(NI JESSE KABEL) MASUSUBUKAN ngayon kung gaano kaepektibo ang mga bagong porgrama ng Philippine National Police (PNP) sa pagtulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsugpo ng Communist Party of the Philippine (CPP) at sa armadong galamay nito na New People’s Army (NPA). Sa ulat na isinumite kay PNP chief P/Gen Oscar Albayalde, pinasimulan ng PNP-Regional Police Office 4A ang kanilang itinatag na Regional Task Force To End Local Communist Armed Conflict of Region 4A o RTF-ELCAC 4A. Nabatid na ito ay kauna- unahang hakbang na pinasimulan mismo…
Read MoreTag: PNP
DEATH PENALTY ‘DI PA NAPAPANAHON — PNP
(NI JG TUMBADO) NANINIWALA ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa napapanahon para ipatupad ang death penalty. Ito ang inihayag ni PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac, kasabay ng paliwanag na ang posisyon ng PNP ay dapat munang masiguro na may mga malinaw na patakaran para hindi ma-abuso ang death penalty. Dapat aniyang mapag-aralan munang mabuti kung magiging epektibo ang naturang kaparusahan sa kampanya kontra kriminalidad. Gayunman, sinabi ni Banac na handa rin ang PNP na suportahan ito, lalo na para sa mga kasong may kinalaman sa…
Read MoreNAKUMPISKA SA VOTE BUYING UMABOT NG P12-M
(NI JG TUMBADO) UMABOT sa mahigit P12 milyon halaga na gagamitin sana sa vote buying ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa nitong panahon ng eleksyon. Ito ay batay na rin sa ulat na ipinalabas ng National Election Monitoring Action Center o NEMAC sa kampo Crame. Umabot sa mahigit na 200 ang operasyon kung saan nakadampot sila ng 356 na indibidwal at walong menor de edad. Ang top 5 na mga rehiyon ay ang Region 13 o Caraga kung saan umabot…
Read MoreHIGIT 1,000 PULIS SA PARTISAN POLITICS SISIBAKIN
(NI JG TUMBADO) TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na tutuluyang alisin sa serbisyo ang mga pulis na direktang sangkot sa pagkiling sa ilang mga politika noong panahon ng eleksyon. Kasunod ito ng isinasagawang imbestigasyon nila hinggil sa natanggap na report na may isang 1,000 pulis na sangkot sa partisan politics. Sa press briefing, sinabi ni Albayalde na ilan sa mga pulis ay nagsilbi umano bilang security aide ng mga kandidato. Ilan aniya ang mga ito ay ni-relieve at isinasailalm sa imbestigasyon. Pinaalalahanan naman ng…
Read MoreVOTE BUYING MALAKING HAMON SA PNP
(NI JG TUMBADO) ANG malawakang vote buying sa bansa ang siyang pinakamatinding hamon na tinutugunan ng pambansang pulisya ngayong 2019 midterm elections. Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde sa kanyang press briefing sa Camp Crame, Lunes ng umaga sa unang oras ng pag-uumpisa ng botohan. Sinabi ni Albayalde, na nakapagtala na sila ng 79 na insidente ng vote buying kung saan 213 ang nadakip, at 10 pa ang pinaghahanap. Inilarawan ni Albayalde na “massive” o “kaliwa’t-kanan’ ang nagaganap na vote buying sa bansa.…
Read MorePALASYO UMAPELA SA MGA POLITIKO
(NI BETH JULIAN) UMAPELA ang Malacanang sa mga kandidato mula sa iba’t ibang partido na panatilihing maging tapat, maayos, mapayapa at kapani-paniwala ang halalan sa bansa ngayong Mayo 13. Kasabay nito, hinikayat din ng Malacanang ang mga botante na makiisa at gamitin ang karapatan na iluklok ang nararapat na manungkulan para sa ikabubuti ng kanilang lugar at ng bansa. “Nananawagan kami sa lahat ng Filipino na may karapatang bumoto na pairalin ang kanilang kapangyarihan na mag-participate in this healthy democratic exercise as we call on all candidates across the political…
Read More105 TEAMS VS VOTE BUYING NAKAANTABAY – PNP
(NI FRANCIS SORIANO) UMAABOT na sa 105 teams na pinagsamang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) , Special Action Force (SAF), Intelligence Group (IG), at reserved force ng Philippine National Police ang sasabak sa eleksiyon matapos mapaulat ang talamak na pamimili ng mga boto ng mga tumatakbong politiko sa iba’t ibang panig ng bansa. Ayon kay PNP Directorate for Operations, MGen. Mao Aplasca, bawat teams ay binubuo ng walo hanggang 10 pulis na siyang magbabantay at aaresto sa mga namimili ng boto, bilang tugon sa inilabas na kautusan ng Commission on Elections (Comelec) para masawata ang…
Read MoreTASK FORCE VOTE BUYING NAKAALERTO
(NI FRANCIS SORIANO) TATLONG araw bago ang nakatakdang halalan sa Lunes ay siniguro ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na pagbabantay sa mga magtatangkang bumili ng mga boto at nagbanta na sa kulungan ang bagsak ng mga ito sa sandaling sila ay mahuli. Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Bernard Banac, umarangkada na ang Task Force Vote Buying na pinangungunahan ng Comelec na ipinakalat na sa iba’t ibang panig ng bansa. Dagdag pa nito na huwag nang tangkain pa ang pamimili ng boto dahil hindi nagbibiro ang batas para sa sinumang lalabag…
Read More43-ORAS LIQUOR BAN IPATUTUPAD NG PNP
(NI JG TUMBADO) IPATUTUPAD ng Philippine National Police (PNP) ang 48-oras na liquor ban bago ang May 13 midterm elections. Sa ipinatawag na pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesperson Col. Bernard Banac, ito ay para matiyak ang mapayapa at maayos na eleksyon. Magsisimula ang implementasyon nito bandang alas 12:01, Linggo ng madaling-araw (May 12) hanggang alas 12:00, Lunes ng madaling-araw (May 13). Magiging mahigpit aniya ang pagbabawal ng pagbebenta ng anumang klase ng inumin na nakalalasing. Bahagi aniya ito ng inihandang seguridad ng PNP para sa eleksiyon.…
Read More