PORMAL nang naabisuhan ng Pilipinas ang Estados Unidos kaugnay sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-terminate ang Visiting Forces Agreement (VFA) na nilagdaan noong 1998. Kinumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Lunes, Pebrero 10, na sabihin kay Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin na ipadala na ang notice of termination ng VFA sa gobyerno ng Estados Unidos. Iniulat kahapon ni Sec. Locsin na “Deputy Chief of Mission of the Embassy of the United States has received the…
Read MoreTag: US
US EMBASSY SINABUYAN NG PINTURA
ARESTADO ang ilang kababaihan na kabilang sa grupo ng mga kabataang aktibista, makaraang sabuyan ng pintura sa harap ng US Embassy sa Maynila, nitong madaling araw ng Huwebes. Ayon sa ulat ng pulisya, humalo sa joggers sa Baywalk ang mga raliyista na mga miyembro ng ng Anakbayan at League of Filipino Students, at nang makalapit sa embahada ay sinabuyan ito ng pintura. Isang pulis ang tinamaan ng inihagis na mga plastik na may lamang pintura. Tinangka rin nilang sulatan ang pader ngunit itinaboy sila ng mga pulis gamit ang mga…
Read MoreUS-RP RELATIONS, MATATAG — SOLON
(NI DANG SAMSON-GARCIA) TIWALA si Senador Koko Pimentel na hindi makaaapekto sa relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos ang umiinit na usapin sa sinasabing pag-ban sa Amerika ng mga opisyal ng gobyerno na tumulong sa pagpapakulong kay Senador Leila de Lima na ginantihan ng pagbabanta ng Malakanyang na oobligahin ang mga Amerikano na kumuha ng visa bago pumasok sa ating bansa. “Ang relationship ng Pilipinas sa Amerika, napakalakas nyan. Ito ay napakaliit lang na issue. It will not affect the relationship with us. Maliit na bagay lang ito,” saad ni…
Read More2 US SENATORS, I-BAN DIN SA PINAS — GO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) IPINABA-BAN din sa Pilipinas ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang dalawang senador ng Estados Unidos na nagsulong ng resolusyon na ipagbawal ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa sinasabing ‘politically-motivated imprisonment’ ni Senador Leila de Lima. “Yang dalawang senador na ‘yan nakakaloko kayo. Wag kayo makialam dito. Mind you own business. Respetuhin n’yo ang aming judicial system,” saad ni Go. Nanindigan ang senador na nasunod ang proseso ng batas sa kasong droga ni de Lima. “Ako may tiwala ako sa ating judiciary. Yung kaso po…
Read MoreP520-M DONASYON NG US SA PNP TRAINING FACILITY PINAGTIBAY
(NI AMIHAN SABILLO) NANANATILING maayos at matatag ang pagkakaibigan ng bansa sa Amerika sa kabila ng pagdistansya ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kasunduan na magbibigay ng tulong ang Amerika sa bansa, partikular sa Philippie National Police (PNP) kontra terorismo. Nilagdaan na rin ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde at Deputy Chief of Mission John Law ng US Embassy Manila ang Memorandum of Understanding para sa isang state of the art counter terrorism facility na itatayo sa lalawigan ng Cavite sa tulong ng Estados Unidos Umaabot sa P520 milyon…
Read MoreDU30 BUSAL SA BIBIG NG US, CHINA — CPP
(NI MAC CABREROS) DISMAYADO ang makakaliwang grupo sa tila walang malinaw at konkretong panindigan ang administrasyong Duterte sa June 9 Recto Bank incident. “(President) Duterte has displayed utter spinelessness before China,” diin sa statement ng Information Bureau ng Communist Party of the Phippines. Ayon dito, tila hindi magawa ng Punong Ehekutibo na ipaglaban ang soberenya ng bansa sa West Philippine Sea dahil takot ito na mawala ang mga milyong dolyar na kaloob ng China. Dagdag dito na bukod sa walang karapatang mangisda ang mga Tsino sa lugar na teritoryo ng…
Read MoreUS NAGPAALALA SA CLAIMANTS: ‘WAG GUMAMIT NG DAHAS
(NI JESSE KABEL) NAG-ABISO ang Estados Unidos sa mga bansa na pare-parehong may claimed o inaangking teritoryo na huwag gumamit ng dahas at pananakot sa paggiit sa mga teritoryo. Ito ay bunsod ng huling kaganapan kung saan sinalpok ng barko ng Tsina na Yuemaobinyu 42212 ang Filipino fishing vessel na F/B Gem-Ver1 noong June 9 kung saan 22 Pilipinong mangingisda ang naiwang palutang-lutang sa karagatan. Nabatid na malaking pagpapasalamat ng embahada ng Estados Unidos, na walang nasaktan sa 22 Pilipinong mangingisda sakay ng fishing vessel at naisalba sila nang maayos…
Read MoreUS TINABLA; CHINA 4-BESES NANG BIBISITAHIN NI DU30
(NI BETH JULIAN) PINAWI ng Malacanang ang mga agam-agam sa relasyon ng Pilipinas at ng Amerika. Sa harap ito ng napipintong pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa Abril habang patuloy namang nakabitin ang tugon nito sa imbitasyon sa kanya ng gobyerno ng Estados Unidos. Pagtiyak ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, nananatiling mainit at maganda ang samahan ng Pilipinas at Amerika. Ayon kay Panelo, ang tanging dahilan lang naman kung bakit patuloy na tumatanggi si Duterte na magtungo sa Amerika ay ang malamig na temperatura o klima doon.…
Read More‘DI KAYA ANG LAMIG; DU30 AYAW BUMIYAHE SA US
(NI BETH JULIAN) SA kabila ng dalawang araw na pagbisita ni US Secretary of State Michael Pompeo sa bansa, wala pa rin nakikitang indikasyon kung pauunlakan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matagal nang imbitasyon na bumisita ito sa Amerika. Sa kasalukuyan, sinabi ni Presidential spokesperon Atty. Salvador Panelo na ayaw pa ring makompromiso ng Pangulo sa matagal nang imbitasyon na bumisita ito sa Amerika. Ayon kay Panelo, nananatiling tahimik ang Pangulo at wala pang nakikitang sensyales kung ano ang posisyon sa makailang ulit nang pangungulit ni US President Donald Trump…
Read More