ASSESSMENT SA IMPRASTRUKTURA, IGINIIT 

lindol22

(NI DANG SAMSON-GARCIA) INIREKOMENDA ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na magsagawa ang gobyerno ng assessment sa lahat ng imprastraktura upang matukoy kung ligtas ang mga gusali sa pagyanig. Kasunod ito ng dalawang lindol na tumama sa Mindanao sa nakalipas na tatlong linggo. Sa rekomendasyon ng senador, iginiit nito na dapat atasan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) katuwang ang Phivolcs, DILG at mga lokal na pamahalaan na pangunahan ang assessment. Dapat din anyang alamin kung kinakailangang patatagin ang mga gusali bilang paghahanda sa lindol. “National government…

Read More

ZUBIRI: GMRC IBALIK SA K-12 

zubiri55

(NI NOEL ABUEL) DAHIL sa masamang idinudulot ng social media sa katauhan ng mga kabataan nais ni Senador Miguel Zubiri na maibalik sa K12 curriculum ang Good Manners and Right Conduct (GMRC). Magsasagawa ng pagdinig bukas, Oktubre 29, ang Senate Basic Education, Arts and Culture joint with Youth, at Senate Ways and Means para talakayin ang Senate Bill 310 o ang GMRC Act para alamin kung may posibilidad na maisama muli sa subject na ituturo sa mga paaralan. Ayon kay Zubiri, pangunahing may-akda ng nasabing panukala, kapansin-pansin na nag-iiba na…

Read More

ZUBIRI NAG-ALA-DU30 VS CARTEL NG COPRA

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINDI na napigilan ni Senate Majority Leader Migz Zubiri ang kanyang matinding pagkadismaya sa problema ng coco farmers o mga magniniyog sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng kanilang produkto. Sa budget hearing ng Department of Energy sa Senado, iniungkat ni Zubiri ang hindi pa rin naipatutupad na Biofuels Act of 2006 para sa promosyon ng paggamit ng biofuel sa mga sasakyan. Sinabi ni Zubiri na layon ng naturang batas na tulungan ang coco farmers na magkaroon ng panibagong market sa kanilang mga produkto subalit hanggang ngayon…

Read More

KADETENG SANGKOT SA HAZING MANANAGOT

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINIMOK ni Senate Majority Leader Migz Zubiri ang Philippine Military Academy (PMA) na buksan ang kanilang hanay sa imbestigasyon sa panibagong kaso ng hazing laban sa isang kadete. Sinabi ni Zubiri na dapat managot ang mga responsable sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio. Nagbabala pa ang senador sa PMA na posible ring mapatawan ng parusa sa ilalim ng bagong batas laban sa hazing kung hindi aaksyunan ang insidente. “Those Cadets must now pay with the full force of the Law against them. The Academy must open themselves to…

Read More

NAGHIHINGALONG MSMEs SASAGIPIN

(NI NOEL ABUEL) SASAGIPIN ng Senado ang naghihingalong operasyon ng mga medium, small and micro-enterprises (MSMEs) mula sa pagkalugi ng mga ito. Sinabi ni Senate Majority Leader Migz Zubiri, sa kabila ng kontribusyon ng mga MSMEs ay nahaharap pa rin ang mga ito sa iba’t ibang hamon kung kaya’t kailangang sagipin sa lalong madaling panahon. “According to data from the Department of Trade and Industry-Bureau of Small and Medium Enterprise Development, there are 946,721 establishments in the Philippines based on the Philippine Statistics Authority’s Annual List of Establishments, of which 99.56…

Read More

PAG-AMYENDA SA GCTA LAW IGINIIT

bucor55

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAGBABALA si Senate Majority Leader Migz Zubiri na wala nang tetestigo laban sa mga sangkot sa heinous crimes tulad ng pagpatay, drug trafficking, kidnap for ransom at iba pang karumal-dumal na krimen kung hindi mababago ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law. Ipinaliwanag ni Zubiri na kung hahayaang maagang makalaya ang isang preso na convicted sa heinous crime dahil sa pagbabait-baitan sa kulungan ay magkakaroon na ito ng pagkakataon na makaganti sa mga tumestigo laban sa kanya. At kung mangyayari ito, tiyak na matatakot na ang iba na…

Read More

IMMIGRATION ACT LULUSAWIN NG SENADO

(NI NOEL ABUEL) ISINUSULONG ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang paglusaw sa inaamag nang Immigration Act upang makasabay ang Pilipinas sa ibang bansa. Ayon kay Zubiri, panahon nang palitan ang nasabing batas at palitan ng ibang komisyon para lalong makasabay ang bansa sa ipinatutupad na mahigit na pagbabantay sa teritoryo at national interest. “In an increasingly globalized age, where borders are made porous by technological advancements and where economies live and die by the politics of international relations, it is imperative that the State strengthen its immigration policies…

Read More

HEIGHT REQUIREMENT SA PNP, BJMP, BFP, PINABABAWI

zubiri55

(NI NOEL ABUEL) MULING binuhay sa Senado ang pagbawi sa height requirements sa mga aplikanteng nais pumasok sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Sa inihaing Senate Bill 312 ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, sinabi nitong ang heightism ay matagal nang pinaiiral sa mga law enforcement agencies sa bansa ngunit kapos sa kuwalipikasyon. Ayon kay Zubiri noong 2018, inalis ng National Police Commission (Napolcom) ang height requirement para sa mga nais kumuha ng PNP entrance exam. “The requirement was…

Read More

4 SAKONG BIGAS SA SENIOR CITIZENS ISUSULONG

senior55

(NI BERNARD TAGUINOD) Bibigyan ng tig-apat na sakong bigas kada taon ang mga senior citizens bilang food subsidies o food assistant dahil nasa hanay umano ng mga ito ang pinakamahirap o poorest of the poor na mamamayan. Sa House Bill (HB) 132 na iniakda ni Bukidnon Rep. Manuel Antonio Zubiri, aamyendahan ang Republic Act (RA) 7432 o The Expanded Senior Citizen Act of 2010 upang maisingit ang dagdag na benepisyong ito. Ayon sa mambabatas, hindi matatawaran ang naging papel ng mga senior citizens sa paghubog sa mga kabataan noon kalakasan…

Read More