PINABULAANAN ng Malakanyang na magkakaroon ng ‘shifting alliance’ ang bansa kasunod ng pagbasura ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement sa Amerika. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, hindi totoo ang pinalalabas ng iilan na lilipat na nang alyansa ang bansa partikular na sa China. Paliwanag ng kalihim hindi umano ‘shifting alliance’ ang nangyayari bagkus ay tinatanggal ang mga alliance natin sa bagong polisiya ni Pangulong Duterte. Ipinatutupad lamang umano ng Duterte Administration ang ‘Friends to all, enemies to none’ na foreign policy ngayon ng Pilipinas. Ito umano ay ibinase lamang…
Read MoreTag: VFA
PANELO: KAKAYANIN NG PINAS KAHIT WALANG VFA
PUMIYOK si Presidential spokesperson Salvador Panelo na mayroong kawalan sa Pilipinas sa sandaling maibasura na ang Visiting Forces Agreement sa Estados Unidos. Ani Sec. Panelo, hindi masasabing walang mawawala sa Pilipinas kapag napawalang bisa na ang 21 taong kasunduan na nagsimula noong 1999. Gayunpaman, binigyang diin ni Sec. Panelo na gaya lang sa mag-asawa na nagkahiwalay, makakaraos din sa huli ang isa’t isa at marahil aniya ay mas gumanda pa ang buhay. Tiniyak naman ni Sec. Panelo na hindi na magbabago pa ang pasya ng Pangulong Duterte sa loob ng…
Read MoreVFA SA CHINA, NO WAY
HINDI eksperto ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent sa usapin ng national security pero bilang Filipino mayroon akong sariling opinyon at mga katanungan na alam kong hindi lahat ay sumasang-ayon hinggil sa plano ng gobyerno na buwagin ang Philippine – US Visiting Forces Agreement (VFA). Kapag tuluyan bang nawala ang presensya ng mga Amerikano sa Pilipinas, ang papalit ba ay ang People’s Liberation Army (PLA) ng China na matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte? Hindi iyan malayong mangyari dahil sa ‘magandang relasyon’ ni Duterte sa China sapagkat…
Read MoreNGAYONG WALA NANG VFA EDCA IBABASURA RIN NI DIGONG
MALAKI ang posibilidad na bawiin din ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Estados Unidos. “The way his body language says, mukhang ayaw niya na rin niyan. Kasi considering na sinasabi niya na it’s about time to stand on our own, strengthen our resources, our capabilities of defending our country,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo. Ang pahayag na ito ni Sec. Panelo ay matapos na pormal na ipaalam ng Pilipinas sa gobyerno ng Estados Unidos ang intensyon ni Pangulong Duterte na tapusin na ang Visiting Forces Agreement (VFA), na nagsisilbing…
Read MoreSOLONS KINATIGAN ANG AKSYON NI DIGONG; PINOY WALANG PAKINABANG SA VFA
SA bihirang pagkakataon, pinuri ng militanteng mambabatas ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) dahil wala umanong naging pakinabang dito ang sambayanang Filipino. Sa panayam ng Saksi Ngayon kay ACT party-list Rep. France Castro, kinatigan nito ang desisyon ni Duterte na ibasura ang VFA dahil tanging interes ng Amerika ang pinoproteksyunan nito at hindi ang mga Filipino gayung dito nagtatayo ng pasilidad at nagsasanay ang puwersa ng Amerika. “Wala naman talaga tayong pakinabang sa VFA na iyan kaya tama si Presidente Duterte,…
Read MoreTERMINATION NG VFA IPINARATING NA SA US
PORMAL nang naabisuhan ng Pilipinas ang Estados Unidos kaugnay sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-terminate ang Visiting Forces Agreement (VFA) na nilagdaan noong 1998. Kinumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Lunes, Pebrero 10, na sabihin kay Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin na ipadala na ang notice of termination ng VFA sa gobyerno ng Estados Unidos. Iniulat kahapon ni Sec. Locsin na “Deputy Chief of Mission of the Embassy of the United States has received the…
Read MorePAGBASURA SA VFA UMARANGKADA NA
HINDI na hihintayin pa ng gobyerno ng Pilipinas ang magiging tugon ng Estados Unidos sa banta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kakanselahin nito ang Visiting Forces Agreement (VFA) kung hindi itatama ang visa ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa. Nitong Miyerkoles, Enero 22 ay kinumpirma ni Dela Rosa na kinansela ang kanyang US visa. Ayon sa Pangulo, bibigyan lamang niya ang Amerika ng isang buwang palugit para itama ang hakbang ng pamahalaan nito na kanselahin ang US visa ng senador. Subalit, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ipinag-utos…
Read More