NFA PATULOY NA BIBILI NG PALAY SA MGA MAGSASAKA

palay12

(NI FRANCIS SORIANO) HINIKAYAT ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na direktang ibenta ng magsasaka ang mga aning palay sa alinmang tanggapan ng National Food Authority (NFA). Ayon kay Piñol, magpapatuloy pa rin ang pagbili nila ng palay sa mga magsasaka kahit may rice tariffication. Sa bagong implementing rules and regulation ng batas, bibilhin umano ang mga palay sa halagang P20.40 sa mga individual farmers habang P20.70 naman sa mga cooperative. Dagdag pa nito, hindi na rin umano balakid ang magiging requirement gaya ng passbook sa pagbebenta ng ani sa ahensya…

Read More

2.5-M SAKO NG PALAY TARGET BILHIN NG NFA

palay12

(Ni FRANCIS SORIANO) TARGET ngayon ng Central Luzon National Food Authority (NFA) na bumili ng nasa 2.5 milyong sako ng palay sa buong rehiyon sa halagang P20.70 kada kilong  tuyong palay sa mga magsasaka. Ayon kay Piolito Santos, NFA Regional Director, target ng tanggapan para sa taong 2019 ay katumbas lamang ng 3.5 porsyentong inaaning palay sa buong rehiyon hanggat hindi pa napupuno ang target na ilalaan sa panahon ng kalamidad o biglaang pangangailangan ng bansa. Sa kasalukuyan ay nasa 120,000 bags na ng palay ang nabibili ng tanggapan at inaasahang dadagsa pa…

Read More

PAGBUWAG SA NFA MALABO

rice19

(NI LILIBETH JULIAN) NAPAWI ang takot ng mga opisyal at empleado ng National Food Authority (NFA) sa pangambang mabubuwag ang ahensya kasunod ng pagsasabatas ng Rice Tarrification Bill na katatapos lamang lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo. Ito ay matapos makita ang nakasaad sa Section 8 ng bagong batas na mananatili pa rin ang NFA dahil inaatasan ang ahensya na panatilihin ang sapat na buffer stock ng bansa at dapat na kukunin lamang ito sa mga lokal na magsasaka. “The NFA shall, in accordance with the rules, regulations…

Read More

MAGSASAKA PAPALAG ‘PAG DEHADO SA RTA

farmer

(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY EDD CASTRO) NGAYON pa lamang ay nagbanta na ang rice industry sector na i-aakyat nila sa Korte Suprema at kukuwestiyunin ang probisyon ng Rice Tarrification Law kung lilitaw sa bubuuing Implementing Rules and Regulation (IRR) na mas malulugmok sa kahirapan ang mga magsasaka sa oras naipatupad ang nasbaing batas. Ayon kay Philippine Farmers Advisory Board (PFAB) Chair Edwin Paraluman sa ngayon ay kanila umanong hihintayin ang babalangkasing IRR ng Rice Tarrification Act, kung lalabas na paborable ito mga magsasaka ay kanila itong susuportahan subalit kung papatayin lamang…

Read More

HIGIT 500 NFA EMPLOYEES JOBLESS DAHIL SA RTA

nfa1

(NI LILIBETH JULIAN) ILANG empleyado ng National Food Authority (NFA) ang nanganganib na mawalan ng trabaho dulot ng Rice Tariffication Act (RTA). Ito ang inihayag ni NFA Officer in charge Administrator Tomas Escarez, tiyak na may mawawalan ng trabaho dahil sa bagong batas. Pero sinabi ni Escarez na hindi pa nito mayukoy kung ilan ang maaapektuhan sa ahensya. Sinabi nito na malalaman lamang ito pagkatapos mabuo ang implementing rules and regulations ng batas. Batay sa paunang pahayag ng NFA Employess Association, aabot sa 500 empleado ang inisyal na mawawalan ng…

Read More

RICE CARTEL MAGHAHARI SA RICE RATIFICATION

rice

(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG ibang makikinabang sa Rice Ratification Bill kundi ang mga rice cartel na magdidikta ng presyo ng bigas sa bansa na posibleng maging dahilan para lalo pang tumaas ang presyo ng pangunahing pagkain ng mga Filipino. Ito ang ibinabala ng mga militanteng grupo sa Kamara kaugnay ng nasabing panukala na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng maging dahilan ng tuluyang pagkamatay ng rice industry sa bansa. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, ang layon ng Rice Ratification ay payagan ang mga pribadong rice…

Read More