TIRADOR NG BISIKLETA TIMBOG SA GWARDIYA

NAHULI sa akto ng gwardya ng pampublikong palengke ang umano’y tirador ng mga bisikleta sa Pasay City dakong alas-6:15 noong Sabado ng gabi.

Sa mabilis na pag-aksyon ni SG Eduardo Padilla dela Rosa, guard on duty ng Pasay City Public Market sa Libertad St., nadakip ang suspek na si Rey Bandalan, 35-anyos, residente ng #1418 Tramo Street, Barangay 46, Pasay City.

Nauna rito, humingi ng tulong kay Dela Rosa si Jomari Bendicio, sales promoter sa City Mall, nang makita na pinuputol ng bolt cutter ng suspek na si Rey Bandalan, 35-anyos, ang chain lock ng kanyang bisikleta na nakaparada sa Gate 1 Entrance ng Pasay City Public Market/City Mall.

Sa tulong ni Dela Rosa, nabawi ni Bendicio ang kanyang itim na mountain bike habang dinala ang suspek sa Police Community Precinct 3. (DAVE MEDINA)

234

Related posts

Leave a Comment