(NI MAC CABREROS) PAGPAPABUTI sa serbisyo upang masigurong walang brownout sa susunod na mga araw, higit pagdating ng araw mismo ng halalan sa Mayo ang nararanasang rotational brownout ngayong linggo, inihayag ng Manila Electric Company (Meralco). Ini-anunsyo ng Meralco ang mga lugar na makararanas ng panandaliang pagkawala ng kuryente bunsod ng maintenance works na isinasagawa na nagsimula nitong Abril 28 at magtatagal hanggang Mayo 5. Sa abiso ng Meralco, apektado ng line conversion work sa Nicanor Roxas St. (Laong Laan) ang pagkawala ng kuryente ganap alas-10 ng umaga hanggang alas-3:00…
Read MoreTag: meralco
MAWAWALAN NG KURYENTE, ABISO NG MERALCO
(NI KEVIN COLLANTES) NAGPAABISONG muli ang Manila Electric Company (Meralco) hinggil sa ipatutupad nilang power interruptions ngayong linggong sa mga lugar kung saan nakatakda silang magsagawa ng maintenance works. Batay sa paabiso ng Meralco, kabilang sa mga apektado o makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente simula Abril 28 hanggang Mayo 4, ay ilang lugar sa Metro Manila, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal province. Nabatid na sa Metro Manila, apektado ang Sampaloc sa Maynila; Sto. Nino sa Paranaque City; Old Balara at Mariblo, sa Quezon City; Western Bicutan sa…
Read MoreSINGIL SA KURYENTE TATAAS
(NI MAC CABREROS) TIYAK na maghihigpit ng sinturon ang publiko sa susunod na mga araw. Ito ay dahil sa nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente. Sa impormasyong nakalap ng Saksi Ngayon, hindi mapipigilan na galawin ng power industry players ang kanilang rates bunsod ng pagtaas sa presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market dahil sa pagnipis sa supply ng kuryente bunsod na rin ng mababang produksyon ng mga planta. Hindi pa mataya ng mga distribution utilities kung magkano ang kanilang ipapatong sa kanilang rates. Nauna nang ginalaw ng Manila…
Read MorePAGKASIRA NG MGA PLANTA TUWING TAG-INIT BUBUSISIIN
(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG rebyuhin ang Power Supply Agreement (PSA) ng mga siraing planta dahil tuwing summer na lamang ay nasisira ang mga ito na nagiging dahilan para tumaas ang singil sa kuryente. Ito ang iginiit ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate dahil kung hindi umano titino ang mga may-ari ng mga plantang ito ay masisira at masisira umano ulit ito sa susunod na mga taon. “Dapat nga ay ang mga may-ari ng mga siraing plantang ito ang nagbabayad ng dagdag-gastos sa kuryente dahil kasalanan nila ang pagkasira ng…
Read MoreILANG BAHAGI NG METRO WALANG KURYENTE SA HOLY WEEK
(NI KEVIN COLLANTES) KAHIT Mahal na Araw ay tuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga tauhan ng Manila Electric Company (Meralco) ng kanilang maintenance works. Dahil dito, sinabi ng Meralco na asahan na ang pagpapatupad nilang muli ng rotational brownout sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan kahit ngayong Mahal na Araw, mula Martes Santo, Abril 16, hanggang sa Sabado de Gloria, Abril 20. Batay sa paabiso ng Meralco, sa kanilang Facebook account, nabatid na kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ng rotational brownout ay ang…
Read MorePAGPALYA NG 6 NA POWER PLANTS, SINADYA?
(NI MAC CABREROS) AALAMIN ng Electric Power Industry Management Bureau at Philippine Competition Commission kung sinadya o hindi ang biglang pagpalya ng mga planta ng mga power producers. Kasabay ito ng pananatiling nasa red alert ang supply ng kuryente sa Luzon Grid, inihayag ng Department of Energy, Biyernes ng umaga. Ayon kay Mr. Mario Marasigan, director ng Electric Power Industry Management Bureau, inaasahang hihigpit ang produksyon dahil sa pagpalya ng anim na power plant. “Hindi lang po talaga natin inaasahan na magkaroon ng unplanned na pagpalya ng mga planta,” pahayag Marasigan.…
Read More1-2 ORAS NA BROWNOUT ASAHAN SA LUZON
PINANGANGAMBAHAN ang rotational brownout sa ilang bahagi ng Luzon sa dalawang magkasunod na araw dahil umano sa kawalan ng sapat na power reserves, ayon sa Meralco. Isa hanggang dalawang oras mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa bawat area ang posibleng mangyari sa mga consumuers. Ilalathala din umano sa social media pages ang mga lugar na apektado. Inaasahang ngayong Huwebes ang peak demand sa Luzon sa 10,607 megawatts sa available capacity na 10,761 MW at reserve na 154 MW. Nanawagan naman ang ahensiya sa publiko na magtipid sa…
Read MoreMERALCO MAY ROTATIONAL BROWNOUT NA NAMAN
(NI KEVIN COLLANTES) INIANUNSIYO ng Manila Electric Company (Meralco) na muli silang magpapatupad ng rotational brownout sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, dahil na rin sa panibagong serye ng maintenance works. Batay sa paabiso ng Meralco, sinimulan ang maintenance works at rotational brownout nitong Lunes, Abril 8, at magtatagal hanggang sa Abril 14, Linggo. Kabilang umano sa mga lugar na apektado ng rotational brownout ay ang Quiapo, Sampaloc at Sta. Cruz sa Maynila; Baclaran sa Parañaque City; Loyola Heights sa Quezon City; at Canumay West, Arkong Bato…
Read MoreTAAS-SINGIL SA KURYENTE NGAYONG ABRIL
(NI KEVIN COLLANTES) MULI na namang magpapatupad ng taas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Abril. Batay sa abiso ng Meralco, nabatid na aabot ng P0.063 kada kilowatt hour (kwh) ang madaragdag sa April bill ng mga consumers. Katumbas ito ng P12.60 na dagdag sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kwh kada buwan at P18.90 para sa mga consumers na nakakagamit ng 300 kwh. Nasa P25.20 naman ang madadagdag sa bayarin sa kuryente ng mga tahanang nakakagamit ng 400 kwh at P31.50 naman sa mga…
Read More