TF COVID-19 VACCINATION NILIKHA NG IATF

BUMUO ngayon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng COVID-19 Immunization Program Management Organizational Structure.

Ang COVID-19 Immunization Program Management Organizational Structure ay sasailalim sa National Task Force Against COVID-19 kasama ang Department of Health (DOH) na siyang mangunguna rito.

Inatasan ang DOH na kaagad pulungin ang Task Group COVID-19 Immunization Management at magtatag ng sub-task groups kung kinakailangan.

Ang paglikha ng Task Force ay naglalayong tiyakin na magiging matagumpay at mahusay ang deployment ng COVID-19 vaccines sa target na populasyon.

“Unang-una po bilang preparasyon sa pagdating po ng bakuna laban sa COVID-19, bumuo na po ng COVID-19 Immunization Program Management Organizational Structure, ito po’y pamumunuan ng Department of Health at kabahagi rin po ng kinatawan nito ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno,” ayon kay Sec. Harry Roque.

Bukod pa sa inaprubahan ng IATF ang pagpapatuloy ng face-to-face clinical internship program ng University of the Philippines College of Medicine.

Ang Philippine General Hospital ay magsasagawa ng face-to-face program. (CHRISTIAN DALE)

145

Related posts

Leave a Comment