(NI AMIHAN SABILLO) MISMONG si Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang nagtanggol sa mga tauhan ng Special Action Force (SAF) na nakatalaga sa New Bilibid Prsion (NBP) sa Muntinlupa City, kaugnay sa mga report na nakapapasok pa rin ang mga electronic gadgets at mga kontrabando sa Bilibid. Sinabi ni Gen Albayalde, na walang personal contact ang mga tauhan ng PNP SAF sa mga bilanggo, kundi ito ay trabaho ng mga taga-Bucor. Security contingent lamang umano ang SAF sa Bilibid at tatawagin lang ang mga ito kapag kailangan. Magugunita na…
Read MoreTag: PNP
BUDGET SA INTEL NG OFFICE OF THE PRESIDENT MAS MALAKI SA PNP
(NI ABBY MENDOZA) SINABI ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite na kanilang kukuwestiyunin sa House Plenary ang pagkakaroon ng napakalaking confidential at intelligence budget ng Office of the President kung saan ang budget umano ay mas malaki pa kaysa sa Philippine National Police (PNP) at sa militar. Kasabay nito, tulad ng inaasahan, mabilis na natapos ang budget briefing ng Office of the President (OP) sa House Appropriations Committee. Tumagal lamang ng 7 minuto ang deliberasyon na dinaluhan ni Executive Secretary Salvador Medialdea. Hindi na nagsagawa ng powerpoint presentation ng budget…
Read MoreBALIK-REHAS SA PINALAYA NG GCTA MALAKING HAMON SA PNP
(NI AMIHAN SABILLO) INAMIN ng Philippine National Police (PNP) na malaking hamon para sa PNP ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa kulungan ang mga ex-convict na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA). Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde, aniya, masyado marami ang mahigit 1,000 mga preso na nakalaya kung kaya magiging matrabaho ito para sa pulisya. Magkaganunman ay sinabi ni Albayalde na inatasan nya na ang Criminal Investigation and Detection Group na manguna sa manhunt operation sa mga ex-convict. Pinakikilos na din…
Read MorePNP CHIEF: WALA NA DAPAT SECOND CHANCE SA MGA AWOL NA PULIS
(NI AMIHAN SABILLO) SARADO na ang pintuan ng Philippine National Police (PNP) para sa mga AWOL o absent without leave ng mga pulis na gustong bumalik sa serbisyo, ito ay kung si PNP chief Gen. Oscar Albayalde lamang ang nasusunod. Pagdidiin ito ni Albayalde makaraang iprisinta sa media ang isang pulis na nakabalik sa serbisyo matapos mag-AWOL, na nahuli ng PNP-IMEG kagabi dahil sa pagtutulak ng shabu. Ayon sa hepe ng pambansang pulisya, si Patrolman Leo Valdez ay pumasok sa PNP noong 2007 pero nag AWOL noong 2014 at nakabalik…
Read MoreWARRANTLESS ARREST VS PINALAYANG CONVICTS
(NI AMIHAN SABILLO) MGA ‘fugitive’ o takas na bilanggo ang halos 2,000 presong pinalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance. Ito ang pananaw ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde lalo pa’t hindi na-validate nang husto ang release order ng mga ito. Ayon kay Albayalde, lumabas na hindi nasala ang pagpapalaya sa mga presong ito at maaring ipatupad ang warrantless arrest laban sa mga ito. Dahi dito, handa ang PNP na makipagtulungan sa Bureau of Corrections (BOC) para ma-account ang lahat ng mga pinalayang preso kung kakailanganin na…
Read MoreEX-SENATOR TRILLANES KINASUHAN NG KIDNAPPING
(NI HARVEY PEREZ) SINAMPAHAN ng kasong kidnapping with serious illegal detention sa Department of Justice (DOJ) si dating senator Antonio Trillanes IV, kasama ang tatlo pang indibidwal . Nabatid na ang reklamo ay isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group kay Trillanes, Fr. Albert Alejo, Atty. Jude Sabio, at isang ‘Sister Ling’, ng Convent of Cannussian Sisters, sa Makati City, at ilang iba pa matapos ireklamo ng isang Guillermina Lalic Barrido. Walang piyansa sa naturang kaso. Sa affidavit ni Barrido, sinabi nito na nakatanggap siya ng plane ticket mula kay Alejo…
Read More4 CHINESE NA PINALAYA, BABANTAYAN NG PNP
(NI JG TUMBADO) PATULOY pa rin babantayan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang aktibidad ng apat na Chinese national sa loob ng jail facility ng Bureau of Immigration (BI) sa kontrobersyal at kuwestyunable nilang pagkakalaya mula sa National Bilibid Prison dahil sa ilalim ng RA 10592 o mas kilala sa tawag na Good Conduct Time Allowance (GCTA). Ito ang pagtitiyak ni PNP Chief General Oscar Albayalde kaugnay sa pagkakalaya nina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che, at Wu Hing Sum, bigtime shabu traders na pawang convicted…
Read MoreAKG SASANAYIN SA MANDARIN VS CHINESE KIDNAPPING CASE
(NI AMIHAN SABILLO) ISANG buwan na magsasanay ang mga kawani ng Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) para makapagsalita ng Mandarin para makatulong sa kanilang mga tauhan na maresolba ang mga kaso ng kidnapping na kinasasangkutan ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa Pilipinas Ayon kay PNP AKG Spokesperson P/LtC. Elmer Cereno, malaking matitipid sa pagsasanay ng nasa 20 na kawani ng AKG kaysa sa mag hire sa tuwing nangangailangan ng interpreter. Per Hour o kada oras umano ang bayad sa mga interpreter sa tuwing magkakasa sila ng rescue operation o di kaya’y…
Read MorePAGSUSUOT NG POLICE BODY CAM IGINIIT
(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ng isang senador na dapat na obligahin ang lahat ng pulis na magsuot ng body cameras upang maprotektahan ang publiko sa posibleng pang-aabuso at pagmamalabis sa tungkulin ng mga awtoridad. Sinabi ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na panahon nang paglaanan ng sapat na pondo ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang lahat na tauhan nito na bigyan ng police body cam. Tugon ito ng senador kasabay ng pag-alala sa sinapit ng 17-anyos na si Kian delos Santos na napatay ng ilang tauhan ng Caloocan City…
Read More