(NI JESSE KABEL) KAKASUHAN ng Department of Interior and Local Government si dating Manila mayor Joseph Estrada. Ito ang inihayag ngayong Biyernes ng pamunuan ng DILG oras na mapatunayan nilang nilabag ng natalong re-electionist mayor Joseph Estrada ang DILG circular. Sa ginanap na pulong balitaan, inihayag ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa kabiguan umano ng kampo ni Estrada na magsagawa ng official turnover ng mga dokumento sa kasalukuyang adminsitrasyoion ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso . Mariing inihayag ni Malaya na responsibilidad ng dating…
Read More