TRAIN SYSTEM NG HK DAPAT NATING GAYAHIN

RAPIDO NI TULFO

KABABALIK lang po ng inyong lingkod mula sa isang maikling bakasyon sa Hong Kong kasama ang aking pamilya.

Ang Hong Kong ay dating pinamamahalaan ng Britain at ibinalik sa China noong July 1997 matapos ang siyamnapu’t siyam (99) na taon.

Isa pong paboritong pasyalan at bakasyunan ng mga Pinoy ang HK dahil malapit lang at ito at hindi na kinakailangan ng visa upang makapasok dito.

Tinanong po kami ng driver ng aming nasakyan papunta sa aming hotel kung holiday raw ba rito sa atin dahil marami raw silang bisitang Pinoy ngayon.

Bilang isang tourist destination, marami pong pwedeng pasyalan ang mga bumibista sa HK. Una na rito ang Disneyland na matatagpuan sa Lantau Island na malapit sa airport, andiyan ang Victoria’s Peak or The Peak na nasa kanlurang bahagi ng isla at upang marating ito ay sasakay ng tram na isa sa mga atraksyon nito. Andiyan din ang Giant Buddha o Tian Tian Buddha na matatagpuan sa Ngongping Road sa Lantau Island din, na ang atraksyon ay ang pagsakay sa cable car para mapuntahan ito.

Isa ring dahilan ang malamig na klima ng Chinese territory kaya ito madalas na pinupuntahan ng mga Pinoy. Dahil patapos na po ang amihan season sa atin kaya painit na ang panahon samantalang spring pa lang sa HK kaya’t malamig pa rin dito.

Madali lang maikot ang Hong Kong dahil sa kanilang malawak na train system na kombinasyon ng underground at elevated train tracks. Hindi mo na kinakailangang mag-taxi o bus dahil mayroong malapit na train station sa iyong pupuntahan.

Kung magta-taxi ka naman o Uber, mapapansin na walang gaanong trapik dito. Ang dahilan ayon sa mga driver na nakausap namin, ay mahal daw ang sasakyan sa kanila pati na ang insurance, parking at maging gasolina kaya hindi raw lahat ay may kakayanan na bumili nito.

Ang train system ng HK ang isa sa dapat na gayahin ng ating bansa lalo na rito na Metro Manila para masolusyonan ang lumalalang trapik.

 

31

Related posts

Leave a Comment