(NI ABBY MENDOZA) PINATAWAN ng 90-day suspension ng Sandigabayan si North Cotabato Gov Nancy Catamco dahil sa maanomalyang pagbili ng fertilizer. Sa 7-pahinang resolusyon na ipinalabas ng Sandiganbayan 6th Division inatasan nito ang Department of interior and Local Government(DILG) na ipatupad ng ipinalabas na suspension order at magsumite ng report ukol sa ginawang aksyon sa loob ng 15 araw. Batay sa rekord ng kaso, May 2004 nang makipagsabwatan si Catamco sa mga kapwa akusado na sina Poro Cebu Municipal Mayor Edgar Rama at isang Pompey Perez na kasosyo nito sa…
Read MoreTag: sandigan
KONGRESISTA SINUSPINDE NG 90-ARAW NG SANDIGAN
(NI JEDI PIA REYES) INIUTOS ng Sandiganbayan ang 90-araw na suspensyon kay Iligan City Representative Frederick Siao dahil sa kinakaharap nitong kasong katiwalian. May kinalaman ang kaso sa umano’y maanomalyang pag-upa ng lupa para gamiting transport terminal. Sa ipinalabas na resolusyon ng Sandiganbayan 3rd Division, pinagbabawalan si Siao na gampanan ang kanyang trabaho bilang miyembro ng House of Representatives at iba pang posisyon na kanyang hinahawakan. Inaatasan ng anti-graft court si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ipatupad ang suspensyon. Iginiit naman ni Siao na hindi uubra ang pagsasailalim sa kanya…
Read MoreEX-DAR CHIEF LUMUSTAY NG P184-K; PINAGMULTA NG P6-K
(NI ABBY MENDOZA) MATAPOS umamin sa kanyang pagkakamali, pinagmumulta ng P6,000 ng Sandiganbayan ang isang dating Regional director ng Department of Agrarian Reform(DAR) na una nang ginamit ang P184,904 public funds para sa kanyang personal na interes. Guilty sa isang bilang ng paglabag sa Article 218 ng Revised Penal Code si dating DAR Region 13 chief Yusoph Mama. Nag-ugat ang kaso sa liquidation report na isinumite ng Commission on Audit(COA) kung saan mula noong September 30, 2011 ay hindi pa nai-liquidate ni Mama ang natanggap nitong pondo kung saan siya…
Read MoreP1.8-B GRAFT ISINAMPA SA SANDIGAN VS LRTA OFFICIALS
(NI DAVE MEDINA) SINAMPAHAN ng kasong graft sa Sandiganbayan ang mga opisyal ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng Riles Network at United Filipino Consumers, Inc., dalawang samahan ng mga pro-rail commuters at anti-corruption advocates. Tinukoy sa pagsasampa ng kasong graft sina LRT Administrator ex-General Rey Berroya, LRT operations officer Butch Laigo, at apat na iba pang mga LRT officers batay sa mga dokumentong nakuha mula sa Procurement Service ng DBM. Kinakitaan ng mga ebidensyang hindi sumunod sa wastong bidding rules ang joint venture na pumabor sa supplier ng LRTA na si Yollee…
Read MoreEX-LAGUNA MAYOR HERMEDES GUILTY SA GRAFT
(Ni FRANCIS SORIANO) GUILTY ang naging hatol ng Sandigangbayan kay dating Mayor Isidro Lebrilla Hemedes ng Cabuyao City, Laguna at kasalukuyang tumatakbong kongresista sa ikalawang distrito ng Laguna, matapos itong basahan ng hatol sa kinahaharap nitong kaso kaugnay sa paglabag nito sa RA 3019 na kilala rin bilang Anti Graft and Corrupt Practices Act. Ayon sa 20-pahinang resolusyon nitong February 1, 2019 ng 7th Division ng Sandiganbayan, nilagdaan nina Chairperson, Associate Justice Ma.Theresa Dolores C. Gomez-Estoesta, Associate Justice Zaldy V. Trespeses at Associate Justice Georina D Hidalgo, hinatulan sa graft si…
Read MoreNAMEKE NG RESIBO, DIMANJUG CEBU MAYOR SUSPENDIDO NG 90- ARAW
(NI ABBY MENDOZA) PINATAWAN ng 90-araw na suspension order ng Sandiganbayan si Dimanjug, Cebu Mayor Efren Gica matapos umano nitong pekein ang resibo ng pagkain sa isang barangay assembly. Ayon sa datos ng Sandiganbayan, nagdagdag ng P10,000 ang alkalde sa resibo. Nabatid na P11,435 ang nasa original na resibo ng pagkain na inihanda ni Gica sa barangay assembly subalit ginawa itong P21,435 Sa isinagawang arraignment noong Enero 23 ay nagpasok ng not guilty plea ang alkalde at binigyan ito ng 10-araw para mag-komento kung bakit hindi sya dapat suspendihin ngunit hindi ito…
Read MoreP900-M GRAFT CASE NI ANDAYA KINATIGAN NG SANDIGAN
(NI TERESA TAVARES) IBINASURA ng Sandiganbayan ang inihirit ni Camarines Sur 1st District Representative Rolando Andaya Jr. na mapawalang-bisa ang halos 200 kasong kriminal na nakasampa laban sa kanya kaugnay sa P900-million Malampaya fund scam. Sa 28-pahinang resolusyon ng anti-graft court Third Division, hindi tinangap ang motion to quash ni Andaya dahil hindi umano magiging patas sa prosekusyon. Iginiit ng korte na mas makakabuti na idaan sa paglilitis upang marinig ng korte ang mga argumento at allegasyon ng magkabilang panig. Una nang inihayag ni Andaya sa kanyang mosyon na depektibo ang…
Read MoreSAMAR SOLON IDINIIN SA P16.1-M BINILING EMERGENCY KITS
(NI JEDI PIA REYES) NAHAHARAP ngayon sa pagkakapiit ng hanggang 115 taon ang isang kongresista sa Samar matapos na idiin ng Sandiganbayan sa kasong may kinalaman sa pagbili ng P16.1 milyong emergency supplies nang walang public bidding. Sa ibinabang hatol ng Sandiganbayan 4th Division, pinarurusahan nitong mapiit ng 62 hanggang 115 taong pagkakakulong si Samar 2nd District Rep. Milagrosa Tan dahil sa walong counts ng graft. Nangyari umano ang katiwalian nuong 2001 kung kailan nakaupo pa bilang gobernadora ang mambabatas. Natukoy din ng anti-graft court na guilty beyond reasonable doubt ang kapwa…
Read MoreP124-M PONDO UMANO GAMIT: MAHIHIRAP BINIBILI NI BONG REVILLA!
NILUSOB ng grupo ng urban poor ang Sandiganbayan Huwebes ng umaga para kondenahin ang hakbang ni dating senador Ramon ‘Bong’ Revilla sa tangkang bilhin ang suporta ng mga mahihirap gamit ang pondong sinasabing ninakaw sa kaban ng bayan. Dala ang mga placard na may nakasulat na “P124 milyon gamitin sa Bayan hindi sa Bayad at ‘Huwag nang i-Resiklo si Agimat! Mag-Exodus ka na lang!”, sinabi ng mga nag-protesta na tinatangka umano ni Revilla na samantalahin ang kahirapan ng mga tao para makatakas sa responsibilidad sa pork barrel scam. “Sinasamantala ni…
Read More