KAMPEONATO SA SEAGAMES TIWALANG MASUSUNGKIT NG PINAS

seagames12

(NI ABBY MENDOZA) KUMPIYANSA si Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) Chair at House Speaker Alan Peter Cayetano na maiuuwi ng Pilipinas ang kampeonato sa 2019 Southeast Asian Games sa kabila ng ibat ibang kontroebrsiya na nagsulputan kamakailan. Ayon kay Cayetano  nakakaapekto ang timing ng paglutang ng mga mga kontrobersiya subalit tiwala sya sa kakayahan ng Pilipinas na makukuha ang unang puwesto sa medal tally. Umaasa si Cayetano na sa ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang SEA Games ay titigil na muna ang mga kritiko upang kanilang mapagtuunan ng mabuti…

Read More

PINAS MAY PINAKAMALALANG PENSION SYSTEM

(NI BERNARD TAGUINOD) KABILANG ang Pilipinas sa may pinakamalalang pension system sa mundo, base sa  isang pag-aaral ng Australia-based na Monash Center for Financial Studies at professional services firm na  Mercer. Ito ang nabatid kay House deputy minority leader Carlos Zarate kaya dapat umanong bigyang pansin ng Duterte administration ang kalagayan ng mga senior citizens sa bansa. “This is indeed very unfortunate and highlights the need for higher pensions for our senior citizens. The pensions of senior citizens here in the Philippines are almost at subhuman levels and should immediately be increased,”…

Read More

PINAS KULANG NA SA NURSE; GOBYERNO PINAKIKILOS

pinay nurse12

(NI NOEL ABUEL) PINAKIKILOS ni Senador Cynthia Villar ang pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang para masolusyunan ang kakulangan ng supply ng mga nurses sa bansa. Ayon kay Villar, dapat na unahing gawin ng pamahalaan ay kumbinsihin ang mga estudyante na kumuha ng kursong nursing sa kolehiyo tulad ng pagtitiyak na agad na makakukuha ang mga ito ng trabaho sa mga ospital sa bansa na may mataas na sahod. “Nagrereklamo na ang mga government hospitals that they are short of nurses kasi kakaunti na ang nag-aaral ng nursing,” sabi nito.…

Read More

PH NASA LISTAHAN NG TAIWAN SA ASF

(NI ROSE PULGAR) DAHIL kabilang ang Pilipinas na nasa listahan sa high-risk areas ng African swine fever (ASF) sa bansang Taiwan, simula nitong Lunes, ang lahat ng Pinoy na magtutungo sa nabanggit na bansa  na may hand carry baggage ay mahigpit na isasailalim sa inspection. Kahapon ay inianunsiyo ng Central Emergency Operation Center na mayroon aniyang ilang  unreported cases ng ASF, na  na-detect  sa area ng Bulacan at Rizal. Dahil dito, ang Pilipinas ay inilagay sa listahan ng Taiwan na high-risk areas ng ASF. Sinabi ng Department of Agriculture (DA)  na ang…

Read More

KOOPERASYON NG ‘PINAS SA UN IGINIIT

un22

(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa gobyerno ng Pilipinas na buksan ang isipan nito at magpakita ng statesmanship sa resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na naglalayong magsagawa ng masusing imbestigasyon sa human rights situation sa bansa. Ayon kay Drilon, mahalagang makipagkooperasyon ang gobyerno upang malaman ang tunay na sitwasyon sa bansa ng isinasagawang paglaban sa illegal na droga ng Duterte administration. Sa halip aniyang bigyan ng malisya ng pamahalaan ang gagawing imbestigasyon ng itinuturing na highly respected organizations tulad ng UNHRC, kung…

Read More

HANGAD NG PINAS, MATULAD SA JAPAN

dutertejapan12

(NI BETH JULIAN) NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na makitang katulad ng Japan ang Pilipinas. Ito ang isa sa keynote address ni Pangulong Duterte sa 25th International Conference on the Future of Asia sa Tokyo, Japan kasabay ng paghanga nito at pag- asam sa hinaharap ay tularan ng mga Filipino ang kaugalian ng mga Hapon. Sa obserbasyon ng Pangulo sa kaugalian ng mga Hapon, inalala nito na siya ay nagwagi sa 2016 Presidential elections na ang plataporma ay ‘law and order’. Nakita ng Pangulo sa Japan na malaki ang pagpapahalaga…

Read More

PROBLEMA SA BASURA NG CANADA ‘DI KAILANGAN SA UN

basura canada12

(NI BETH JULIAN) NANINIWALA ang Malacanang na hindi na kailangan pa magpasaklolo ang Pilipinas sa United Nations hinggil sa isyu ng basura ng Canada. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na hindi na kailangan ang UN para maging negosyador para apurahin ang Canada sa paghahakot ng kanilang basura na itinambak sa Pilipinas  mula sa taong 2013. Ayon kay Panelo, simple lang naman ang dapat gawin ng Canada, dapat ay ipag-utos na lamang agad ni Canadian President Justin Tradeau na hakutin na ang tone toneladang basura mula sa kanilang bansa na…

Read More

EKONOMIYA NG PINAS MATATAG – WB

world bank12

(NI MAC CABREROS) SA kabila ng nakaambang mga balakid, manatiling maganda ang arangkada ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon, inihayag ng World Bank nitong Lunes. “The country’s growth outlook remains positive,” sabi Mara K. Warwick, World Bank Country Director for Brunei, Malaysia, Philippines at Thailand. Inilista ng World Bank nasa 6.4 porsyento ang ekonomiya ng bansa ngayong taon na mas mababa sa nauna nilang tinaya noong Enero na 6.5 porsiyento. Bunsod ito ng hindi agad naipasa ang 2020 budget ng gobyerno, ayon World Bank. Inasahang maglalamlam sa ekonomiya ng Pilipinas…

Read More

DU30 ‘DI PAPAYAG MAGING MEXICO ANG ‘PINAS

duterte drugs 12

(NI BETH JULIAN) IBINUNYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga bilyong pisong halaga pa ng shabu ang  inaasahang makukumpiska ng mga awtoridad sa mga susunod na araw. Aminado ang Pangulo na nangangamba ito na matulad ang Pilipinas sa Mexico na cartel na ang may kontrol sa gobyerno dahil nakapasok na rin sa bansa ang drug syndicate na Sinaloa kaya’t maraming cocaine na ang nakukumpiska na palutang-lutang sa dagat. Gayunman, hindi umano siya papayag sa ganitong sistema kaya’t mahigpit niyang pinaaalerto ang mga ahensiyang may sakop dito upang maharang at…

Read More