‘TAMBANGAG’ NASA LIKOD NG MGA GRUPONG KONTRA KAY FPRRD – REP. PULONG

INAKUSAHAN ni Davao City Rep. Paolo Duterte na pinopondohan ng “Tambangag” ang mga grupong kontra sa pansamantalang paglaya ng ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ni Pulong ang pahayag matapos umanong makarating sa kanila na may grupo na nagbabala sa mga bansa na tatanggap sa dating pangulo kapag inaprubahan ng International Criminal Court (ICC) ang kanilang apelang “interim realease”.

“May I remind 1Sambayan that numerous countries have in fact lauded FPRRD in his crusade to combat crime in our country and I would not be surprised if many will express interest in receiving FPRRD in their respective country,” ayon sa mambabatas.

Tila kinuwestyon din nito na hindi nagsalita ang grupo noong kinidnap ng gobyerno ng Pilipinas ang kanyang ama at maging sa mga drug lord at New People’s Army (NPA) na naghasik aniya ng terorismo sa bansa.

Iginiit nito na hindi bulag ang international community sa mga nangyayari sa Pilipinas at alam ng mga ito na walang crime against humanity sa lehitimong aksyon ng dating pangulo para isalba ang bansa sa ilegal na droga at kriminalidad.

“Like any other member of the makabayan bloc, 1Sambayan is a group similarly funded by TAMBANGAG using taxpayers money to fuel his twisted dream that he can still be president in 2028,” alegasyon ng mambabatas.

Hindi ito nagbanggit ng pangalan kung sino ang nasa likod ng “Tambangag” subalit matatandaan na unang tinawag ni Vice President Sara Duterte si House Speaker Martin Romualdez bilang “Tambaloslos” habang “bangag” naman ang bansag ng dating pangulo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Rep. Duterte, mahina at matanda na ang kanyang ama at wala na itong pangarap kundi bumalik sa Pilipinas at hindi na umano ito banta sa Presidency dahil hindi na ito maaaring tumakbo muling pangulo base sa kasalukuyang batas.

(BERNARD TAGUINOD)

3

Related posts

Leave a Comment