(NI LILY REYES) MAKIKIPAG-DAYALOGO sa Hulyo 22 ang kapulisan sa Metro Manila sa mga grupong magsasagawa ng protesta sa Ika- 4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay NCRPO Director Major Gen. Guillermo Eleazar, ang nasabing dayalogo ay bahagi ng paghahanda sa seguridad ng mga anti at pro-Duterte para maisaayos ang mga lugar kung saan isasagawa ang programa. Layunin ng mga tauhan ng NCRPO na marinig ang magkabilang grupo para mapaghandaan ang mga protesta at mabigyan din sila ng seguridad. Ayon pa rin kay…
Read MoreTag: sona
‘HOPEFUL’ SONA NI DU30 IDIDIREHE NI JOYCE BERNAL
(NI BERNARD TAGUINOD) MAY temang ‘hopeful’ at masaya ang nais ng batikang movie director na si Joyce Bernal na kalalabasan ng ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22. Kahapon, Lunes, ay ininspeksyon na si Bernal ang loob ng session hall sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan idaros ang SONA ni Duterte para pag-aralan kung paano ididirehe ang pag-uulat sa bayan ng Pangulo. “I want it hopeful and good. ‘Yong parang masaya na, kasi last year, anong nangyari? So sana parang i-set…
Read MoreHIGIT 14,000 PULIS IKAKALAT SA SONA
(NI ROSE PULGAR) AABOT sa 14,000 mga pulis ang ikakalat ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila partikular sa Batasan Complex upang magbigay ng seguridad sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ngayong Lunes ni NCRPO Director, P/Major Gen. Guillermo Eleazar na 12,000 sa bilang ang magmumula sa NCRPO at mga police districts habang nasa 2,000 pa ang magmumula sa ibang Regional Office at ibang units. Daragdag pa rito ang nasa 1,000 force multipliers kaya abot…
Read MoreSONA NI PDIGONG BINABALANGKAS NA
(NI BETH JULIAN) SINISIMULAN nang balangkasin ang magiging State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles na nagsusumite na sila ng kani-kanilang output sa Office of the President. Sinabi ni Nograles na ito ang gagawing basehan ng OP para hindi na maulit ng Pangulo sa kanyang ulat sa bayan ang mga inilalahad na ng Cabinet Secretary sa isinasagawa na ngayong pre-SONA activities. Ayon kay Nograles, inaasahang tututok ang SONA ni Pangulong Duterte sa mga polisiya ng pamahalaan at mga programang kailangang ipagpatuloy…
Read MoreDIREK JOYCE BABAYARAN SA SERBISYO SA SONA
(NI BETH JULIAN) HANDA ang Presidential Communications Operations Office na bayaran ang serbisyo ni Director Joyce Bernal sa gagawin nitong pagdidirek sa ikaapat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo. Sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar na naniniwala siyang dapat lamang na mabigyan ng professional fee si Bernal dahil sa kalibre nito. Gayunpaman, sinabi ni Andanar na ipinauubaya na niya sa Radio Television Malacanang ang pakikipag-usap kay Bernal hinggil dito. Sinabi ni Andanar na hawak naman ng RTVM ang pangangasiwa sa technical na aspeto at production ng SONA ng…
Read MoreRIGODON IPATUTUPAD BAGO ANG SONA
(NI BETH JULIAN) ASAHAN na ang pagkakaroon ng rigodon sa Gabinete ng pamahalaan bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo. Sa ngayon ay sumasailalim na sa matinding assessment ang performance ng mga Gabinete, bilang bahagi ng ginagawang konsultasyon ng Pangulo sa kanyang finance advisers lalo’t itinuturing ng administrasyon na mahalaga ang nalalabing tatlong taon nito sa panunungkulan. Batay sa source sa Palasyo, isa sa ikinokonsidera ng Pangulo na mailipat ng ibang puwesto si Agriculture Secretary Manny Pinol na posibleng maitalaga sa Mindanao Development…
Read MoreKILOS-PROTESTA NG MILITANTE SA SONA ‘DI HAHARANGIN
(NI AMIHAN SABILLO) TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na hindi haharangin ang mga magsasagawa ng kilos-protesta sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 22, mapa-pro o anti-Duterte man ito. Ayon kay Police Col Bernanrd Banac ang tagapagsalita ng PNP, kinkilala umano ng PNP ang bawat kalayaang na magpahayag ng bawat isa. “Makikipag-ugnayan po tayo sa mga lider ng iba’t ibang sektor. (jumpcut) subalit ang pakiusap po natin sa mga lalahok sa mga kilos-protesta ay igalang din po nila ang karapatan ng majority, na pagkakaroon ng…
Read MoreSONA GUGULUHIN; 2 ‘TERORISTA’ LAGLAG SA QC
(NI AMIHAN SABILLO) HULI ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang miyembro ng Daulah Islamiya na sinasabing tangkang manggulo sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ngayong Hulyo. Mismong si PNP Chief Police General Oscar Albayalde, ang nagbigay ng pagkakilanlan ng mga suspek na dinakip na sina Arnel Cabintoy, alyas Abu Musa’ab at Feliciano Sulayao, alyas Abu Muslim, na parehong balik-Islam na sinasabing mga miyembro ng Daulah Islamiyah Philippines sa ilalim ni Hatib Hajan Sawadjaan na syang tumatayong leader na ng grupo sa ngayon matapos mapaslang ng mga…
Read MoreDU30 IAANUNSYO NA ANG MANOK SA SPEAKERSHIP
(NI BERNARD TAGUINOD) IAANUNSIYO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang manok sa limang kongresista na naglalaban-laban sa Speakership na iboboto sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22. Ito ang napag-alaman sa isang mapagkatiwalaang impormante sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng mga ulat na ayaw makialam si Duterte sa Speakership race dahil pawang malalapit sa kanya ang mga naglalaban-laban. “In a few weeks, magsasalita na si PRRD (Duterte) tungkol diyan (sa kanyang manok sa Speakership race),” ayon sa impormante na hindi na nagbanggit ng kapalit ng impormasyong ito.…
Read More