‘Di porke gipit sa pagbebenta ng laman-loob kakapit DOJ-IACAT NAGBABALA VS ‘ORGAN TRAFFICKING TRAP’

NAGBABALA ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Department of Justice (DOJ), sa publiko hinggil sa pagbebenta ng mga lamang-loob.

Sa isang online post, nagbigay ng babala ang naturang kagawaran sa panganib na kaakibat ng ganitong uri ng ilegal na gawain.

Nabatid na pinag-iingat ang taumbayan na mahulog sa patibong ng panlilinlang, pagpilit o pang-aabuso para ibenta ang kanilang lamang- loob o tinatawag din bilang ‘organ trafficking trap’.

Bagama’t mistulang mabilis na solusyon sa simula dahil sa alok na pera, kapalit naman nito ang seryosong panganib sa kalusugan.

At maaari pang humantong sa pagkawala ng buhay ng isang indibidwal kapag kumagat sa mapanlinlang na alok para sa agarang pera.

Kaya nama’y maigting na paalala ng DOJ at IACAT sa publiko na huwag patulan ang ganitong imbitasyon sapagkat hindi matutumbasan ng anomang halaga ng pera ang kaligtasan ng mabibiktima.

Bagkus hinimok na iulat at isumbong ito sa kanilang ‘1343 Action Line Against Human Trafficking’ sakaling makatagpo ng ganitong uri ng kaso.

(JULIET PACOT)

101

Related posts

Leave a Comment