(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI lahat ng working mothers ang makikinabang sa bagong batas ukol sa 105 days maternity leave dahil exempted ang mga maliliit at problemadong negosyo sa bansa. Kasabay nito, hindi naniniwala si Makati Rep. Luis Campos Jr., na titigil na ang mga malalaking korporasyon sa pagkuha ng mga babaing empleyado dahil sa nabanggit na batas. “We do not see the extended maternity benefit discouraging the employment of women. Men and women will continue to get hired as long as they have the skills, knowledge and personal attributes needed by…
Read MoreTag: MATERNITY LEAVE
MATAPOS ANG 26 TAON; 105-DAY MATERNITY LEAVE OK NA
(NI BERNARD TAGUINOD) IKATLO na ang Pilipinas sa 10 miyembro ng Association of Southeast Asean Nation (ASEAN) na may pinamakahabang maternity leave matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 105 days maternity leave law. Ikinagalak naman ng mga mambabatas sa Kamara na tuluyan nang naging batas ang nasabing panukala matapos ang 26 taon simula nang unang tangkaing isabatas ito upang bigyan ng mahabang panahon ang mga kababaihan na maalagaan ang kanilang bagong silang na anak. Base sa nakalap na datos, ang Vietnam pa rin sa ASEAN ang may pinakamahabang maternity…
Read More105 DAYS MATERNITY LEAVE NAKABITIN SA PALASYO
(NI BERNARD TAGUINOD) NANGANGANIB na mauwi sa wala ang 105 days maternity leave na pinaghirapang ipasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso dahil sa maling bulong umano na natanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang ito. Ito ang pinangangambahan ng grupong Gabriela matapos ilutang umano ni Duterte na posibleng i-veto nito ang nasabing panukala dahil lolobo umano ng P6.4 billion ang gagastusin ng Social Security System (SSS) sa mga manganganak na bibigyan ng ayuda. “The expanded maternity leave bill has gone through exhaustive deliberations with all agencies and stakeholders involved, including…
Read More105 ARAW MATERNITY LEAVE NAKATENGGA SA PALASYO
(NI NOEL ABUEL) LAGDA na lamang ng Malacanang ang kailangan bago tuluyang matanggap ng mga buntis ang dagdag na araw na maternity benefits ng mga ito. Sa ilalim ng panukalang Expanded Maternity Leave, mula sa kasalukuyang 60 araw na maternity leave ay gagawin itong 105 araw sakaling lagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte. Umaasa ang Senado na tuluyan na itong mapipirmahan kung saan Enero 21 pa nang isumite ito sa Palasyo . Isinasaad sa nasabing panukala na ang 105 araw na maternity leave ay ipagkakaloob sa mga lahat ng buntis…
Read More105 ARAW NA MATERNITY LEAVE PIRMA NA LANG NI DU30 ANG KULANG
Pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maging batas ang “105 days Expanded Maternity Leave law” matapos ratipikahan ito ng Kamara sa ikalawang pagkakataon ang bicameral conference committee report ng nasabing panukala. Unang niratipikahan ang nasabing panukala noong Oktubre 3, 2018 subalit binawi ito matapos tutulan ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF) ang tax exemption at appropriation provisions ng nasabing panukala. Muling pinag-aralan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala at nagkasundo na alisin ang mga tinutulang probisyon ng Executive…
Read More