RICE SUBSIDY IPAMBIBILI NG PALAY NG FARMERS

(NI ABBY MENDOZA) INAPRUBAHAN ng House committee on Agriculture ang substitute House Joint Resolution (HJR) na naglalayong gamitin ang 2019 rice subsidy fund para ipambili ng palay ng mga magsasaka para tugunan ang epekto ng Rice Tariffication Law. Kasabay nito ay umapela si House Committee on Agriculture Chair Mark Enverga sa  Malacanang na masertipikahang urgent ang panukala upang agad na maipatupad. Sa ilalim ng joint resolution na inihain nina House Majority Leader Martin Romualdez, Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez at  Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ay gagamitin ang PP33.9B…

Read More

PALAY NG MAGSASAKA SINIMULAN NANG BILHIN NG NFA         

(NI PAOLO SANTOS) PARA maabot ang target na suplay na bigas sa bansa sinimulan ng National Food Authority ( NFA) na bilhin ang mga inaning palay ng mga local farmers sa buong bansa upang matugunan ang target na 14.6 million bag na bigas ngayong 2019. Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, noon pang isang buwan sinimulang bilhin ng ahensiya ang mga inaning palay ng mga local farmers. Sinabi pa nito na noong Setyembre lamang ay nakabili na ang  NFA ng 621,430 bags ng  palay na karamihan ay mula sa mga magsasaka ng Western…

Read More

6 GOV’T AGENCY NA BIBILI NG BIGAS SA FARMERS MINAMADALI  

(NI NOEL ABUEL) MINAMADALI na ng Senado ang pagpasa sa joint resolution na nag-aatas sa anim na ahensya ng pamahalaan at sa mga local government units (LGUs) na tumulong sa magsasaka sa pamamagitan ng pagbili ng bigas. Nakasaad sa Joint Resolution 8 na inoobliga ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of National Defense (DND), Department of Transportation (DOTr), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at LGUs na makipag-ugnayan sa National Food Authority (NFA) upang bumili sa mga local…

Read More

P15-B PAMBILI NG PALAY NG MAGSASAKA, IKAKASA

nfa12

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGKAISA ang mga mambabatas mula sa iba’t ibang grupo upang iginiit na bigyan ng  supplemental budget na P15 Billion ang National Food Authority (NFA)  na pambili ng palay ng mga magsasaka ngayong anihan sa mas mahal na presyo. Sa House Joint Resolution No.8 na inIakda ng 54 Congressmen sa pangunguna ng Makabayan bloc representatives, nais ng mga ito na bigyan ng supplemental budget ang NFA upang matulungan ang mga magsasaka. Sa ilalim ng nasabing resolusyon, ang P15 Billion na imungkahing halaga na ibigay sa NFA ay gagamitin sa pagbili…

Read More

‘KATITING LANG ANG P9-B NG NFA SA MABIBILING PALAY’

bigas22

(NI BERNARD TAGUINOD) KATITING ang mabibiling palay ng P9 billion ng National Food Authority (NFA) kaya marami pa ring maluluging magsasaka ngayong panahon ng anihan dahil sa Rice Tariffication Law. Ito ang nabatid ng Saksi Ngayon kay dating Anakpawis party-list Rep Ariel Casilao kahit pa dagdagan umano ito ng P2 Billion ang pondo ng nasabing ahensya upang mas maraming mabiling palay. Ayon kay Casilao, 4% sa kabuuang ani sa buong bansa lang ang mabibili ng NFA sa nasabing halaga sa presyong P17 kada kilo kaya 96% dito ay maibebenta na lang…

Read More

P2-B DAGDAG NA PONDO PAMBILI NG PALAY NG FARMERS

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON ng karagdagang P2 billion ang National Food Authority (NFA) na pambili sa palay ng mga magsasaka sa mas mahal na presyo kumpara sa mga pribadong traders. Ito ang tiniyak ni House Speaker Allan Peter Cayetano sa ambush interview sa gitna ng deliberasyon sa 2020 national budget sa Kamara upang mas marami umanong magsasaka ang matulungan ng gobyerno. “Definitely not lower than P9 billion, but we’re looking for much more,” ani Cayetano kaya magkakaroon ng realignment sa pambansang pondo subalit hindi pa tinutukoy kung saan ahensya ito…

Read More

VILLAR PIKON SA NFA: 4-M SAKO NG BIGAS NAKAIMBAK LANG

(NI DANG SAMSON-GARCIA) MULING uminit ang ulo ni Senador Cynthia Villar sa National Food Authority (NFA) sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture and Food kaugnay sa epekto ng Rice Tariffication sa mga lokal na magsasaka. Unang nagtaas ng boses ang senador nang mapadako ang usapin sa dami ng mga imported rice na nakaimbak sa warehouses ng NFA. Kinumpirma ni NFA Administrator Judy Carol Dansal na may apat na milyong bags pa ng imported na bigas ang nakaimbak sa kanilang warehouses. “Ang problema nyo dapat buy and sell. Kasama kayo…

Read More

NFA ‘DI MABUBUWAG

nfa12

(Ni FRANCIS SORIANO) HINDI umano maaaring buwagin ang National Food Authority (NFA) pero posibleng mapalitan ang pangalan nito habang nangangamba naman mawalan ng trabaho ang aabot sa 400 empleyado nito na may kinalaman sa regulatory, licensing, registration at monitoring. Ayon kay NFA-OIC Administrator Tomas Escares, kahit na dumaraan sila ngayon sa restructuring sa tulong ng Governance Commission for GOCCs, tuloy pa rin umano ang serbisyong kanilang ibinibigay sa mga magsasaka. Aminado rin ang opisyal na marami sa kanilang mga empleyado ang maaapektuhan ng nakatakdang pagpapatupad ng Rice Tariffication Law matapos…

Read More

ANTI-RICE TARIFF LAW GROUP HIHIRIT SA SC

bigas12

(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL sa tuluyan nang paglalagda ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Rice Tariffication Law, dudulog ngayon ang Bantay Bigas Group para kuwestiyonin ito sa Supreme Court. Ayon kay Cathy Estabillo, tagapagsaila ng Bantay-Bigas Group, magdudulot lamang ang naturang batas ng malawakang pagkalugi at kagutuman sa mga magsasaka at mararamdaman ang epekto nito sa darating na Setyembre. Sinabi ng grupo na gumagawa sila ng kaukulang hakbang para kuwestiyonin at ipawalang-bisa sa Korte Suprema ang batas na umano’y lalong magpapahirap sa mga magsasaka…

Read More