KAMPANYA KONTRA POLIO PINALAWIG HANGGANG ABRIL

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) ang mga karagdagang rounds ng Sabayang Patak Kontra Polio (SPKP) sa lahat ng rehiyon sa Mindanao at National Capital Region, kung saan tatagal ang kampanya hanggang Abril 2020 sa layong makamit ang 95% coverage sa lahat ng identified areas para matiyak na walang hindi mababakunahang bata. Para sa NCR, dalawang karagdagang rounds ang nakatakda sa Enero 27 hanggang Pebrero 7, at Marso 9 hanggang 20. Para sa Mindanao, isang “limited response round” ang idaraos sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga City, Isabela City at Lambayong,…

Read More

PUBLIKO HININGIAN NG TULONG VS POLIO

(NI NOEL ABUEL) UMAPELA ang ilang senador sa taumbayan na makipagtulungan sa pamahalaan kaugnay ng isinasagawang pagbabakuna kontra polio. Sinabi ni Senador Christopher Bong  Go na mahalaga na mabigyan ng bakuna ang lahat ng paslit para malayo sa karamdaman at posibleng kamatayan. Aniya, libre naman ang  ibinibigay na bakuna ng Department of Health (DOH) kung kaya’t dapat na makiisa na lang  ang sambayanan para mapagtagumpayan ang  programa ng  gobyerno kontra sa naturang  sakit. Ayon kay Go, nagpapatuloy ang programa kung saan, ayon sa report ng  DOH, ay nasa 95% na ang  mga nagpapabakuna ng kanilang mga anak sa…

Read More

IKAAPAT NA BIKTIMA NG POLIO KINUMPIRMA NG DOH

doh

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) ang ikaapat na biktima ng polio mula nang lumutang muli ang sakit matapos ang lagpas isang dekada. Ang ikaapat na kaso ng polio ay mula Mindanao. Hindi na nagdagdag pa ng detalye ang DOH sa pagkakakilanlan ng biktima. Ang kumpirmasyon ay inilabas matapos ang pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine at ng National Institute of Infectious Diseases sa Japan, ayon kay Health Secretary Francisco Duque. Sinabi ni Duque na nagsasagawa na ng vaccination campaign sa lahat ng mga bata na ang edad ay…

Read More

IKATLONG KASO NG POLIO NAITALA SA MAGUINDANAO

doh

(NI DAHLIA S. ANINA) KINUMPIRMA ng Department of Health (DoH) ang ikatlong kaso ng polio sa bansa. Isang batang apat na taong gulang mula sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao ang nagpositibo sa polio. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, wala umanong natanggap na bakuna ang bata kontra polio. Naunang nagpakonsulta ang magulang ng bata sa Cotabato Regional Medical Center noong Setyembre at naitala na ang sakit nito ay acute flaccid paralysis. Ipinadala naman ang sample ng dumi ng bata sa National Institute Infectious Disease-Japan upang masuri at nagpositibo…

Read More

AYUDA SA IBANG AHENSIYA HININGI NG DOH

(NI DAHLIA S. ANIN) MATAPOS ang 19 na taong pagiging polio-free ng bansa at makontrol ang paglaganap ng sakit, hihingi na ng tulong ang Department of Health (DOH) sa ibang ahensya ng gobyerno sa isinasagawang immunization drive ng ahensya kontra polio. Nakipagpulong na umano ang DOH sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ukol dito at balak na rin nilang magpasaklolo sa mga uniformed personnel, Department of Education at Department of Social Welfare and Development, ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo. “Hihingi kami ng tulong, dahil pag nagstart…

Read More

SOLON: POLIO, DENGUE OUTBREAK KONEKTADO SA WATER CRISIS

(NI BERNARD TAGUINOD) KONEKTADO sa water crisis ang paglaganap ng polio at dengue sa bansa. Ito ang paniniwala ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor kaya kailangan aniyang paramihin pa ang mga pagkukunan ng water supply hindi lang para sa Metro Mnaila kundi sa buong bansa. “Running water is essential for good health.  Household sanitation and personal hygiene tend to suffer whenever there is lack of water,” ani Defensor kaya ang krisis sa tubig na naranasan noong Marso hanggang Agosto ng taong kasalukuyan ay “played a part in the spread of diseases”…

Read More

3.5M BAHAY WALANG COMFORT ROOM

doh

(NI HARVEY PEREZ) IBINULGAR ng  Department of Health (DOH) na ang milyun-milyong  tahanan sa bansa na walang maayos na palikuran, ang  isa sa dahilan nang pagkalat ng iba’t ibang karamdaman, gaya ng polio. Sinabi ni  Health Undersecretary at Spokesperson Eric Domingo na may  3.5 milyong tahanan ang nangangailangan ng sanitary toilets sa bansa at malaking porsiyento nito ay mula sa National Capital Region (NCR). “NCR talaga ang pinakamarami. Out of the 3.5 million na kailangan na toilets, ang big majority nun sa NCR. Toilet ng mga pamilya at bahay ito.…

Read More

MASS VACCINATION VS POLIO SA SUSUNOD NA LINGGO

(NI DAHLIA S. ANIN) MAGSASAGAWA ng mass vaccination ang Department of Health (DoH) kontra polio sa susunod na Linggo. Kasunod ito ng pagkumpirma ng ahensya na nagbalik ang sakit na ito makalipas ng 19 na taon na polio-free ang ating bansa. Sa panayam kay Health Undersecretary Eric Domingo, hinihikayat nito ang mga magulang na makiisa sa mass vaccination upang makaiwas sa sakit ang kanilang mga anak. Napatunayan na umano na epektibo at ligtas ang naturang bakuna. Mga batang nasa edad na 5 taong gulang pababa ang karaniwang tinatamaan ng naturang…

Read More