TRANSPO SA METRO TULOY KAHIT ECQ

(CHRISTIAN DALE)

MAAARING payagan pa rin ng pamahalaan ang public transportation sa panahon na ipinatutupad na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila dahil sa vaccination program.

Sinabi ni National Task Force against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla Jr., target kasi ng Kalakhang Maynila na makapagbakuna ng 250,000 katao kada araw sa gitna ng pinahigpit na uri ng quarantine simula Agosto 6 hanggang 20.

“Hindi na hihigpitan siguro nang lubos sa transportation sector dahil isang anunsyo na nilabas ni (presidential spokesman) Secretary Roque kamakailan ‘yung pagpapatuloy ng vaccination. Maski tayo naghihigpit sa ECQ, increased ramp up ang pagbabakuna ng kababayan,” ayon kay Padilla.

Tugon ito ni Padilla sa tanong kung opsyon ba ng NTF na bawasan ang bilang ng public transportation.

Dahil na rin sa “race against time” para sa pagbabakuna, sinabi ni Padilla na inaasahan nila na darating na sa bansa ang 16.5 milyong doses ng COVID-19 vaccines ngayong buwan ng Agosto.

“Sinusubukan dagdagan pa ito,” aniya pa rin.

Sa kasalukuyan, wala pa silang naipalalabas na guidelines para sa transportation sector sa oras na maipatupad na ang ECQ.

Nauna rito, ipinanukala na ng transportation sector sa pamahalaan na panatilihin ang kasalukuyang public transportation supply sa panahon ng two week ECQ.

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng Delta variant cases, nagdesisyon ang pamahalaan na muling ipatupad ang ECQ, “strictest quarantine status,” na napagkayarian matapos umapela ang Metro Manila Council para sa “stricter measures’ sa Kalakhang Maynila.

106

Related posts

Leave a Comment