(NI KIKO CUETO) MAGPAPATUPAD ang Light Rail Transit 2 (LRT2) ng mas maikling biyahe sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon. Ang last trips mula Cubao station sa Quezon City (westbound) at Recto station sa Maynila (eastbound) ay magiging 8 p.m. sa December 24. Samantala ang mga huling biyahe ng na aalis sa dulo nun ay mangyayari ng 7:30 p.m. sa December 31. Ang adjustment sa trip schedule ay dahil sa inaasahang pagbaba ng bilang ng mga pasahero. Ayon pa sa Department of Transportation, dahil dito ay mabibigyan ng pagkakataon…
Read MoreTag: Pasko
WALANG PBA SA PASKO
(NI LOUIS AQUINO) SA ikalawang sunod na taon at sa mga susunod pa, makakapiling na ng mga manlalaro at team officials ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay sa araw ng Pasko. Ito’y matapos magdesisyon si league commissioner Willie Marcial tapusin na ang tradisyunal na PBA game tuwing Disyembre 25. Ayon kay Marcial, bagama’t malaking tulong sa PBA ang maraming manonood ng game kapag Pasko, espesyal at once-a-year na selebrasyon ang Pasko kaya’t marapat lang na ipagdiwang ito kasama ang pamilya at mga mahal…
Read MoreDTI SINABON SA DAGDAG-PRESYO NG NOCHE BUENA PRODUCTS
(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINASTIGO ni Senador Imee Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagpapahintulot sa ilang manufacturer na magtaas ng presyo ng “Noche Buena products” habang papalapit ang araw ng Pasko. Kasunod ito ng pag-apruba ni Trade Secretary Ramon Lopez sa listahan ng mga produkto na pasok sa adjusted Suggested Retail Price (SRP). “Sa inilabas na listahan ng DTI, lumalabas na P3 hanggang P20 ang itinaas sa presyo ng ham. Pero sabi ni Sec. Lopez, maliit lang ang increase. Killjoy naman itong si Secretary. Lalong hindi na…
Read MoreMRT3, WALANG EXTENDED OPERATING HOURS SA KAPASKUHAN
(NI KEVIN COLLANTES) WALANG aasahang extended operating hours mula sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang publiko ngayong Christmas season. Ito ay dahil nagpasya na ang Department of Transportation (DOTr-MRT3) na huwag na munang palawigin ang oras ng kanilang operasyon ngayong panahon ng Kapaskuhan, upang bigyang-daan ang full blast rail replacement activities na isasagawa ngayong ‘ber months.’ Sa isang kalatas, sinabi ng DOTr-MRT3 na kailangan nila ng sapat na oras at panahon para maisaayos ang mga sira-sira at baku-bako nilang linya kaya’t sa halip na palawigin ang kanilang biyahe tulad…
Read MoreDSWD PINAKIKILOS VS KATUTUBONG NAMAMALIMOS
(NI NOEL ABUEL) NANAWAGAN si Senator Imee Marcos sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, partikular ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), na tulungan ang mga katutubo na inaasahang dadagsa sa iba’t ibang lugar ng Kamaynilaan para manghingi ng limos ngayon panahon ng Kapaskuhan. Ayon kay Marcos, inaasahan nang daragsa sa mga lansangan ng Metro Manila ang mga katutubong Aeta at Badjao kabilang na ang kani-kanilang mga pamilya para manghingi sa mga drayber, pasahero lalo na sa mga may-ari ng pribadong sasakyan na inaasahang malaki ang ibibigay na limos.…
Read MoreLUNETA GINAWANG DUMPSITE
(NI SAMANTHA MENDOZA) NAG-IWAN ng sangkatutak na basura ang may 15,000 katao na nag-Pasko sa Rizal Park, hanggang kahapon ng madaling araw. Mag-alas 6:00 ng umaga nang tumambad sa mga sweeper ng MMDA at National Parks Development Committee (NPDC), ang napakaraming kalat sa iba’t ibang bahagi ng Rizal Park. Pawang mga pinagkainan tulad ng bote ng mineral water, soft drinks, plastic cups, paper plates, styrofoam at iba pang mga basura na iniwan na lamang sa may damuhan at sa paligid mismo ng monumento ni Dr .Jose Rizal. Ito umano ay…
Read MorePNP: PASKO GENERALLY PEACEFUL
MAPAYAPA sa kabuan ang pagdiriwang ng Pasko ayon sa monitoring ng Philippine National Police (PNP). Sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde kaninang hapon, na bagama’t may tatlong insidente ang kanilang naitala na kinabibilangan ng pamamaril ng isang pulis sa Caloocan City, indiscriminate firing sa Pangasinan at barilan sa pagitan ng mga miyembro ng New People’s Army at tropa ng pamahalaan sa Davao Del Sur, ay umaasa ang kapulisan na magiging generally peaceful ang buong bansa hanggang sa mga susunod na oras. Patuloy namang naka-heightened alert status ang buong puwersa ng…
Read MoreNAMAMASKO KAY DUTERTE KILOMETRO NA ANG HABA
HALOS isang kilometro na umano at posibleng madagdagan pa ang haba ng pila ng mga namamasko sa bahay ni Pangulong Duterte sa Central Park Subdivision, Davao City. Umaga pa lamang ay hinigpitan na ang seguridad at loob at paligid ng bahay ng Pangulo upang maiwasan ang anumang hindi magandang pangyayari. Sinabi ng Davao City Police Office (DCPO) na halos 100,000 katao na ang nakapila hanggang kahapon. Ilan na sa mga nakapila ang hinimatay at may mangingilan-ngilan na naggigitgitan para makauna sa pila. Tiniyak din ng DCPO ang maayos na pamimigay…
Read MoreAFP BUKAS SA MAGBABALIK-LOOB NA NPA
TATANGGAP ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na magbalik-loob sa pamahalaan ngayong holiday season. Sinabi ni Major Ericson Bulusan, spokesperson ng AFP-Northern Luzon Command na sa kabila ng hindi pagdedeklara ng suspension of military operations (SOMO) ng AFP ay napapanahon umano para sa mga NPA na bumaba sa kabundukan para sa kanilang pamilya ngayong Pasko at Bagong Taon. Tiniyak ni Bulusan ang financial assistance na matatanggap ng mga rebelde na boluntaryong magbabalik loob sa pamahalaan. Binigyang diin din ng opisyal na isinusulong…
Read More