GORDON: RECORD NG MGA PRESO GAWING COMPUTERIZED

gordon12

(NI DANG SAMSON-GARCIA) INIREKOMENDA ni Senador Richard Gordon na gawin nang digital ang record ng mga preso para matiyak ang tamang mga impormasyon sa panahon ng kanilang pananatili sa kulungan. Ito ay kasunod ng naging isyu sa posibleng pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez bunsod ng implementasyon ng Republic Act No. 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law. “There shall be full automation of prison records. It is important that their time served and their good conduct time allowance are properly documented and accounted. Wala dapat dayaan…

Read More

PROSESO NG GCTA IPINASUSUSPINDE NG DOJ

(NI HARVEY PEREZ) IKINUKONSIDERA ni Justice Secretary Menardo Guevarra na suspendihin muna pansamantala ang pagproseso ng good conduct time allowance (GCTA) sa mga preso hanggang hindi nakakapagpalabas ng guidelines ang Bureau of Corrections (BuCor). “Kung sakali man temporary lang ito, mas mabilis na  ang processing basta maayos at maliwanag ang guidelines,” ayon kay Guevarra. Sinabi ni Guevarra na kinakailangan na maghintay ng kaunti dahil napakaraming convicts ang dapat na isailalim sa proseso ng GCTA. “They really have to wait a little because of the large number of PDLs involved. Please…

Read More

OPISYAL NG BUCOR IPATATAWAG SA ‘GOOD CONDUCT LAW’

bucor55

(NI DANG SAMSON-GARCIA) SINABI ni Senate Minority leader na ipatatawag niya sa Senado ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BUCOR) upang ipaliwanag ang sinasabi nilang komputasyon sa pananatili ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez at ang nabuking na posibleng paglaya nito sa susunod na dalawang buwan. Kasabay nito hindi rin aatras si Drilon sa kanyang panukala na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpapatupad ng Bureau of Corrections ng Good Conduct Time Allowance Law o RA 10592. Ito ay kahit tiniyak ng gobyerno na hindi sakop ng batas si dating Calauan…

Read More

SANCHEZ ‘DI PALALAYAIN NI DU30

du3055

(NI BETH JULIAN) KONTRA si Pangulong Rodrigo Duterte na mapalaya ang convicted murderer at rapist na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez. Ito ang sinabi ni Senador Bong Go matapos silang persanol na magkausap ng Pangulo kung saan naitanong niya ito kung ano ang reaksyon hinggil sa balitang posibleng pagpapalaya kay Sanchez sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA). Pero diretsahang itinugon ng Pangulo na hindi ito sang ayon na mapasama si Sanchez sa GCTA. Sinabi ni Go na ikinatwiran ng Pangulo na hindi karapat-dapat si Sanchez dahil…

Read More

PAGLAYA NI SANCHEZ SA LOOB NG 2 BUWAN, ITINANGGI

(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY KIER CRUZ) MARIING pinabulaanan ngayong Huwebes ni Bureau of Correction (BuCor) Director General Nicanor Faeldon ang napaulat na makalalaya na sa loob ng dalawang buwan si dating Calauan mayor Antonio Sanchez sa New Bilibid Prison (NBP) kung saan ito nakakulong sa Muntinlupa City. Sa isang pulong balitaan na ginanap sa loob ng NBP, sinabi ni Faeldon na kailangan pang i-review ang kanyang good conduct and time allowance dahil nasasangkot din ang dating alkalde sa loob ng bilibid sa illegal na droga at mga kontrabando sa kanyang selda…

Read More

KONGRESO INGINUSO NI PANELO SA PAGLAYA NI SANCHEZ

CONGRESS SENATE1

(NI BETH JULIAN) SA harap ng kaliwa’t kanang batikos sa inaasahang paglaya ng convicted rapist at murderer na si dating Calauan mayor Antonio Sanchez, ibinato ng Malacanang sa Kongreso ang pagpapaliwanag ng nilalaman ng Republic Act 10592. Ang RA 10592 ay ang nakikitang daan ngayon para makalaya si Sanchez. Ayon kay Panelo, sa Kongreso nalikha ang naturang batas kaya’t anumang concern tungkol sa revised penal code ay dapat na mai-address sa mga mambabatas. Iniulat na si Sanchez na convicted rapist at murderer ay kabilang sa 11,000 preso na binigyan ng…

Read More

DoJ NANGAKONG SISIYASATIN ANG DATOS SA PAGLAYA NI SANCHEZ

(NI KIKO CUETO) NANGAKO ang Department of Justice (DoJ), na sisiyasating maige ang lahat ng datos at record ng rape-murder convict na si dating Calauan mayor Antonio Sanchez habang nasa loob ng piitan. Ito’y upang malaman kung eligible siya sa maagang pagpalaya dahil sa good conduct. Ayon kay Justice Undersecretary and Spokesperson Markk Perete kasunod ng public outcry sa sinasabing napipintong paglaya dahil sa bagong batas na nagpapabilis sa jail time service basta’t mabait. “While potential na beneficiary si mayor Sanchez and many others, the evaluation of record will also…

Read More

PAROLE KAY SANCHEZ IPABUBUSISI SA SENADO 

bucor55

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na magpaliwanag ang Board of Pardons and Parole sa kanilang computation sa sentensya kay dating Calauan mayor Antonio Sanchez na sangkot sa kasong panggagahasa at pagpatay. Sinabi ni Drilon na maghahain siya ng resolusyon upang busisiin ang komputasyon ng BPP at ang tunay na dahilan ng rekomendasyon na mapalaya ang dating alkalde. “Ako po ang Secretary of Justice na nagpa-convict kay Mayor Sanchez – 7 lives term po iyan. Ang sentensya niyan ay 40 years. Nagulat po ako noong sinabi…

Read More

PETISYON VS PAGLAYA NI SANCHEZ INARANGKADA

(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS kumpirmahin ng Department of Justice (DoJ) ang paglaya ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez, inarangkada ng grupo ng mga kabataan ang isang petisyon para harangin ito. Sa pamamagitan ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, sinimulan na ang pangangalap ng lagda upang hilingin sa DoJ na huwag palayain si Sanchez at sa halip ay dapat umanong aniyang pagsilbihan ng dating mayor ang kanyang pitong life sentence. “Stop the Release of Mayor Antonio Sanchez; Let Him Serve His Seven Life Sentences – Sign the Petition!,” panawagan ni…

Read More