TENANTS SA NCR NAGPASAKLOLO NA KAY PANGULONG DUTERTE

PUNA Ni JOEL AMONGO

 

DINAGSA ng sumbong ang PUNA sa pamamagitan ng ating email mula sa mga nangungupahan sa National Capital Region (NCR).

Iisa ang kanilang sumbong pinaaalis sila ng may-ari ng kanilang mga tinitirahan dahil hindi na sila makabayad ng kanilang mga buwanang renta dahil sa kawalan nila ng kita (income).

Simula kasi buwan ng Marso hanggang ngayong Agosto 2020 ay hindi na normal ang pamumuhay ng mga Pinoy dahil sa dulot na pandemic ng Covid-19.

March 16, 2020 nagbaba ng memorandum ang Executive Secretary na nagdedeklara na isailalim sa sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Luzon.

Layunin ng ECQ na hindi kumalat ang Covid-19 sa bansa at pinalawig ito hanggang Abril 2020.
Gumawa ng batas ang mataas at mababang kapu lungan ng kongreso na ” Bayanihan To Heal As One Act 11469″ para maglaan ng pondo para mabigyan ng ayuda ang mga Pinoy.

Para maiwasan na rin ang pananamantala ng mga negosyante at maprotektahan ang mga ordinaryong mamamayan laban sa kanila.

Kasama sa nakapaloob sa batas na ito ay ang pama mahagi ng Social Amelioration Program (SAP) Fund para makatulong sa mga ordinaryong mamamayan na naapektuhan ng pandemic.

Maging ang mga interest sa mga pautang, renta at mga hulugan ay ipinagbawal sa Bayanihan Act na ito, pero sa loob lamang ng isang buwan ang sakop nito.
Kaakibat din ng Bayanihan Act ang ayuda mula sa SAP na dalawang beses na umabot ng kabuuang P16,000; SSS na P16,000 din at mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) na one time P5,000.

Pero kailangan isa lang sa mga ito ang maaaring matanggap ng sambayanan, kung may SAP, hindi na makatatanggap ng SSS at DOLE na ayuda.

Ngayon hindi pa rin makapagtrabaho ang mga ordin aryong mamamayan kaya apektado ang kanilang araw-araw na pamumuhay.

Balik po tayo sa mga nag-email sa kanilang hinaing sa PUNA, nanawagan sila kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan sila dahil wala na silang pambayad sa kanilang buwanang renta.

Hindi raw sila makapagtrabaho sa ngayon at ang mga kumpanyang kanilang pinapasukan ay nagsipagsara na rin dahil nalugi.

Hirap na nga raw sila sa kanilang pang-araw-araw na pagkain ay pinalalayas pa sila sa kanilang mga inuupahan.

Hindi rin sila makauwi sa kani-kanilang mga probinsiya, bukod na sa bawal magbiyahe ngayon ay wala rin silang pera na panggastos pauwi.

Nitong Agosto 13, 2020 sa public address ni Pangulong Duterte sa national television ay umapela siya sa mall owners at mga gusali na nagpapa-upa ng stalls na ‘wag munang singilin ang mga naguupa sa kanila dahil wala naman itong kita ngayon.

Sabi pa ng Pangulo “Kahit gaano pa kalakas ang kahahampas mo sa Kabayo pag patay na ‘di niya na maramdaman ito”.

Kaya hiling ng mga n angungupahan kay Pangulong Duterte na tulungan sila at sa mga may-ari ng residential units na ‘wag muna silang singilin dahil wala pa silang pambayad ng renta.

Napakahirap ng sitwasyon ngayon at sa tagal ng pandemyang ito lahat ay umaaray na sa epekto nito.

Maging ang pondo ng gobyerno ay tagilid na rin, maging ang ekonomiya ng bansa ay nanganganib na rin.

Sana dun sa mga nakakaluwag pa ng konti ngayon ay tumulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan.

Lalo na dun sa mga may-ari ng paupahan, kung kaya pa po ninyo ay ‘wag nyo muna po paalisin ang mga nakatira sa inyo kasi wala naman po silang mapuntahan ngayon kawawa naman sila.

Mas mapalad po ang nagbibigay kesa binibigyan.

Hindi po natin lahat ito kagustuhan na dumating ang Covid-19.

Ang pinakamabisa po ngayon ay samahan po natin ng pagdarasal na matapos na ang krisis na ito. Wala pong imposible sa Panginoon kung tayo ay lalapit sa kanya sa pamamagitan ng panalangin.

May nakikita na po tayong liwanag dahil may naimbento na raw pong bakuna ang bansang Russia na tinawang nilang Sputnik V.

Kaya konting tiis pa po tayo hanggang sa maalpasan natin ang problemang ito.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com.

353

Related posts

Leave a Comment