(NI LYSSA VILLAROMAN) NILINAW ni Makati City Mayor Mar-len Abigail “Abby” Binay na hindi niya kakanselahin ang business license at mayor’s permit ng lahat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gaming outlets sa kanyang nasasakupan makaraang suspendihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng lahat ng gaming operations nito. Gayunman, sinabi ni Binay na ang lisensiya at permit ng mga lotto outlets ay hindi basta mababawi kung wala itong legal na basehan na nararapat umaksyon ukol dito. Ibinahagi ni Binay ang pahayag tungkol dito makaraan ang kanyang pagpirma ng joint…
Read MoreTag: pcso
MEDICAL ASSISTANCE NG PCSO IPINASA SA PAGCOR, PALASYO
(NI BETH JULIAN) MAY iba pang paraan para makakuha ng tulong medikal ang mga nangangailanga Filipino. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, handa ring magbigay ng medical assistance ang Pagcor gayundin ang mismong tanggapan ng Pangulo. Sinabi ni Panelo na sa ngayon, hangga’t gumugulong ang imbestigasyon kaugnay sa umano’t talamak na katiwalian sa PCSO at mananatiling sarado ang gaming operations nito sa gaming schemes tulad ng lotto at STL, peryahan ng bayan at Keno at iba pang pinagkukunan ng PCSO ng itutulong sa mga Fiilipino na nangangailangan. Makikipag-ugnayan naman ang…
Read MorePAGBUBUKAS NG PCSO GAMING OPERATION DEPENDE KAY DU30
(NI BETH JULIAN) HINDI pa batid ng Malacanang kung pansamantala lamang o permanente nang ipasasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gaming operations ng PCSO. Sa ilalim ng PCSO, ang mga larong pinamamahalaan nito ay ang Lotto, STL, peryahan ng bayan at Keno. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na wala pa silang maibibigay na direktang tugon sa mga tanong kung magpapatuloy pa ang operasyon ng mga nasabing sugal o tuluyan nang tapusin. Ayon kay Panelo, sa ngayon ay pinag aaralan pa ni Pangulong Duterte ang sitwasyon sa PCSO. Nais ng…
Read MoreLOTTO, KENO WINNERS PINAKALMA NG PCSO
(NI KEVIN COLLANTES) WALA umanong dapat na ikabahala ang mga benepisyaryo ng Individual Medical Assistance Program (IMAP) services ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gayundin ang mga taong may hawak na lotto at KENO winning tickets, kahit pa sinuspinde na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng kanilang gaming activities. Sa pahayag ng PCSO, tiniyak ni Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, na hanggat wala silang natatanggap na instruksiyon na ipatigil, ay tuluy-tuloy ang pagkakaloob nila ng IMAP services sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City, at…
Read MoreKORAPSYON SA PCSO MALALA; LOTTO, STL ITINIGIL NI DU30
Dahil sa malalang korapsyon sa loob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) hindi na napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkainis at iniutos ang pagpapahinto ngayong araw ng operasyon ng Lotto at iba pang sugal sa bansa. Sinabi ni Duterte, sa isang video message, na maliban sa Lotto, ipinahihinto rin ang operasyon ng iba pang lisensiyado at may prangkisa na mga sugal, gaya ng STL, Peryahan ng Bayan at Keno. Ang Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang inatasan ni Duterte upang tiyaking maipatutupad…
Read MoreUMENTO SA GOV’T HEALTH WORKERS HININGI
(NI NOEL ABUEL) IPINANGAKO ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na sisikapin umano nitong maipasa ang Salary Standardization Law na matagal nang minimithi ng mga public health professionals at mga taong gobyerno sa 18th Congress. Ginawa ni Go ang pangako sa pagdalo sa 86th National Annual Convention of the Philippine Public Health Association, Inc., kung saan gagawin aniya nito ang lahat para mangyari ang hinihingi ng public health system kabilang ang mga doktor, nurses, midwives, barangay health workers, sanitation inspectors, and administrative staff at mga nasa mababang ranggong tauhan ng pamahalaan.…
Read MoreLADY COP BAGONG PCSO GENERAL MANAGER
(NI FRANCIS SORIANO) PORMAL nang ipinakilala sa publiko ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang bago nilang General Manager (GM) matapos itong italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa PCSO, inilagay bilang bagong GM ng PCSO si dating Cebu City police chief P/COL Royina Garma bilang kapalit ni Marine Gen. Alexander Balutan, matapos itong sibakin sa puwesto ni Pangulong Duterte dahil umano sa seryosong alegasyon sa korapsiyon. Si Garma ay nagtapos sa Philippine National Police Academy ng Bachelor of Science in Public Safety, Master in Education Management at Executive Doctor in Leadership sa Rizal Memorial…
Read MoreDAGDAG-PONDO SA DIALYSIS SA LUNG CENTER IBIBIGAY NG PCSO
(NI ABBY MENDOZA) ISUSULONG ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam na madagdagan ang pondong ibininigay ng ahensya para sa dialysis treatment kasunod na rin ng pagdami ng mga pasyenteng nangangailangan ng tulong. Si Cam ay bumisita ngayong Huwebes sa sattelite office ng PCSO sa Lung Center of the Philippines(LCP) kung saan namigay pa ito ng libreng arrozcaldo at itlog sa may mahigit 400 na pasyente at kaanak nito na nakapila para sa kanilang hinihinging medical assistance. Hindi ito ang kauna unahang surprise visit ni Cam dahil madalas…
Read MoreGARMA BAGONG GM SA PCSO?
(NI NICK ECHEVARRIA) KINUMPIRMA ni P/BGen. Debold Sinas, Director ng Police Regional Office sa Central Visayas na nakatanggap siya ng advance information na babakantehin na ni P/Col. Royina Garma sa lalong madaling panahon ang kanyang pwesto bilang hepe ng Cebu City Police Office. Ginawa ni Sinas ang pahayg kasunod ng relief order kay P/Col. Manuel Abrugena bilang director ng Cebu Provincial Police Office na papalitan naman ni P/Col. Roderick Mariano, sa gaganaping turnover ceremony bukas. Si Abrugena ay nanungkulan bilang Cebu Provincial Police Director sa loob ng mahigit isang taon na ngayon…
Read More