Lalo pang pinalakas at pinalawak ang TEVES Cares Live ni Congressman (Kuya) Arnie Teves, ng ika-3 Distrito ng Negrales Oriental sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa DZRHTV sa paglulunsad ng AKSYON, TULONG, SOLUSYON na ginanap sa Sofitel Plaza Manila dakong alas-2 ng hapon, noong Disyembre 16, 2022.
Pumirma ng kontrata sina Cong. (Kuya) Arnie Teves para sa TEVES Cares, Ginoong Ma. Parroco, VP for Sales & AM Operations: Atty. Rudolph Steve E. Juralbal, VP Legal and Regulatory Compliance Group/Station Manager -AM Network Operations MBC-DZRH at DJ Raqiterra para naman sa DZRHTV..
Ang pirmahan ng kontrata ay sinaksihan at ikinonober ng ibat-ibang media outlets na inimbitahan ng TEVES Cares at DZRHTV.
Ayon kay Teves, first of all nagpapasalamat siya sa buong DZRH family sa pagtanggap sa kanya bilang kapamilya nila.
Anya, ang hangad niyalang noong una niyang ginawa sa social media, ay wala siyang habol na magpasikat, walang habol sa pulitika, hanggang sa magpasaya ng tao, dumating na kami sa punto ng pagtulong, hindi lang tulong pinansyal umabot pa kami sa tulong imosyunal.
Sinabi pa niya, it will be public service, will be fund, will be help, definetely magiging masaya ang aming listeners at tagapanood, titiyakin namin na magiging masaya ang tagapakinig at tagasubaybay ng aming show.
“Hindi lang sa kasiyahan, isa sa mga hangad ko na maging mas magaan ang buhay ng buong sambayanang Pilipino”, banggit pa ni Teves.
Kasama rin sa plano ni Cong. Teves, ay pagbuhay ng Bataan Nuclear Power Plant para mapababa ang singil ng kuryente sa buong bansa.
Idinagdag pa niya kung magagamit na ang Bataan Nuclear Power Plant ay tiyak na kalahati ng bayarin ng kuryente ay bababa ng kalahati sa kasalukuyang binabayaran ng mga Pilipino.
Ayon pa sa kanya, pag bumaba ang singil ng kuryente kasunod niya ang pagbaba rin ng mga pangunahin bilihin sa bansa.
Kaugnay nito, nanawagan si Teves sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso na suportahan siya ng kanyang kasamahang mambabatas sa Kamara na tulungan siya sa pagbuhay ng Bataan Nuclear Power Plant.
Kasabay ng paglulunsad ng AKSYON, TULONG, SOLUSYON sa DZRHTV ay inihayag ni Teves ay gagawa siya ng Action Center sa Manila.
Ito ay para umayuda sa financial man, medical at pagmamahal man ay tutulong siya.
Pagsamantala ang ginagamit ni Teves na studio sa Negros habang hindi pa natatapos ang kanyang studio sa Manila na malamang sa Enero 2023 ay matapos na ito.
Magiging kapartner sa programa ni Kuya Arnie Teves sa DZRHTV dakong alas-6 hanggang 7 ng gabi tuwing Sabado ay ang kilalang si DJ Raqiterra.(Joel O. Amongo)
