TIGRESSES SINAKMAL NG LADY BULLDOGS

GINULANTANG ng National University ang last season’s runner-up University of Santo Tomas matapos magtala ng 22-25, 25-23, 20-25, 25-20, 15-13 win kahapon sa UAAP Season 82 Women’s Volleyball sa SM Mall of Asia Arena.

Nagpakita ng tatag ang Lady Bulldogs nang bumalikwas mula sa one-set deficit tungo sa paghablot sa decider.
Sa nasabing fifth set, umangat agad ang NU mula sa mga errors ng UST, 7-2.

Nakabawi ang Golden Tigresses nang magtulong sina Imee Hernandez at Laure sisters nang idikit ang iskor sa 8-9. Muling nakapuntos ang NU sa pamamagitan ni Risa Sato. At pagkatapos ay nagsagutan na ang atake, na pinigil ni Margot Mutshima na naglagay sa NU sa 14-11 match point.

Nag-error pa si Mutshima sa sumunod na play na nagbigay ng tsansa sa UST, pero binuhusan ng malamig na tubig ni Ivy Lacsina ang paghahabol ng UST.

Sa Linggo, Marso 8, tatangkain ng NU na hablutin ang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Adamson University, habang ang UST ay susubukan namang manalo laban sa FEU.

Sa laro noong Martes, tinalo ng FEU Lady Tams ang UE Lady Warriors sa straight sets, 25-9, 25-20, 25-17.
Samantala, sinimulan ng NU ang three-peat quest sa men’s division nang talunin ang UST, 27-25, 23-25, 25-19, 27-25.

Sa kanilang unang laro nang wala si reigning MVP Bryan Bagunas at troika nina Francis Saura, Madz Gampong at Kim Malabunga, hinarap ng Bulldogs ang hamon ng Tigers, sa pangunguna ni Nico Almendras na may double-double performance na 20 points at 14 excellent receptions.

Nagpakitang-gilas din si former UE stalwart Ed Camposano sa kanyang one-and-done year sa NU sa pag-ambag ng 19 markers, 4 buhat sa blocks. (VT ROMANO)

158

Related posts

Leave a Comment