinag Extension project. Ayon sa DOTr, sa ngayon ay 57 porsiyento nang tapos ang proyekto, habang fully finished na ang viaduct nito. Target umano ng DOTr na tuluyan nang matapos ang proyekto sa taong 2020. Nabatid na ang naturang proyekto ay ekstensiyon ng LRT-2 na nagdudugtong sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila at Santolan…

Read More

PINAIKLING ORAS NG LRT-2

lrt2

INIHAYAG ng Light Rail Transit line 2 (LRT-2) ang pag-ikli ng kanilang biyahe sa December 24 at December 31 dahil sa inaasahang kaunting mananakay. Sa kanilang advisory, ang LRT-2 ay magkakaroon ng last trip mula Santolan station ng alas-8 ng gabi sa halip na alas-10 ng gabi sa December 24. Ang huling train naman mula Recto station ay aalis ng alas-8.30 ng gabi sa halip na alas-10.30 ng gabi. Samantala, sa December 31, ang mga train mula Santolan station ay aalis ng istasyon ng alas-7 ng gabi mula sa regular…

Read More