‘MAPAGKUMBABANG TATALIMA’

INIHAYAG ngayong Miyerkoles ng gabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon na mapagkumbaba siyang tatalima sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na lisanin ang kanyang posisyon. “My commander-in-chief/appointing authority has spoken. I am a marine and a marine does as he is told,” sabi ni Faeldon sa inilabas na statement. “I most humbly bow to my commander-in-chief’s order without any hard feelings,” dagdag pa nito. Nauna rito, sa isang press briefing, sinabi ni Duterte na kailangan nang magresign ni Faeldon dahil nilabag nito ang pangako sa Pangulo…

Read More

DU30 KAY FAELDON: MAG-RESIGN KA NA!

MATAPOS ang kaliwa’t kanang panawagan ng publiko at politiko na umalis na sa posisyon si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon, nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na ito, agad. “Nakapagdesisyon na ako nitong nakaraang gabi. Iniuutos ko ang agarang pagsibak sa tungkulin kay Faeldon,” sabi ng Pangulo. Naging kontrobersiyal ang BuCor chief matapos ang naunsiyaming paglaya ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez. Naibalita na may bayarang nagaganap sa loob ng bilibid kapalit ng paglaya ng high profile convicts kasama na ang suspect sa pagpaslang at panghahalay sa…

Read More

HONTIVEROS: FAELDON SINUNGALING, SIBAKIN!

(NI NOEL ABUEL) SAPAT na ang mga dahilang natuklasan na may kinalaman si Bureau of Corrections (BuCor) Director Nicanor Faeldon sa pagpapalaya sa ilang Chinese drug lords at sa tangkang pagpapalaya kay dating Caluan mayor Antonio Sanchez para sibakin at kasuhan ito sa korte. Ito ang iginiit ng isang senador kasabay ng panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na sa Bucor si Faeldon na hindi na pinagkakatiwalaan ng taumbayan. Sinabi ni Senador Risa Hontiveros na base sa naglabasang ulat, si Faeldon ang lumagda sa release order ni Sanchez na…

Read More

FAELDON PINASISIBAK  SA PALPAK SA BUCOR

(NI ESTONG REYES) HINILING ni Senate President Vicente Sotto III na balasahin ang Bureau of Corrections (BuCor) na pinamumunuan ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon matapos lumaya ang mga kriminal na nahatulan sa heinous crimes. Sa kanyang tweets, sinabi ni Sotto na marapat nang magkaroon ng sibakan sa BuCor na lubha nang umiinit ang kontrobersiya sa ahensiya kabilang ang pagpalaya sa mga convicted drug lords, rapists, murderer at iba pang krimen na disqualified sa paghingi ng parole. Ayon kay Sotto, may ulat na nilagdaan ni Faeldon ang release papers ng apat…

Read More

COC, SHERIFF SINIBAK NG SC

supreme court

(NI HARVEY PEREZ) TINANGGAL sa serbisyo  ng Supreme Court (SC), ang isang clerk of court at isang sheriff ng  korte matapos mapatunayan na lumabag sa rules of court. Napapaloob sa magkaibang curiam decisions ng SC  nalaman  na si  Lou D. Laranjo, Clerk of Court II, ng  Municipal Circuit Trial Court (MCTC), ng Lugait-Manticao-Naawan, Misamis Oriental ay napatunayang guilty sa kasong grave misconduct at serious dishonesty. Inalisan din ng retirement benefits si Laranjo at diniskiwalipika na  makapaglingkod sa anumang pampublikong tanggapan, maliban sa naipon niyang leave credits. Isinampa ang reklamo laban…

Read More

64 BoC PERSONNEL SISIBAKIN NI DU30

customs

(NI BETH JULIAN) INIANUNSIYO na ni Pangulong Rodrigo Duterte na 64 na opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BoC) ang kanyang sisibakin. Sa katatapos na pagpupulong  sa Malacanang, pinatawag na ng Pangulo ang mga opisyal at kawani g BoC. Sa salita ng Pangulo, sinabi nito na hihingi siya ng tulong sa mga ipatatawag niyang opisyal at kawani ng BoC na gumawa ng implementing rules kung paano hindi makapagnanakaw sa gobyerno. Ayon pa sa Pangulo, inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa 64 na kawani at opisyal ng…

Read More

CORRUPT SA BoC UUBUSIN NI DU30

customs12

(NI BETH JULIAN) “UUBUSIN ko ang corrupt.” Ito ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa oathtaking ng bagong government appointees sa Malacanang, Lunes ng gabi kung saan inianunsyo niyang apat na opisyal ng Customs ang nakalinya niyang sisibakin dahil sa alegasyon ng kurapsyon. Ayon sa Pangulo, asahan na ngayong linggong ito ay kanya nang ipag-uutos ang pagsibak ng mga ito sa puwesto. Aminado ang Pangulo na dismayado siya sa nagpapatuloy na kurapsiyon sa gobyerno sa kabila ng banta na ihinto na ito. “Hindi pa mahinto itong corruption. Kasasabi…

Read More

PHILHEALTH OFFICIALS SIBAK ANUMANG ORAS

duterte philhealth21

HINDI pa pormal na natatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang courtesy resignation ng ilang opisyal ng Philhealth matapos mabunyag ang ghost dialysis sa pagitan ng mga tiwaling opisyal at kawani at Wellmed Dialysis center, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. Mananatili pa umano ang mga opisyal sa ahensiya hanggat wala pang go signal na ibinibigay ang Pangulo. Gayunman, isinagawa na umano ang transition planning dahil handa naman umanong umalis sa posisyon ang mga opisyal na nakaupo ngayon sa ahensiya. Noong Lunes ay inatasan na ni Duterte si Philhealth president…

Read More

VELASCO SIBAK SA MWSS

mwss12

(NI BETH JULIAN) PINALITAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinuno ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na si Reynaldo Velasco. Huwebes ng gabi nang i-anunsyo ito ng Pangulo sa isinagawang thanksgiving party ni Senator-elect Bong Go sa Davao City. Sa talumpati ng Pangulo, inihayag  nito na si Retired Army General Ricardo Morales, tubong Davao,  na ang mamumuno sa MWSS. Ang pagsibak ng Pangulo kay Velasco at pagkakatalaga naman nito kay Morales ay matapos ang naganap na krisis sa tubig sa Metro Manila at Rizal nitong nakalipas na Marso…

Read More