‘PADRINO SYSTEM’, USO PA RIN SA PNP — ALBAYALDE

albayalde

(NI JG TUMBADO)

AMINADO si Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde na hindi pa rin tuluyang nawawala ang padrino system sa pambansang pulisya.

Gayunman, sinabi ni Albayalde na “minimal” o nabawasan naman ang ganitong sistema kumpara sa mga nakalipas na administrasyon.

Pero pagtitiyak ni Albayalde, mangilan-ngilan na lang ang pasaway sa kanilang hanay at wala rin umanong political patronage sa promotion ng ranggo at posisyon.

Nauna nang iniharap sa publiko ang pulis na nahuling nagbebenta umano ng ilegal na droga sa Muntinlupa City na si Patrolman Leo Valdez. Naaresto si Valdez ng Integrity Monitoring and Enforcement Group na matapos mag-AWOL nuong 2014 ay nakabalik sa serbisyo noong 2017.

Naniniwala si Albayalde na may padrino sa loob ang PNP kaya ito nakabalik sa organisasyon.

Bunsod nito, pinabubusisi na ng PNP Chief ang proseso ng pag-reinstate ng mga pulis upang masigurong hindi ito naaabuso.

351

Related posts

Leave a Comment