IPINASOK na sa Makati Medical Center si Senador Richard “Dick” Gordon matapos mahawa ng Corona virus 2019 kamakailan at natuklasan na mayroon na itong pneumonia.
“Upon the advice of his physician, Senator Dick Gordon was admitted last night (July 28) to the Makati Medical Center for observation and further testing related to COVID-19,” ayon sa kalatas ng tanggapan ni Gordon.
Sinabi pa ng tanggapan ng senador na natuklasan sa inisyal na pagsusuri sa dibdib ng mambabatas na mayroon na itong pneumonia.
“Initial COVID-19 panel test results and high resolution Chest CT-scan findings indicate COVID pneumonia,” ayon sa kanyang tanggapan.
“Sen. Gordon is being treated accordingly and will remain at MMC until further notice,” dagdag ng kalatas.
Nitong Miyerkoles, natuklasan na nahawa si Gordon ng COVID-19 base sa resulta ng RT-PCR na isinagawa ng molecular laboratory ng Philippine Red Cross kaya kaagad itong nag-self isolate at nagpunta sa pagamutan. (ESTONG REYES)
