Gamboa sa ‘ninja cops’ MAGRETIRO O MAPAHIYA?

BINIGYAN kahapon ng magandang option ni Philippine National Police chief Archie Gamboa ang may 357 pulis na sinasabing sangkot sa illegal drug trade na magbitiw na lamang sa kanilang tungkulin kaysa maharap sa matinding kahihiyan. Hinimok ni Gamboa ang mga pulis na kabilang sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-early retirement na lamang bago pasimulan  ng PNP ang adjudication at validation sa 357 pulis na kasama sa naturang listahan para malaman kung sino talaga sa mga ito ang sangkot sa ilegal na droga. Ayon kay Gamboa, “If you don’t…

Read More

PANIWALA NG MAYORYANG PINOY, AYON SA SWS:  PNP TOTOONG MAY NINJA COPS

NINJA COPS

MARAMI pa rin sa mga Filipino o 78% ang naniniwalang mayroong tinatawag na “ninja cops” sa Philippine National Police (PNP). Bahagi ito ng resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) simula noong Disyembre 13 hanggang 16 ng nakaraang taon. Ang ninja cops ay ang mga pulis na sinasabing nagbebenta ng mga nasamsam na ilegal na droga mula sa mga nakumpiska sa bawat operasyon nito. Sa nasabing survey, pitong porsyento ang hindi naniniwala sa akusasyon habang 15 na porsyento naman ang “undecided” o walang maisagot sa usapin. Samantala, aabot…

Read More

MAYORYA SA SENADO IDINIIN SI ALBAYALDE SA NINJA COPS

(NI DANG SAMSON-GARCIA) MAYORYA na ng mga senador ang lumagda sa report ng Senate Blue Ribbon at Justice Committees hinggil sa isyu ng ninja cops na may kinalaman sa anti-drug operation ng mga awtoridad sa Pampanga noong November 2013. Ayon kay Senador Richard Gordon, 14 sa 17 miyembro ng komite ang lumagda sa report. “Right now, there are 14 of the 17 members of the blue ribbon committee who have signed. Si (Senator Lito) Lapid hindi pumirma, si (Senator (Leila) de Lima hindi pumirma, si (Senator Francis) Pangilinan pipirma pero…

Read More

ALBAYALDE NAGSUMITE NG AFFIDAVIT SA DOJ

(NI HARVEY PEREZPHOTO BY KIER CRUZ) LUMUTANG si retired PNP Director General  Oscar Albayalde at P/Major  Rodney Baloloy IV sa pagpapatuloy ng preliminary investigation  sa re-investigation ng  Pampanga drug raid noong 2013. Nagsumite ng kanyang counter affidavit si Albayalde na kanyang pinanumpaan sa panel of prosecutors sa Department of Justice, ngayong Martes, sa pagpapatuloy ng kaso sa umano’y pagkakasangkot nito sa kontrobersiyal na Ninja cops. Maging si Baloloy na nagsumite rin ng kanyang counter affidavit. Matatandaan na unang itinanggi ni Albayalde ang alegasyon na pinoprotektahan niya ang 13 Ninja cops.…

Read More

NINJA COPS LAGOT KAY CHIEF JUSTICE PERALTA

Chief Justice Diosdado Peralta-2

(Ni BERNARD TAGUINOD) Lagot ang mga Ninja Cops kay Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado “Dado” Peralta. Ito ang pahayag ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na naniniwalang mas mapapalakas pa ang kampanya ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-aapoint nito kay Peralta bilang bagong Chief Justice. Ayon kay Defensor, noong 11th Congress siya ang nagbunyag sa Kongreso  sa paghuli at pagpapalaya ng mga pulis sa Station 9,  ng dating Central Police District na ngayon ay Quezon City Police District (QCPD) sa isag dayuahang drug lord at ibinenta ang nakumpiskang…

Read More

KOPYA NI DU30 VS NINJA COPS IBINIGAY NI GO; DESISYON HINIHINTAY

duterte500

(NI CHRISTIAN DALE) PERSONAL na inihatid ni Senador Bong Go kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kopya ng Senate Blue Ribbon Committee sa tinaguriang ninja cops. Sa panayam sa Malakanyang, sinabi ni Go na hawak na ng Pangulo ang nasabing kopya at hihintayin na lamang kung ano ang desisyon ng Pangulo rito. Nauna rito, inilabas noong Biyernes ang rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa isyu ng ninja cops at nakitaan nito ng paglabag si dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde. Matapos ang siyam na pagdinig…

Read More

SENATE REPORT GAGAMITIN VS NINJA COPS

doj44

(NI HARVEY PEREZ) GAGAMITIN umano ng Department of Justice(DOJ) ang Senate Blue Ribbon Committee report kaugnay sa isinasagawang reinvestigation sa kaso ng 13 Ninja cops. Ayon  kay Justice Secretary Menardo Guevarra, anumang ebidensiya na iprinisinta sa pagdinig na isinagawa ng komite ni Senator Richard Gordon ay maaring magamit sa reinvestigation ng kaso ng ninja cops. “I’m sure senator Gordon’s committee will furnish the DOJ a copy of its report. This report will surely be useful in the reinvestigation of the alleged drug recycling/ninja cops case currently being conducted by the…

Read More

ALBAYALDE GUILTY SA GRAFT, DRUGS NG NINJA COPS – GORDON

gordon12

(NI NOEL ABUEL) PINAKAKASUHAN ni Senador Richard Gordon ng kasong kriminal at administratibo si Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde hinggil sa kontrobersyal na ninja cops issue o mga pulis na nagre-recycle ng ilegal na droga mula sa mga operasyon. Sa inilabas na draft committee ni Senate Blue Ribbon Committee chair Richard Gordon, inirekomenda ng komite na makasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Albayalde. Ito’y dahil umano sa nangyaring iregularidad sa police anti-drug operation noong Nobyembre 2013…

Read More

PROTEKSYON SA MGA TESTIGO VS NINJA COPS, TITIYAKIN 

gordon12

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS makatiyak ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon na mapakikinabangan sa korte ang lahat ng mga testimonya ng mga resource person na humarap sa pagdinig ng Senado hinggil sa isyu ng ninja cops. Ayon kay Gordon, kinausap na niya si Justice Secretary Menardo Guevarra upang irekomenda na ‘i-perpetuate’ ang testimonya ng mga tauhan ng Mexico, Pampanga Police at ilang barangay officials na tumestigo hinggil sa pagkakaaresto ng grupo ni Police Major Rodney Baloyo sa isang Korean national na si Johnson Lee na kinalaunan ay pinalitan…

Read More