BUCKS SIBAK SA RAPTORS

bucks12

BINITBIT ni Kawhi Leonard, may 27 points at 17 rebounds ang Raptors sa NBA Finals sa unang pagkakataon, matapos sibakin ang Milwaukee Bucks, 100-94, sa kanilang Eastern Conference series sa Toronto, Linggo (Manila time).

Hinabol ng Raptors ang 15-point deficit para kunin ang panalo sa Game 6 (4-2) at nakatakdang harapin ang defending national champions Golden State Warriors sa Game One ng NBA Final sa Biyernes (Manila time).

Tumulong kay Leonard para sibakin ang top seeded Bucks sina Pascal Siakam na may 18 points, Kyle Lowry may 17 points at Dred VanVleet, nag-ambag ng 14 para sa Raptors, na gumamit ng 26-3 run sa dulo ng third quarter at sa kaagahan ng fourth upang baliktarin ang laro, pabor sa Toronto.

Muling nanguna si Giannis Antetikounmpo sa Bucks na may 21 points at 11 rebounds, pero ang NBA’s top team sa regular season na naghahangad sana ng una nilang finals berth sa loob ng 45 taon ay umuwing luhaan.

Mula sa 76-71 count, pabor sa Bucks, itinabla ng Raptors ang iskor sa pamamagitan ng 8-2 run, kasama ng dunk ni Serge Ibaka para sa 78-all, 10:32, habang sina Leonard at Antetokounmpo ay nasa bench.

Bumalik si Antetokounmpo matapos ang timeout, pero si Leonard ay nanatiling nakaupo.

Pero okay lang, dahil umangat ang Raptors buhat sa basket ni Siakam para makuha ang 80-78 lead, una nila matapos ang 6-3 count sa first quarter.

Ang Toronto ay may 12 ng kanilang 27 3-pointers, kasama ang apat sa walo sa fourth period.

331

Related posts

Leave a Comment