(NI NOEL ABUEL) PINANININDIGAN ni Department of Health (DOH) na walang conflict of interest sa negosyo ng pamilya nito ang pagiging kalihim nito ng ahensya. Sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committe, na pinamunuan ni Senador Richard Gordon, layon nito na hubaran ng maskara ang mafia sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), hinarap ni Duque ang mga senador para sagutin ang ibinabatong akusasyon laban dito. “My personal interest in EMDC did not in any way conflict with the interest of the government,” sabi ni Duque. Magugunitang…
Read MoreTag: philhealth
SISTEMA SA HEALTH SERVICE PROVIDER PAYMENT BUBUSISIIN
(NI ESTONG REYES) IPINANUKALA ni Senador Risa Hontiveros ang ilang hakbang upang maprotektahan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) laban sa panloloko at katulad na scam kaya’t gusto niyang ipa-awdit ang sistema ng pagbabayad sa health service provider. Sa pahayag, partikular na tinukoy ni Hontiveros ang kasalukuyang case-based payment system na binabayaran ang health care provider sa pamamagitan ng pre-determined fixed rate para sa treated case o disease. Kasabay ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga anomalya sa health department, sinuri ni Hontiveros ang implementasyon ng PhilHealth sa…
Read More8 MIYEMBRO NG PHILHEALTH MAFIA NABUNYAG
(NI ESTONG REYES) NABULGAR sa pagdinig ng Senado ang walong miyembro ng sinasabing mafia sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nakikipagsabwatan sa health care providers upang makasingil sa mga ghost claims ng bilyong piso. Sa kanyang testimonya sa isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Richard “Dick” Gordon, sinabi ni Roberto M. Salvador Jr., na may mafia sa PhilHealth na nakikipagsabwatan sa pribadong health care provider upang maningil sa ghost claims sa ahensiya. Binanggit ni Salvador, dating miyembro ng Formal Economic sector ng Philhealth na…
Read MorePHILHEALTH ANOMALY ‘DI PALULUSUTIN SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG plano ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na palagpasin ang umano’y katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) dahil kung hindi ay madidiskaril umano ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) law. Sa House Resolution (HR) 126 na iniakda ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte Jr., kailangang mag-imbestiga ang Kongreso sa mga nabunyag na anomalya sa Philhealth dahil walang ibang nabibiktima dito kundi ang mga mahihirap na may sakit. Muling uminit ang isyu ng anomalya Philhealth matapos mabunyag na nagbabayad umano ang mga…
Read MoreANOMALYA SA PCSO, PHILHEALTH IIMBESTIGAHAN SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) NAGPAHAYAG ng kahandaan si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na magpatawag ng Senate investigation sa sinasabing anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth). Ayon sa senador, nais nitong papanagutin ang sinumang opisyales ng nasabing mga ahensya na nagmalabis sa tungkulin at pagkaitan ng tulong ang mga mahihirap. “Kung ano po ’yung interes ng tao, interes ng Pilipino, ’yun po ang mangunguna. Managot ang dapat managot,” sabi pa nito. Una nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil sa operasyon ng PCSO gaming noong Hulyo 26…
Read MoreLACSON-DUQUE SHOWDOWN INAABANGAN
(NI NOEL ABUEL) MAY pasasabugin si Senador Panfilo Lacson laban kay Health Sec. Francisco Duque na may kinalaman tungkol sa PhilHealth para makasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman. Ayon sa senador, mas malaki at higit na mas matindi umano ang ibubulgar nito sa mga darating na araw para patunayang umabuso sa tungkulin si Duque. “Maliwanag na plunder. Isang dokumento na lang hinihintay ko,” sabi nito. “Meron na naman, mas malaki pa. Mas grabe pa hindi lang ito lease ng building niya kundi may family corporation involved na meron na…
Read More2 WHISTLEBLOWER SA FAKE DIALYSIS CLAIMS PASOK SA WPP
(NI HARVEY PEREZ) APRUBADO na ang aplikasyon sa Witness Protection Program (WPP) sa Department of Justice (DOJ), ng dalawang whistleblower sa kontrobersiyal na “ghost dialysis” claim sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng WellMed Dialysis Corporation sa Quezon City. Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tanggap na sa WPP sina Edwin Roberto at Aileen Liezl de Leon. Ayon kay Guevarra,90 araw lamang o provisional coverage lamang ang ibinigay ng WPP kina Roberto at de Leon habang hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon sa iba pang kinasuhan. Nabatid…
Read MorePAGTALAGA NG EX-MILITAR SA PHILHEALTH PINALAGAN SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG nakikitang senyales ang mga militanteng mambabatas na kayang resolbahin ng isang dating heneral ang malaking problema sa Philhealth lalo na ang katiwalian o ang pagnanakaw sa pondo ng mga miyembro ng nasabing state insurance funds. Ito ang reaksyon ni Bayan Muna party-list Rep-elect Ferdinand Gaite matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired General Ricardo Morales bilang hepe ng Philhealth matapos mabunyag ang panibagong anomalya dito. “Gen. Morales in Philhealth will not make it better and may make it worse. Hindi totoong mas epektibo at episyente…
Read MoreMORALES BAGONG PHILHEALTH PREXY
(NI BETH JULIAN) MAY bago nang presidente ang PhilHealth. Nitong Huwebes, inianunsyo ng Malacanang na ipinuwesto na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ricardo Morales, dating MWSS chief, bilang pinuno ng PhilHealth. Si Morales ay pumalit kay Dr. Roy Ferrer na una nang pinaghain ng courtesy resignation ni Pangulong Duterte matapos sumabog ang isyu ng ghost dialysis scam. Si Morales ay isang retired Army General na kasapi ng dating Reform the Armed Forces Movement (RAM). Napag-alaman na ang unang doktor na inalok ni Pangulong Duterte na si Jaime Cruz para sa…
Read More