(Ni JOEL O. AMONGO) AABOT ng P7.4 milyong halaga ng pekeng sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs Port of Tacloban mula sa dalawang Chinese national sa Brgy. Nula-Tula ng nasabing siyudad noong Disyembre 8. Ang mga sigarilyong may kabuuang 369 kahon na may tatak na Mighty Cigarettes ay nasabat sa bayan ng San Miguel sa lalawigan ng Leyte at lulan ng sasakyang minamaneho ng isang Filipino driver. Dumaan umano ang minamanehong sasakyan ni Jorge Poraza Mantoa, 24-anyos, may-asawa, nakatira sa Brgy. Utap, Tacloban City, sa isang checkpoint sa nasabing lugar at nang masitang walang driver’s license ay natuklasan ang kargang mga sigarilyo ng kanyang sasakyan. Kinilala naman ang dalawang Chinese national na sina…
Read More