Tangkang pagpupuslit bigo HEAVY EQUIPMENT, PARTS INIMBARGO

HINDI bababa sa halagang P2.267 milyong misdeclared shipment na naglalaman ng mga brand new heavy equipment at spare parts mula sa bansang Tsina ang nasabat ng Bureau of Customs – Port of Cebu (BOC-POC) nito lamang nakaraang linggo.

Hindi na nakuha pang makalayo ng nasabing kargamentong idineklarang segunda manong heavy equipment nang dumaan ito sa isang masu­sing inspeksyon gamit ang x-ray scanner ng kawanihan.

Ayon kay acting District Collector Charlito Martin Mendoza, dumating sa bansa ang nasabing kargamentong mula pa sa bansang Tsina noong ika-17 ng Agosto. Aniya, agad naman nila itong pinroseso suba­lit nang idaan sa kanilang x-ray scanner, naghinala umano ang kanilang X-Ray Inspection Project Team na nagpasyang buksan ito para sa isang physical inspection kung saan tumambad ang isang bagong heavy equipment – malayo sa idineklara sa mga dokumento ng kargamento.

Ayon sa nakatalagang Customs Examiner at mga kinatawan mula sa XIP, Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Coast Guard (PCG), isang brand new Motor Grader at mga piyesa ang laman ng kargamento.

Bunsod nito, agad na naglabas ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) si acting District Collector Mendoza dahil sa aniya’y paglabag sa Customs Moder­nization and Tariff Act.

“Time and again, we remind the importers to pro­perly declare their goods. The Port employs se­veral layers of examination, from profiling, document-checking, x-ray scanning, to physical examination to ensure that the correct amount of duties and taxes are collected. We will not hesitate in issuing a Warrant of Seizure and Detention for importations whose declarations vary from their actual contents,” babala ni District Collector Mendoza.  (JO CALIM)

247

Related posts

Leave a Comment