(NI JOSEPH BONIFACIO) MATAPOS makatikim ng unang kampeonato, target ng Raptors ang back-to-back championship. At kumpiyansa naman si Raptors president Masai Ujiri na mangyayari ito, pati na ang pananatili ni Kawhi Leonard at ang team core para sa susunod na NBA season. Sa ngayon, pinag-aaralang mabuti ng management ang susunod na hakbang upang mahikayat si Leonard na manatili sa Toronto. “We’re on to the next issue, which for us is coming back and being champions again,” pahayag ni Ujiri kahapon (Manila time) sa kanyang unang news conference dalawang linggo matapos…
Read MoreTag: raptors
LEONARD ‘DI BIBITIWAN NG RAPTORS
NAGDIRIWANG pa ang Toronto Raptors sa Las Vegas matapos makopo ang kanilang kauna-unahang NBA championship, nang bulagain ng balitang nakuha na ng Los Angeles Lakers ang serbisyo ni Anthony Davis. Tila biglang nagising ang pamunuan ng Raptors. At kinakailangan na nilang bumalik sa realidad. Realidad na kailangang asikasuhin ang mga manlalarong mage-expire ang kontrata at mga manlalarong kanilang posibleng kunin sa draft o sa trade. Pero, ayon kay Raptors coach Nick Nurse, nagsimula na silang mag-usap ni general manager Bobby Webster hinggil sa komposisyon ng team sa susunod na season.…
Read MoreFIRST TIME: TORONTO RAPTORS, NBA CHAMP!
WAGI sa NBA ang Toronto Raptors sa kauna-unahang pagkakataon. Tinalo ng Raptors ang Golden State Warriors sa 114-110 sa Game 6 ng NBA Finals, Huwebes ng gabi (Biyernes ng umaga sa Manila) Nanalo ang Raptors sa 4-2 series na pumigil sa Warriors sa ikatlo sanang straight championship. Sina Kyle Lowry at Pascal Siakam ay pumuntos ng tig-26 para sa Raptors, sina Fred VanVleet at Kawhi Leonard naman ay may tig 22. Si Klay Thompson ay umiskor ng 30 sa Golden State ngunit nagkaroon naman ng knee injury. Si Andre Iguodala…
Read MoreGAME 7 PUPUWERSAHIN
GAGAMITING inspirasyon ng Golden State Warriors ang injury ni Kevin Durant para ipanalo ang Game 6 at maipuwersa ang Game 7 winner-take-all ng NBA Finals laban sa Toronto Raptors ngayon (Huwebes, Manila time). Ang defending champion Golden State, nakatuon sa ikatlong sunod at ikaapat sa limang season, ay lalaro sa huling pagkakataon sa Oracle Arena para itabla sa 3-3 ang serye. Sa susunod na season, ang Warriors ay lilipat na sa bago nitong homecourt, ang Chase Center sa San Francisco. “We’re going to have to will ourselves for another 48…
Read MorePARTY NG RAPTORS NAUDLOT; WARRIORS HUMIRIT
NAUDLOT ang selebrasyon ng Toronto Raptors nang sumablay ang 3-pointer ni Kyle Lowry sa pagtunog ng buzzer at nagawang maitakas ng Golden State Warriors ang one-point win, 106-105 sa Game 5 ng NBA Finals, Martes (Manila time) na ginanap sa Scotiabank Arena sa Toronto. Ang Raptors ay angat pa rin sa serye, 3-2 at babalik sa Oracle Arena sa Oakland, California ang Finals para sa Game 6. Iniwan ni Kevin Durant ang laro matapos umiskor ng 11 puntos nang muling manakit ang dati nang (calf) injury nito. Kaya’t muling naiwan…
Read MoreRAPTORS DUMIKIT SA KORONA
DUMIKIT ang Toronto Raptors sa mithiing hubaran ng kampeonato ang Golden State Warriors matapos ang malaking panalo sa Game 4 ng NBA Finals, Sabado (Manila time) sa Oakland, California. Muling binitbit ni Kawhi Leonard ang Raptors tungo sa 3-1 edge sa serye, isang hakbang na lang at makakamit na ng Toronto ang una nitong championship. Ang 27-anyos na si Leonard, na mas malamig pa sa yelo ang hilatsa ng mukha sa kabila ng panalo, ay umiskor ng 36 points at humablot ng 12 rebounds para sa Raptors. Binuksan ng Leonard…
Read MoreWARRIORS-RAPTORS FINALS GAME 1 BAGSAK ANG RATINGS
HINDI na ikinagulat ng pamunuan ng NBA ang mababang television ratings sa Game One ng NBA Finals. At may dalawang dahilan ito. Wala si LeBron James At ang Canadian numbers ay hindi kabilang. Sinabi ng ESPN ng Sabado, na ang Game One ng Toronto-golden State series ay nakakuha ng 10.1 overnight rating, lowest para sa Game One ng title series sa loob ng nakalipas na dekada. Hindi kabilang sa metered-market ratings na ginagamit sa USA ang Canadian viewership. Pero ito ang most-watched NBA game sa kasaysayan naman ng Canada. “Put…
Read MoreGAME 1 IBINULSA VS WARRIORS; DAGUNDONG NG RAPTORS
DUMAGUNDONG ang Scotiabank Arena sa Ontario, lalo na nang tumunog ang buzzer at makikita sa scoreboard, 118-109. Ibinulsa ng Toronto Raptors ang Game 1 ng NBA Finals matapos talunin ang defending champion Golden State Warriors, Biyernes (Manila time). Dahil inasahan na ng Raptors na magiging bantay-sarado si Kawhi Leonard, kumilos ang kanyang tropa at nagpasabog si Pascal Siakam ng career-best 32 points, na sumagot sa bawat rally ng Warriors. Ang 25 anyos na Cameroonian forward ay kumana ng 14-of-17 shots sa floor at dumaklot pa ng 8 rebounds, may 5…
Read MoreBUCKS SIBAK SA RAPTORS
BINITBIT ni Kawhi Leonard, may 27 points at 17 rebounds ang Raptors sa NBA Finals sa unang pagkakataon, matapos sibakin ang Milwaukee Bucks, 100-94, sa kanilang Eastern Conference series sa Toronto, Linggo (Manila time). Hinabol ng Raptors ang 15-point deficit para kunin ang panalo sa Game 6 (4-2) at nakatakdang harapin ang defending national champions Golden State Warriors sa Game One ng NBA Final sa Biyernes (Manila time). Tumulong kay Leonard para sibakin ang top seeded Bucks sina Pascal Siakam na may 18 points, Kyle Lowry may 17 points at…
Read More