‘PADRINO SYSTEM’, USO PA RIN SA PNP — ALBAYALDE

albayalde

(NI JG TUMBADO) AMINADO si Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde na hindi pa rin tuluyang nawawala ang padrino system sa pambansang pulisya. Gayunman, sinabi ni Albayalde na “minimal” o nabawasan naman ang ganitong sistema kumpara sa mga nakalipas na administrasyon. Pero pagtitiyak ni Albayalde, mangilan-ngilan na lang ang pasaway sa kanilang hanay at wala rin umanong political patronage sa promotion ng ranggo at posisyon. Nauna nang iniharap sa publiko ang pulis na nahuling nagbebenta umano ng ilegal na droga sa Muntinlupa City na si Patrolman Leo Valdez.…

Read More