(NI BERNARD TAGUINOD) KINUWESTIYON Kinuwestiyon ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang tila pananahimik ng Palasyo ng Malacanang sa warning shot ng China sa eroplano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa West Philippine Sea. Hindi nagustuhan ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang hindi pagsasalita ng Malacanang sa nasabing isyu gayong mainit na mainit ang mga ito sa mga progresibong grupo. “Sinakop na nga ang teritoryo natin at nagpaputok pa laban sa AFP tapos ay hindi man lang kumikibo ang administrasyong Duterte,” pahayag ni Zarate.…
Read MoreTag: west philippine sea
DRUG LORDS SA BUCOR ITAPON SA WPS — SOLON
(NI ABBY MENDOZA) BILANG radikal na solusyon sa mga nakakulong na bigtime drug lords na tuloy pa rin sa pagbebenta ng illegal drugs, iminungkahi ng isang lady solon na itapon ang mga ito sa West Philippine Sea. Sinabi ni ACT CIS Rep. Niña Taduran na kailangan sa isang isla na walang signal ng cellphone, walang bantay na maaring suhulan at walang paraan upang makatakas ikulong ang mga druglords. Hindi na kailangan ng dagdagan ang bantay dahil nasa WPS ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines. “The move would…
Read MoreJULY 12 GUSTONG GAWING HOLIDAY
(NI BERNARD TAGUINOD) MAGIGING special working holiday ang Hulyo 12 kada taon kapag nakalusot ang panukalang inihain ni Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan III dahil ito ang petsa na tinalo ng Pilipinas sa International Court ang China sa usapin sa West Philippine Sea. Sa ilalim ng House Bill 1947 nais ni Cabochan na ideklarang West Philippine Sea Victory Day ang Hulyo 12, na nakapasa sa committee level noong 17th Congress subalit hindi naisalang sa plenaryo. Magugunita na noong Hulyo 12, 2016 ay nanalo ang Pilipinas sa kasong isinampa nito sa Permanent…
Read MoreJOINT MILITARY PATROL SA WEST PHL SEA IPAUUBAYA SA DND
(NI BETH JULIAN) IPINAUUBAYA na ng Malacanang sa Department of National Defense (DND) ang rekomendasyon na magkaroon ng joint military patrol sa West Philippine Sea. Ito ang tugon ng Palasyo kasunod ng mungkahi ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na magsama-sama ang mga awtoridad ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia at iba pang claimants para hindi na maulit ang vessel collision sa Recto Bank sa WPS. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, mas alam ng Defense Department kung ano ang mabuting hakbang para rito. Nanindigan din si Panelo na hindi isusuko…
Read MoreSIGNAL JAMMING SA WEST PHL SEA KINUMPIRMA NG PCG
(NI JESSE KABEL) KINUMPIRMA ng ilang tauhan ng Philippine Coast Guard na nakararanas sila ng signal jamming habang sila ay nagpapatrulya sa karagatang sakop ng West Philippine Sea. Ayon sa mga miyembro ng PCG na nakatalaga sa BRP Sindangan, hirap ang kanilang mga communication equipment na makipagtalastasan. Pahayag pa nila na nahihirapan silang makipag-usap gamit ang kanilang satellite phone habang sila ay nasa bahagi ng Spratly Islands. Subalit hindi naman nila direktang matukoy kung saan nagmumula ang jamming device na nag-interfere sa kanilang communications. Nabatid na ang Parola-class vessel ng…
Read MoreMAS MARAMING WARSHIPS KAILAN NG ‘PINAS SA WPS
(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG mamuhunan na ang Pilipinas ng mga warships kung nais natin na maprotektahan laban sa mga banta ang teritoryo at soberenya sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang tinuran ng miyembro ng House committee on national defense and security Rep. Johnny Pimentel sa gitna ng umiinit na usapin sa WPS na inaangkin at nakokontrol ng China. “The Philippine Navy has to establish a credible presence there – in terms of combat ships – if we are to discourage foreign seaborne threats, including poachers,” ani Pimentel. Ayon sa mambabatas,…
Read MoreISDA PALIT ALAK, YOSI, NOODLES SA WEST PHIL SEA
(NI MAC CABREROS) IBINALIK ng mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea ang tradisyunal na kalakalan – ang barter trade o pagpapalitan ng produkto bilang bentahan na walang sangkot na pera. Sa impormasyong nakalap ng Saksi Ngayon, ipinapalit ng mga mangingisda ang kanilang huling isda sa produkto ng mga Chinese gaya ng alak, sigarilyo at noodles at kung minsan ay isda. “Mas mabuti na ito kesa kinukuha na lamang na walang bayad ng mga Tsino ang aming huli,” pahayag ng isang mangingisda. Kuwento nito na inaakyat ng mga Tsino ang…
Read MorePHL, CHINA ‘NAGKASUNDO’ SA TERITORYO
(Ni FRANCIS SORIANO) BINASAG na ang katahimikan ng Pilipinas at China matapos ang dalawang araw na Bilateral Consultation Mechanism (BCM) na plantsahin sa diplomatikong paraan ang issue ng territorial dispute sa West Philippine Sea (WPP). Ayon kay Foreign Affairs (DFA) Seceretary Teodoro Locsin Jr., maayos na nagpalitan ng opinyon at diskusyon ang kapwa delegado ng mga estado para maiwasan ang banta ng paggamit ng pwersa laban sa isa’t-isa sa naganap na pagpupulong. Dito ay inilatag at pinag usapan ng bawat panig ang kani-kanilang concern matapos lumutang na problema sa West…
Read MorePINOY ‘HINULI’ NG CHINA; PANELO PUPUNTA SA WEST PHIL SEA
(NI BETH JULIAN) DESIDIDO si Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na makita at malaman nang personal kung may katotohanan o wala ang mga ulat na umano’y paghuli ng mga Chinese sa mga Filipino na mangingisda sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea. Ayon kay Panelo, handa niyang kausapin si Defense Secretary Delfin Lorenzana para makapagtakda ng araw sa gagawin niyang pagtungo sa WPS. Dito ay nais ni Panelo na isama ang media na magdodokumento sa mga mangyayari o anumang magaganap na aktibidad sa gitna ng karagatan para masaksihan din ng…
Read More