Ipapatupad na ngayong Sabado, Nobyembre 24 ang price rollback ng independent oil player na Phoenix Petroleum Philippines sa kanilang produktong langis. Sa advisory ng Phoenix Petroleum, ang kanilang tapyas-presyo ay P1.10 para sa bawat litro ng gasolina at P2.20 sa bawat litro ng diesel. Epektibo ang price adjustment ngayong alas-12:00 ng tanghali. Inaasahan naman na susunod ang iba pang oil companies sa bansa na magbabawas ng presyo sa kanilang produktong petrolyo. 650
Read More