LIDER NG KATUTUBO, DINUKOT, PINASLANG NG ‘NPA’

occidental mindoro12

(NI JG Tumbado) KINONDENA ng isang katutubong komunidad ang ginawang pagdukot at pagpaslang sa kanilang leader na umanoy kagagawan ng New People’s Army (NPA)-Communist Terrorist Group (CTG) sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro. Ayon sa naiparating na reklamo sa Philippine Army Headquarters sa Southern Luzon Command at sa Occidental Mindoro Provincial Police Office (OMPPO), sa harap mismo ng pamilya ng biktimang si Jose Barera, 47, nang puwersahin umanong kunin ito sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Liberty, Barangay Naibsuan ng pitong armadong NPA Biyernes ng gabi. Si Barera…

Read More

SA AKUSASYONG ‘NEGROS MASSACRE’; PNP: POLICE OPS LEGIT

negros12

(NI JESSE KABEL) MULING iginiit, Lunes ng hapon, ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na lehitimong police operation ang inilunsad ng mga tauhan ng Negros Oriental Police Provincial Office. Ito ay makaraang akusahan sila na ang ginawang pagpatay sa 14 na umanoy sangkot sa iba’t ibang mga kaso ay “Tokhang style” o isang uri ng summary execution sa hanay ng mga  biktima. Ayon kay PNP spokesperson , Police Colonel Bernard Banac, ang 14 ay napaslang, sa inilunsad na SACLEO o Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation  sa loob ng magdamag, ay mga…

Read More

18 PULIS-VICTORIA PERSONAL NA PARARANGALAN NI ALBAYALDE  

albayalde

(NI NICK ECHEVARRIA) TATANGGAP ng parangal ang 18 miyembro ng Victoria Municipal Police Station (MPS) sa Northern Samar mula kay Philippine National Police (PNP) Chief P/General Oscar Albayalde ngayon sa Camp Crame. Ito’y bilang pagkilala sa ipinakitang katapangan at kahandaan ng mga pulis laban sa 50 armadong New People’s Army na lumusob sa kanilang himpilan, Huwebes ng madaling araw. Sinabi ni Albayalde na pinagre-report na niya sa Camp Crame ngayong Lunes ang 18 mga pulis para personal na tanggapin ang igagawad na medalya. Binigyang-diin ni Albayalde na karapat-dapat aniyang parangalan…

Read More

KONSEHAL SINALAKAY NG ‘NPA’ SA BAHAY, PINATAY

crime22

(NI JESSE KABEL) DEAD-on-the-spot si Councilor Jolomar Hilario ng Moises Padilla, Negros Occidental nang salakayin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang bahay at saka pinagbabaril Linggo ng umaga. Sa ulat ng Negros Occidental PNP, isinagawa ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang pamamaslang bandang alas-6:00 Linggo ng  umaga sa sa bahay ng konsehal sa Barangay Inolingan. Napag-alamang tinangkang saklolohan ang biktima subalit hinarang sila ng blocking force na inilagay ng  mga suspek. Sinabing naglagay ng mga bobby trap sa paligid ng bahay ng Sangguniang Bayan member kaya’t hindi agad nakaresponde…

Read More

BAKBAKAN NG NPA, MILITAR; DAAN-DAAN INILIKAS

escalante12

(NI JG TUMBADO) SA labis na takot na maipit sa crossfire sa patuloy na sagupaan sa pagitan ng militar at mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ay napilitang lumikas sa mas ligtas na lugar ang nasa 200 residente sa bayan ng Escalante sa Negros Occidental. Sa San Jose Elementary School compound sa Barangay San Jose ang naging pansamantalang tirahan ng mga naipit na mga sibilyan simula nang sumiklab ang engkuwentro ng magkabilang panig nitong araw ng Huwebes sa bulubunduking bahagi ng Sitio Fuentes, Barangay Mabini. Ayon kay 303rd Infantry Brigade…

Read More

DRUG LORDS PARURUSAHAN NG NPA – JOMA

joma12

(NI JUN V. TRINIDAD) NAGBABALA si Jose Maria “Joma” Sison, founder ng Communist Party of the Philippines (CPP), na parurusahan ng rebolusyunaryong kilusan ang sinumang opisyales ng pamahalaan, pulitiko at pribadong indibidwal na mapatutunayang may kinalaman o pakikisangkot sa mga sindikato ng iligal na droga. “Sa pagkaalam ko, patakaran ng People’s Democratic Government at New People’s Army (NPA) na hulihin, litisin at parusahan ang mga drug lords at mga kasabwat nila sa militar, pulis at network of distribution,” ani Sison sa panayam mula sa Utrecht, Netherlands, araw ng Sabado. Dagdag pa…

Read More

PDU30 SA NPA: ARMAS IBABA, MAKIISA SA LAND REFORM PROGRAM

pangulo1

(NI BETH JULIAN) HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) na magbalik-loob at makipagtulungan sa pamahalaan para mapagtagumpayan ang land reform program ng administrasyon. Sa talumpati ng Pangulo sa isinagawang pamamahagi ng Certificate Of Land Ownership Award (CLOA) sa Negros Occidental, Duterte, sinabi nito na kung ang China ay maglunsad ng pag atake, ang mga NPA ang unang matatalo. “The mountains will be blown to pieces with just one missile. There will be no burials because if the moment you get hit, wala na.…

Read More

P9-B PONDO NG REBELDE GALING SA MGA POLITIKO — ARMY

npa22

LEGAZPI CITY – NASA P7-bilyon hanggang P9-bilyon umanong extortion money na nakolekta ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa rehiyong Bicol, ayon kay  9th ID spokesperson Col. Paul Regencia. Ang nasabing ‘pondo’ umano ng mga rebelde ay galing sa ilang politiko at pribadong indibidwal na sumusuporta sa kilusan ng mga rebelde mula noong 2017 hanggang 2018. Kasabay nito, kakasuhan na umano ang ilang lokal na opisyal na mapatutunayang sangkot sa pagsuporta sa mga rebelde matapos mapasakamay na ang mga pangalan ng CPP-NPA supporters. Ibinunyag pa ng opisyal…

Read More

SEC. AñO NAMUMURONG MAKASUHAN

dilg22

(NI BERNARD TAGUINOD) WINARNINGAN ng isang mambabatas si Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na hindi malayong kasuhan ito ng paglabag sa ethics at election law dahil sa kanyang alegasyon na maraming pulitiko ang sumusuporta sa New Peoples Army (NPA). Ginawa ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao ang nasabing babala dahil sa panawagan ni  Año sa taumbayan na huwag iboto ang mga pulitikong sumusuporta aniya sa mga rebeldeng komunista. “This is clear partisanship and red-tagging, violative of the code of conduct and ethics of public officials,” pahayag ni Casilao…

Read More