(NI JEDI PIA REYES) BINAWI na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng motoristang si Luis Miguel Lopez o kilala ring Miko Lopez at hindi na rin mabibigyan ng pagkakataon na muli itong magkaroon ng driver’s license at makapagmaneho ng ano mang sasakyan. Sa memorandum na ipinalabas ng LTO, nahaharap si Lopez sa patung-patong na kaso tulad ng speeding, reckless driving, failure to wear or use a seatbelt, at driving a motor vehicle without a steering wheel o Unauthorized Motor Vehicle Modification. Maliban sa pagpapawalang-bisa ng lisensya, pinagbabayad din…
Read MoreTag: LTFRB
UV EXPRESS GAGAWIN NA RIN P2P — LTFRB
(NI JEDI PIA REYES) HINDI na pupuwedeng magsakay at magbaba ng mga pasahero kung saan naisin ng drayber ng mga sasakyang UV Express. Ito ay dahil gagawin nang Point-to-Point o P2P ang operasyon ng UV express vehicles, batay sa kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB. Nakasaad sa Memorandum Circular No. 2019-025 na pirmado ni LTFRB Chair Martin Delgra at may petsang Mayo 15, maaari lamang isakay at ibaba ng UV express units ang mga pasahero sa mga “designated terminal”, base sa rutang nakasaad sa kanilang Certificate…
Read More‘NO SHOW FEE’ NG GRAB SINUSPINDE NG LTFRB
(NI JEDI PIA REYES) HINDI muna pinahihintulutan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P50 na cancellation at no-show fees ng Transport Network Companies (TNCs), tulad ng Grab Philippines. Inilabas ng LTFRB ang desisyon kasunod ng idinaos na dayalogo ng ahensya at ng mga kinatawan ng iba’t ibang TNCs. Ang cancellation at no-show fees ay dagdag-singil sa mga pasahero na magkakansela ng bookings, limang minuto matapos na makapag-book sa isang drayber; at mga pasahero na hindi sisipot sa pick-up point sa loob ng limang minuto makaraang dumating ang…
Read MorePAG-BAN NG PROV’L BUS SA EDSA SINUSPINDE
(NI DAVE MEDINA) SINUSPINDE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula Lunes ang hindi pagbiyahe ng mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA. Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang pansamantalang pagsuspinde sa ban sa mga provincial bus sa EDSA ay dahil sa nakabimbin nilang pakikipagpulong sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). “We will continue with the dry run once the guidelines and implementing rules have been ironed out by the three agencies involved,” sabi ni GM Garcia sa mga mamamahayag. Sinabi pa ni Garcia…
Read MoreALAGANG HAYOP PWEDE NA SA PUV
(NI DAHLIA S. ANIN) NAGLABAS ng memo ang mga transport official na papayagan nang makasakay sa Public Utility Vehicle (PUV) ang mga alagang hayop na nais isama ng kanilang amo sa byahe. Sa Memorandum Circular No. 2019-019 na may petsang April 15 na inilaba sa publiko noong Biyernes mula Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), papayagan nang sumakay sa mga PUV ang mga alagang hayop ngunit dapat ay nasa tama silang lagayan (carrier/carriages) at ilalagay sila sa mga nakalaan na compartment kung may ibang pasaherong kasabay. Nakasaad din sa…
Read More140 P2P BUS BIBIYAHE SA HOLY WEEK KAPALIT NG MRT3
(NI KEVIN COLLANTES) MAGPAPABIYAHE ng may 140 Point-to-Point (P2P) buses ang Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) ngayong Holy Week. Batay sa inisyung anunsiyo ng DOTr-MRT3 sa kanilang social media accounts nitong Huwebes ng umaga, ide-deploy nila ang mga naturang P2P buses mula Abril 15, Lunes Santo, hanggang Abril 17, Miyerkoles Santo, at mula Abril 20, Sabado de Gloria, hanggang Abril 21, Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday). Ayon sa departamento, layunin ng deployment ng mga naturang behikulo na matulungan ang mga suki nilang pasahero na maaapektuhan ng taunang…
Read MoreLTFRB EXEC DIR JARDIN SINUSPINDE SA P4.8-M ‘SUHOL’
(NI KEVIN COLLANTES) SINUSPINDE ni Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa posisyon si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Samuel Jardin kasunod ng alegasyon ng korapsiyon laban sa kanya. Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na ipinag-utos ni Tugade ang pagpapataw ng 90-day preventive suspensiyon laban kay Jardin nitong Miyerkoles, Abril 3, kasabay ng pagsasampa ng pormal na reklamo laban sa naturang opisyal. Nag-ugat ang suspensiyon at paghahain ng reklamo laban kay Jardin, sa alegasyong nag-solicit umano siya ng P4.8 milyong halaga ng pera kapalit ng pagpapasilidad…
Read MorePOLITICAL ADS SA PUV PWEDE — LTFRB
(NI JEDI PIA REYES) PINAPAYAGAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paglalagay ng political advertisements o campaign materials sa mga pampublikong sasakyan. Gayunman, nilinaw ng LTFRB na kailangang nakasunod sa mga pamantayang itinatakda ng Commission on Elections (Comelec) ang mga gagamiting campaign material. “LTFRB allows political advertisement placement only in Public Utility Jeepneys (PUJs), Public Utility Buses (PUBs), and taxis as long as it meets the rules and regulations on Election Propaganda set by the Commission on Elections (Comelec), ayon sa LTFRB. Dapat din umanong nakatugon…
Read More20 BAGONG DAGDAG NA RUTA SA CAVITE
(NI JEDI REYES) DALAWAMPUNG bagong ruta ng mga pampublikong sasakyan ang idaragdag ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Sa ipinalabas na Memorandum Circular ng LTFRB, 10 bagong ruta ang ibinigay sa mga public utility bus, dalawa sa UV Express, at walo sa Class Public Utility Jeepneys. Kabilang sa mga ruta ng mga pampasaherong bus ay ang PITX – Ternate PITX – Alfonso/Mendez PITX – Palapala, Dasmariñas PITX – Silang, Cavite PITX – Tagaytay City PITX – Cavite City PITX…
Read More