(NI AMIHAN SABILLO) OPTIMISTIKO si PNP Chief PGen Oscar Albayalde na malilinis ang imahe ng Philippine National Police (PNP)sa kontrobersya sa pagrerecycle ng droga ng ilang mga tiwaling pulis. Ayon kay Albayalde, sa tamang panahon, ang lahat ay magiging klaro base sa mga dokumentadong ebidensya at hindi Lang sa ‘insinuations’. Ginawa ng chief PNP ang pahayag matapos makausap ang Pangulong Duterte, at maibigay ang sariling listahan ng PNP ng mga tinaguriang ‘ninja cops’. Kinumpirma rin ni Albayalde na hawak na rin ng Pangulo ang listahan ng mga ‘ninja cops’ na…
Read MoreTag: ninja cops
DRUG QUEEN NG NINJA COPS UMESKAPO NA NG PINAS
(NI ROSE PULGAR) KINUMPIRMA ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakalabas na ng bansa ang tinaguriang ‘drug queen’ sa lungsod ng Maynila na naunang ibinunyag nitong Martes. Base sa huling report ng NCRPO dumating si Guia Gomez Castro, ang tinaguriang drug queen mula Vancouver, Canada, nitong Setyembre 18, sakay ng Philippine Airline flight PR 119. Batay sa record ng NCRPO, nagkaroon pa umano ng posisyon si Castro sa isang barangay sa lungsod ng Maynila. Wala umanong derogatory records si Castro kaya’t malaya umano itong makabiyahe palabas ng bansa.…
Read MoreBATO ITATAYA ANG LEEG KAY ALBAYALDE
(NI DANG SAMSON-GARCIA) BUO ang tiwala ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa kay PNP chief Police General Oscar Albayalde. “I am betting my neck sa tao na yan (Albayalde). Isusugal ko ang aking pagkatao d’yan sa kanya. That’s why inilagay ko siya as Regional Director ng NCRPO because I have high regard sa kanya,” saad ni Dela Rosa. Ginawa ng senador ang pahayag makaraang umugong ang balita na posibleng kasama si Albayalde sa mga pinangalanan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa Executive session sa Senado kaugnay sa mga Ninja…
Read MoreAKTIBO, RETIRADONG GENERAL, NASA LISTAHAN NG ‘NINJA COPS’
(NI NOEL ABUEL) AABOT sa ranggong hanggang heneral ang mga itinuturong kabilang sa ‘Ninja cops’ na sangkot sa pagre-recycle ng illegal na droga sa loob ng Bureau of Corrections (Bucor). Ito ang sinabi ni Senador Christopher Lawrence Go subalit tumanggi itong tukuyin ang pangalan ng mga pulis na kasama sa listahang ipinakita ni dating Criminal Investigation and Detections Group (CIDG) chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa executive session sa Senado. Aniya, tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang may karapatang magsabi ng pangalan ng mga pulis na…
Read MorePDU30 NABABAGALAN SA PNP VS ‘NINJA COPS’
(NI BETH JULIAN) NABABAGALAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa mga tinaguriang ‘Ninja cops’ o mga pulis na sangkot sa pagrerecycle ng ilegal na droga na nakukumpiska sa mga anti-drug operation. Dito ay nanggagalaiting pinangalanan ng Pangulo ang iba pang ‘Ninja cop’ na hanggang sa ngayon ay hindi pa maiprisenta sa kanya ng PNP at patuloy na nakapagtatago sa batas. Kabilang sa mga pulis na binanggit ng Pangulo ay sina Police Sr. Supt. Leonardo Suan; Suot. Jimmy Guban; Supt. Lorenzo Bacia; Inspectors Conrado…
Read More