Kasisimula pa lamang ng panunungkulan ni Mayor Isko Moreno ngunit tila nagpapasiklab na ito at nagpapakilala hindi lamang sa Maynila kundi pati sa buong bansa. Inumpisahan niya agad ang paglilinis at pagpapaluwag sa mga lansangan ng Maynila na tila ba wala nang pag-asa. Ang dating napakarumi, napakasikip, at napakaingay na Divisoria ay tila nagmukhang parke sa linis at luwang. Maaari palang maging ganoon kalinis ang Divisoria. Hindi ito himala. Ito ay kagagawan ng bagong alkalde ng Maynila. Ipinakita agad ni Mayor Isko na determinado siyang ibangon at baguhin ang hindi…
Read MoreTag: Sa Ganang Akin
INTEGRIDAD NG PUNDASYON NG MGA GUSALI, DAPAT TUTUKAN
Noong 1658, 361 taon na ang nakararaan, nang huling gumalaw ang Marikina West Valley Fault. Sa loob ng 1,400 na taon ay apat na beses na itong gumalaw. Kung susuriin ang timeline na ito, maaari itong gumalaw ulit sa ating panahon. Tinatayang nasa 7.2 magnitude na lindol ang pinag-uusapan natin dito. Handa ba tayo? Handa ba ang ating mga gusali para rito? Sa pagkakaroon ng ganitong posibilidad, hindi nakatutulong na mayroong isyu ngayon sa uri at kalidad ng materyales na ginagamit sa mga gusali bilang pundasyon partikular na ang mga…
Read MorePANGANGASIWA SA MGA UTILITY, KANINO DAPAT?
Ang opisyal na pagsisimula ng panahon ng tag-ulan ay nagbigay ng pag-asa na maiibsan nito ang lumalalang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam. Inaasahan ding matutugunan nito ang lumalalang kakulangan sa supply ng tubig sa bansa. Hindi lamang supply ng tubig ang kulang kundi pati ang reserba ng kuryente sa bansa ay nagkukulang na rin. Patunay nito ay pag-aanunsyo ng mga yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) bunsod ng manipis na reserba ng kuryente. Nagresulta rin ito sa pagpapatupad ng rotational brownout…
Read MorePAGHAHANDA SA PAGDATING NG THE BIG ONE
Sunud-sunod ang paglindol sa ating mga karatig bansa nitong nakaraang linggo. Isang paglindol na may lakas na 6.8 magnitude ang yumanig sa Japan dahilan upang maglabas ng abiso ang Japan Meteorological Agency sa publiko na maging handa sa posibilidad ng pagkakaroon ng tsunami. Bukod sa Japan, nakaranas din ng 6.0 magnitude na lindol ang probinsya ng Sichuan sa China na naging sanhi upang gumuho ang isang hotel sa Changning Country sa siyudad ng Yibin kung saan 11 ang namatay at 122 ang sugatan. Dalawang buwan ang nakaraan isang 6.1 magnitude…
Read MorePAGTUGON SA MASIKIP NA PALIPARAN
(Sa Ganang Akin / Joe Zaldarriaga) Sorpresang bumisita si Pangulong Duterte sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong isang linggo kasunod ng mga reklamo ng pagkaantala sa iskedyul ng ilang flights bunsod ng suspensyon ng ground operation ng lahat ng NAIA terminal. Ang pagkaantalang ito na tumagal ng 2.5 oras ay bunsod ng ini-syung lightning red alert ng paliparan. Nasaksihan mismo ng pangulo ang tindi ng epekto nito sa mga pasahero sa terminal. Kaya, ipinag-utos niya ang paghanap ng solusyon sa suliranin ng kasikipan ng terminal. Napakalaking…
Read MoreHAKBANG PATUNGO SA MASAGANA AT MAS LIGTAS NA KAPALIGIRAN
Idineklara bilang non-working holiday ang ika-5 ng Hunyo bilang pakikiisa sa ating mga kapatid na Muslim sa pagtatapos ng Ramadan o Eid’l Fitr. Kasabay nito ay nakiisa rin ang bansa sa World Environment Day. Ang World Environment Day ay inilunsad ng United Nations upang magpalaganap ng kaalaman ukol sa kasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran. Isa rin itong paraan upang mahimok ang mga tao na makilahok sa adbokasiyang ito. Sinimulan ito noong 1974 at ngayo’y ipinagdiriwang na sa humigit kumulang 100 bansa. Dahil akma sa okasyon, bilang pakikiisa sa adbokasiya ng…
Read MoreMODERNONG SISTEMA NG RAIL SA BANSA, TAYO’Y MANIWALA AT MAGTIWALA
Unti-unti nang naisasakatuparan ng kasalukuyang administrasyon ang kanilang pangakong solusyon sa problema sa transportasyon ng ating bansa. Ayon sa mga balita, tuluy-tuloy din ang pag-andar ng iba pang imprastrakturang pang-transportasyon gaya ng NLEX-SLEX Connector Road at ng Manila Harbour Link. Ayon sa Japan International Cooperation Agency (JICA), kung walang gagawing aksyon ang gobyerno, tinatayang aabot sa P6 bilyon kada araw ang gastos ng bansa sa transportasyon pagdating ng taong 2030. Ang mga manggagawang Filipino na kumikita ng minimum wage ang pinakatatamaan kung ang pagsikip ng mga daan sa Metro Manila…
Read MoreMMDA MAGANDA ANG ADHIKAIN SA PAGBABAWAL NG PROVINCIAL BUS SA EDSA
Napakalaking pagsubok ang bumiyahe sa kahabaan ng EDSA dahil sa napakaraming sasakyan ang narito, idagdag pa ang kawalan ng disiplina ng ilang motorista kaya buhul-buhol ang trapiko. Ilang administrasyon na ang nagdaan at sinubok na lutasin ito pero hanggang plano lamang ang nangyari dahil agad na may batikos mula sa iba’t ibang grupo na wala ring maibigay na solusyon. Sinubok ng Metro Manila Development Authority (MMDA), na magpatupad ng provincial bus ban sa EDSA, pero bago pa ito isulong, may mga umangal na grupo at nagpetisyon sa Supreme Court para…
Read MorePAGBABAGO, SIGAW NG MGA FILIPINO
Hindi pa man opisyal na naidedeklara ang pagtatapos ng bilangan para sa katatapos lamang na botohan, malinaw na agad na ang sigaw pa rin at hangad ng mga Filipino ay pagbabago. Bunsod nito, maraming maituturing na “plot twist” sa resulta ng eleksyon sa ilang mga lugar sa bansa. Maraming political dynasty ang nagwakas. Maraming bagong personalidad ang nabigyan ng pagkakataong patunayan ang kanilang sarili sa larangan ng politika. Natapos na ang 50 taong pamumuno ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada bunsod ng pagkatalo n’ya kay Isko Domagoso Moreno na isa…
Read More