IMBESTIGASYON SA SEA GAMES, TULOY! — PING

(NI NOEL ABUEL) NGAYONG pormal nang natapos ang 30th Southeast Games ay maaari nang ituloy ang imbestigasyon kung nagkaroon ng korapsyon sa paghahanda sa palaro. Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na dapat matuloy ang imbestigasyon ng Senado upang tuluyang matapos ang usapin at mawala ang agam-agam na nahaluan ng anomalya ang biennial meet. Kasabay nito, agad na nilinaw ni Lacson na walang kinalaman at hindi dapat na masangkot ang mga atleta. “Dapat lang. Magkaiba ang mga atleta at ang organizing committee, ang PHISGOC. Kung ano man ang honors na ibinigay…

Read More

P1-B SA TURISMO KINITA SA SEA GAMES

SEA GAMES

(NI ABBY MENDOZA) IPINAGMALAKI ni House Speaker at Philippine Sea Games Organizing Committee Chair Alan Peter Cayetano na nakatulong nang malaki sa ekonomiya ang katatapos na 2019 South East Asian Games, isa na rito ang pagpasok ng mga turista na kumita ang bansa ng mahigit sa P1 bilyon. Ayon kay Cayetano ang inisyal na pumasok na revenue ay P1B, kanilang inaasahan na madaragdagan pa ang datos sa mga susunod na araw. Sinabi ni Cayetano na hindi natatapos sa hosting ng bansa ang nakalilipas na Sea Games dahil nangako ang Pilipinas…

Read More

TAGUMPAY NG SEA GAMES PINURI NI PDU30

PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang matagumpay na pagho-host ng Pilipinas sa ika-30 SEA Games. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na masaya ang Pilipinas na naging host sa Southeast Asian nations sa biennial multi-sport event. “Lahat kayo ay gumawa ng magandang trabaho na nagbigay ng karangalan sa inyong mga bansa. Ang presensiya ninyo sa aming bansa ay nangangahulugan na lahat kayo ang mga winner,”sabi nito. “We likewise witnessed harmony, camaraderie and sportsmanship prevailing among countries in Southeast Asia,” ayon pa sa Pangulo. Nanguna ang Manila sa SEA Games…

Read More

BUBURA SA NATITIRANG SEAG RECORD; SANA ISANG PILIPINO RIN –DE VEGA

(NI ANN ENCARNACION) UMAASA ang maalamat na si Lydia De Vega-Mercado na tuluyang mabura na ang natitira niyang Southeast Asian Games record sa 100m dash. Ngunit gusto niyang isang Pinoy rin ang makagawa nito. “Gusto ko sana isang Filipino rin ang makabura sa huling SEA Games record ko,” anang dating regional sprint queen na si De Vega. Isang Fil-Canadian, si Zion Corrales-Nelson, ang bumura sa 200m dash record ni De Vega. Ngunit nitong Disyembre 7 ay tinabunan naman ng Fil-Am na si Kristina Knott ang record ni Corrales-Nelson. Maliban dito,…

Read More

HISTORIC PH BASKETBALL SWEEP

(NI EDDIE G. ALINEA/PHOTO BY MJ ROMERO) NAGING makasaysayan para sa Pilipinas ang basketball sweep ng men’s at women’s team nito sa katatapos na 30th Southeast Asian Games. Lahat ng isinabak na team ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa men’s at women’s team sa 3×3 at 5×5 basketball ay pawang naguwi ng gintong medalya sa apat na events. Ngunit ang pinakamatinding rebelasyon ay ang all-amateur women’s squad, na matapos ang halos apat na dekada, at anim na silver at limang bronze medals, ay nanalo na rin ng ginto makaraang…

Read More

SUPORTA SA PINOY ATLETA DAPAT ITULOY  —  SOLON

(NI NOEL ABUEL) NGAYONG natapos na ang SEA Games at nagpakita ng galing ang mga Filipinong atleta, dapat na hindi matapos ang suporta sa mga ito. Ito ang sinabi ni Senador Win Gatchalian sa pagsasabing hindi nangangahulugan na dahil tapos na ang SEA games ay matatapos na rin ang suporta sa mga atleta. Ayon sa mambabatas, lalo pa nga umanong dapat magkaisa ang pamahalaan, ang sektor ng edukasyon at ang pribadong sektor upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga atleta, kabilang ang sapat na imprastraktura at tulong pinansiyal. “Nakita natin sa…

Read More

CAYETANO GAME SA OMBUDSMAN INVESTIGATION

(NI BERNARD TAGUINOD) GAME si  Philippine Southeast Asian Games Organizing Commission (Phisgoc) chairman House Speaker Alan Peter Cayetano sa ikinakasang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa hosting ng Phisgoc sa SEA Games. “Two weeks ago, when the SEA Games was under attack by groups out to discredit the government with fake news reports of unpreparedness and corruption, I already announced that we not only welcome, but are ourselves calling for an investigation by the proper agencies at the right time to clear the air about these unfounded allegations,” ani Cayetano.…

Read More

ABOT-KAMAY NA: PHL, 30th SEAG OVERALL CHAMP — PSC

(NI VT ROMANO) MAY dalawang araw pang nalalabi bago bumaba ang telon ng 30th Southeast Asian Games, pero maaari nang angkinin ng Pilipinas ang overall championship. Isa si Philippine Sports Commission (PSC) chairman at chef de mission William “Butch” Ramirez sa nagpahayag nang kasiyahan sa resulta ng kampanya ng Pinoy athletes. Ayon kay Ramirez, ipinakita ng mga Pinoy na kaya nating magkaisa para sa ikatatagumpay ng bansa. “Almost to the final stretch, and I am grateful to God for the steady performance of our team,” lahad ni Ramirez. “More than…

Read More

WALA PA RING TATALO SA PHL BLU GIRLS

(NI VT ROMANO) HINABLOT ng Philippine Blu Girls ang ika-10 sunod nitong SEA Games gold medal, matapos blangkuhin ang Indonesia, 8-0, sa finals ng women’s softball ng 30th biennial meet sa The Villages sa Clark, Pampanga kahapon. Hindi binigyan ng pagkakataon ng Pinay batters ang kalaban, nang agad umiskor ng five runs sa second inning pa lang. At umiskor pa ng tatlo sa huling dalawang innings. Ang Pilipinas ay winalis rin ang apat na preliminary match nito, na tinampukan ng 11-0 pagbokya sa huling laro kontra Thailand. Binlangko ng Blu…

Read More