SONA SPEECH NI DU30 70% NANG TAPOS –PCOO

martinandanar12

(NI BETH JULIAN) NASA 60 hanggang 70 percent nang tapos ang speech ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa ikaapat niyang State of the Nation Address (SONA) sa July 22. Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, inaasahan na itong darating na weekend ay matatapos na ang gagamiting talumpati ng Pangulo kung saan nakapaloob dito ang kanyang legacy at ang kanya pang magandang plano para sa nalalabing tatlong taon pa bilang Pangulo ng bansa. “We’ve sent messages from the Presidential Management Staff (PMS), they’re asking us to vet…

Read More

KUDETA SA 18TH CONGRESS OPENING, MALABO – SOLON

congress1

(ABBY MENDOZA) MARIING itinaggi nina Albay Rep. Joey Salceda at Anakalusugan Rep. Mike Defensor na may mangyayaring kudeta o pag-aaklas sa pagbubukas ng 18th Congress sa Lunes. Paliwanag ni Salceda, malabo ang sinasabing kudeta lalo at malinaw ang naging pahayag ni Pangulo Rodrigo Duterte na magkaroon ng term sharing sa House Speakership at mauuna si Taguig Rep Alan Peter Cayetano. Giit naman ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor sinabi nito na inirerespeto ng mga kongresista ang naging pag endorse ng Pangulo kina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang House…

Read More

GOV’T EMPLOYEES ASAM DIN SA DAGDAG-SAHOD

sahod55

(NI BERNARD TAGUINOD) BUKOD sa mga public school teachers, umaasa rin ng dagdag na sahod ang mga ordinaryong government employees sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang pahayag ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite kaya nag-aabang umano ang mga ordinaryong empleyado ng gobyerno kung iaanunsyo ni Duterte na kasama ang mga ito sa tataasan ng sahod. Ayon kay Gaite, ang isang empleyado ng gobyerno na may pinakamababang posisyon ay Salary Grade 1 lamang ang katumbas ng kanilang sahod o P10,640 kada buwan. Hindi…

Read More

DIREK JOYCE, PDU30 MAGHAHARAP

bbjoyce22

(NI BETH JULIAN) MAGHAHARAP sa Sabado o Linggo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Director Joyce Bernal. Sinabi ni Presidential Commuications Office Secretary Martin Andanar na nais malaman ni Bernal kung ano ang ilalaman ng talumpati ng Pangulo para mailapat ang tamang diskarte at produksyong teknikal. Nilinaw naman ni Andanar na ang Pangulo lang ang makahahawak ng pinal na kopya ng kanyang speech. Ayon kay Andanar mismong si Pangulong Duterte ang sumusuri at nage-edit ng kanyang speech. Sa ngayon ay tumanggi pa si Andanar na ilabas ang mga isyu na posibleng…

Read More

CAYETANO NANAWAGAN NG PAGKAKAISA

cayetano12

(NI ABBY MENDOZA) HINIMOK ni incoming House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga PDP-Laban members, partikular sa Kamara, na sumama sa binuong bagong supermajority partikular ang Diehard Duterte Supermajority(DDSM). Ayon kay Cayetano layunin ng DDSM na mareporma ang supermajority at  maibalik ang kredibilidad at maiwasan ang pagkakahati-hati ng partido sa Mababang Kapulungan. Sinabi rin ni Cayetano na maglalatag din ng ground rules ang Kamara upang maiwasan na mabahiran ng dumi at maging patas sa lahat ng magiging hakbang. Tiniyak din nito na pagkakaisahin niya ang mga kongresista sa ilalim ng…

Read More

KO KAY THURMAN? PACQUIAO HAHABOL SA SONA

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon Sports Editor) INAASAHANG maagang tatapusin ni eight division world champion Manny Pacquiao ang kanyang laban kay Keith Thurman sa July 20 (July 21 sa Manila) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Bakit? Dahil kinakailangan niyang makabalik ng Pilipinas sa Hulyo 22 (Manila time) upang makadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang SONA ay nakatakda sa alas-4:00 ng hapon sa Lunes (July 22) at para makadalo, nagrenta si Pacquiao ng private jet, na katulad ng ginagamit ni Floyd…

Read More

P4.7-M GAGASTUSIN SA SONA 

congress

(NI BERNARD TAGUINOD) GAGASTOS ang taumbayan ng P4.7 million para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22. Ito ang kinumirpa ni House Secretary General Roberto Maling sa press briefing nitong Huwebes  ukol sa ginagawang preparasyon sa ikaapat na SONA ni Duterte. “Yung latest figure naming is P4.7 something million,” ani Maling nang tanungin kung magkano ang gagastusin sa SONA subalit mas maliit umano ito P4.9 million na ginastos noong 2018. Gagamitin umano ang nasabing halaga sa supplies and materials at mga iba pang aktibidad…

Read More

SIMPLENG ATTIRE SA SONA IPINAKIUSAP

congress12

(NI BERNARD TAGUINOD) TULAD ng mga nakaraang State of the Nation Address (SONA) umaasa ang liderato ng Kongreso na sumunod ang mga bisita, kasama na ang mambabatas, sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte maging simple lang sa kanilang pananamit. Sa press briefing nitong Huwebes ng hapon, sinabi ni House Secretary General Roberto Maling, na naipadala na ang mga imbitasyon para sa mga bisita na dadalo sa ikaapat na SONA ni Duterte sa Hulyo 22. Kasama sa mga nilalaman umano ng imbitasyon ay abiso sa mga bisita na magsuot lang ng…

Read More

PIRMA NI DU30 TATAPOS SA ENDO

endo44

(NI NOEL ABUEL) LAGDA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para tuluyang matapos ang illegal labor contractualization o ang Endo. Umapela si Senador Joel Villanueva sa Pangulo kasunod ng marami nang sektor ang nagpahayag ng suporta sa Security of Tenure bill na nasa Malacanang na para tuluyang malagdaan. “The latest vote of confidence on the Security of Tenure bill boosts our hope that ending the evils of endo is within our reach. Malapit na po natin maabot ang pangarap na wakasan na ang endo sa lipunan,” ani Villanueva. “With a…

Read More